CHAPTER 5

80 4 0
                                    

Chapter 5

Nakatulala lamang ako sa kisame sa loob ng aking kwarto. Unti unti pa ding ina absorb ng utak ko ang lahat nang nalaman. 


I had so many unanswered questions whirling around in me like a hurricane.


All along, I thought that I already knew myself. Akala ko kilalang kilala ko na ang sarili ko, akala ko ayos na saakin na hiindi ko malaman ang lahat lahat saakin but It turns out that I didn't know myself that well. Marami pa pala akong hindi alam tungkol sa aking sarili, marami  pa akong hindi alam sa tunay na pagkatao ko at marami pa akong gustong malaman tungkol sa sarili ko.


Sino ang mga magulang ko? Bakit kinailangan akong ilayo sa tunay kong mundo? Bakit kaylangan kong mawalan ng memorya? Iyan ang tanong na paulit ulit na tumatakbo sa aking isipan na alam kong ako lamang ang tanging makakasagot, at mangyayari lamang iyon kapag bumalik na ang mga nawalang alaala ko.


Frustration was starting to eat my whole being- I took a deep breath as tears started to run down my cheeks. I want to shout, have a tantrum, and beat my hands on the bed like a toddler. I didn't expect that I was able to face something like this.


I was finding myself but I didn't know I was lost.


Pinakalma ko ang sarili ako hanggang hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.


"I guess, I still need to get to know myself" I whispered before I fell asleep.


The next day I woke up because someone was slightly tapping cheeks. Imunulat ko ang mga mata at nabigla ng makita ang batang si Ario na nakahawak sa magkabillang pisngi nya at nakangiting nakatingin saakin. 


Kinusot kusot ko ang mata bago ako tumingin sa may bintana,  pasikat palang ang araw.


"Magandang umaga, mahal na dyosa!" Masiglang ani nito at humiga sa tabi ko.


Nasisigura ko na pito hanggang walong taong gulang lamang ang batang ito, napakabata ngunit napakatalino.


Tumagilid akong humiga upang titigan ito. Hindi pa rin makapaniwala na isa itong unicorn, napaka cute nito.


"Gusto mo ba akong samahan na hanapin ang mga Avatar?" Tanong ko habang marahang tinutusok tusok ang matabang pisngi nito. Naka tingin ito sa kisame habang nakanguso, hindi ko pabigilang hindi mapahagikgik. He's just so adorable.


"Pwede akong sumama, mahal na dyosa?" Napatigil ako sa maharang pagtusok sa pisngi nito ng bigla itong humarap saakin.  Hindi ko maiwasang mapangiti, his innocent eyes glittered with excitement that made my heart fluttered.


"Pwedeng pwede!" Natatawa kong ani dahil sa dakikitang excitement sa mga mata nito.


Habang pinagmamasdan ko ang masayang mukha nito ay hindi ko maiwasang isipin kung masayahin din ba ako noong bata pa ako? Hindi ko alam na pagkatapos ng mga rebelasyong nalaman ko ay ganito kalakas na epekto ang maidudulot non saakin. Sa isang iglap, nabago ang paniniwala ko.


Umalis ako sa mundo ng mga mortal na ang tanging nais lang ay ang mapatunayan kung talaga bang totoo ang mundong ito, ngunit ngayon ay gusto ko nang malaman ang lahat lahat saakin.


All my life, I thought that it was okay not to know may past. Akala ko ayos lang na hindi ko na makilala ang mga magulang ko ngunit heto ako ngayon, gustong hanapin ang mga Avatar para kahit na sana ay maalala ko ang mga mukha nila. 


Ngayon ko lang naramdaman na maraming kulang sa pagkatao ko, ni minsang hindi sumagi sa isipan ko.



"Mahal na dyosa?" Ario's voice was like a whiplash of reality, napakurap kurap ako ng makita itong nagtatakang nakatingin saakin.


Ang inosenteg mga mata nito ay titig na titig saakin na para bang inaalam kung anong nangyayari saakin. He's observing me.


"A-Ano iyon?" Nakangiwi kong tanong.


"Nandito na po tayo sa Autumn Forest, kung saan ang mga lobo ang namamahala." Ani nito na ikinaguuat ko.


Ngayon ko lang napansin na nasa loob kami nang isang napakagandang kagubatan. Inilibot ko ang mga mata sa paligid, This forest hums with life all around me. Each breath was like water, fresh and cleansing, flowing freely into my lungs.


Bawat puno ay nagsusumigaw sa kagandahan. The sun breaks through the cracks, lighting up the path ahead of us, decorated with wildflowers and fallen leaves that crunch beneath our feet. Maririnig din ang huni ng mga ibon sa buong paligid.


"Napaganda ng kagubatan na nito, diba mahal na Dyosa?" Napatingin ako kay Ario ng magsalita ito at napangiiti nang makita itong nakangiting nakatingala saakin.


"Napakaganda nga." Pagsang ayon ko at hinawakan ang maliit na kamay nito.


"Mahal na dyosa, sa tingin mo ba ay nandito ang mga Avatar?" Narinig kong tanong ni Ario habang naglalakad kami sa kagubatan.


"Hindi ko alam, pwedeng nandito sila at pwede din na wala." Ani ko habang tinitignan tignan ang paligid.


Sa hindi ko alam na kadahilanan ay bigla akong napatigil nang mamataan ko sa hindi kalayuan ang isang lawa. Wala sa sarili kong binitawan ang kamay ni Ario at lumakad patungo rito, may naririnig akong tumatawag sa pangalan ko at hinihikayat akong punta sa lawang iyon.


There was someone who was calling my name, nonstop. Her voice was hypnotizing me, she's controlling my whole being.


 Naririnig ko ang pagtawag ni Ario sa akin ngunit hindi ko makontrol ang sarili at ang tanging laman lamang ng isip ko ay ang boses na tumatawag sa pangalan ko.


'Come here, prinsesa Forsythia.'


Her voice was so soft, so soothing. Parang isang malakas na mahika ang inilagay saakin dahil sinusunod ko lang ang sinasabi nito saakin hanggang sa makarating ako sa harapan ng lawa, sang magandang babae ang nakatayo sa may kabilang gilid non at natitiyak ko na dito nanggagaling ang boses na paulit ulit akong tinatawag.


She was wearing a white dress with a flower crown on the top of her head. 


Itim na itim ang mahaba at kulot nitong buhok. Unti unti itong ngumiti at naglahad ng kamay saakin.


'Jump, my princess'


Gagawin ko na sana ang sinabi nito ngunit bago ko pa man iyon magawa ay may malakas nang braso ang humapit sa bewang ko at inilayo ako sa lawa.


"Damn that, engkantada"

A Touch Of The Avatar's LipsWhere stories live. Discover now