Luxur 3

973 36 1
                                    

Chapter 3: Levelling Battle (PART
             ONE)

  •|Third Person's Point Of View|•

Sa isang napaka-gandang harden ng Luxuria Academy, makikita mo ang isang barkadahan na masayang nagkekwentuhan, malakas na nagtatawanan, walang tigil sa pagbabangayan at walang katapusang biruan.

Kung makatawa sila, parang sa kanila ang buong lugar na ito. Kung magsigawan sila, parang sila lang ang tao. Walang sinuman ang magtangkang sawayin sila kahit na nakakaistorbo na sila sa ibang nilalang. Walang sinuman ang magtangkang lumapit sa pwestong kinaroroonan nila. Lahat na nilalang ay takot sakanila. Takot na takot dahil sa mga bagay na kaya nilang gawin na hindi kailanman magagawa ng isang mahina. Kaakibat ng kanilang takot ay ang respeto para sa barkadahang ito.

Renerespeto dahil sa angking lakas at galing. Tinitingala dahil sa kakaibang tapang na ipinapakita. Sinasamba dahil sa kakaibang kapangyarihan at ang kakaibang dugo na dumadaloy sakanila. Sinusunod dahil anak ng isang maharlika.

Sila ang "Angellux Veyur". Isang grupo ng may matataas na ranggo sa akademiya. Grupo ng mga Royalties.

"Sa tingin niyo, Sino kaya ang mapipiling estudyante na makakasama at mapapabilang sa grupo natin?" Tawag pansin ng isang babae sa kanyang mga kaibigan. May dala siyang gitara na gawa sa tubig.

"Hmm. I think si Victoria The Bitchy! Nakita ko kasi siya sa Training Field kahapon na nag-eensayo. And from what I observe, mas lumakas pa siya ngayon kaysa noon." Seryosong ani ng lalaki. May hawak ito na tatlong libro at naka-eyeglasses.

"Victoria? Yung babaeng mukhang clown na ewan kung manamit? Eh, boplaks yun eh. Make-up lang yata ang alam ng bitch na yun. Tsk." Mabilis na kontra ng lalaking kulay red-orange ang buhok. Nag-aalab din sa apoy ang kanyang alagang Fire Phoenix na tahimik lang sa tabi niya.

At sa sinabing iyon ng lalaki, malakas na nagtawanan ang ibang royalties na siyang dahilan kung bakit naagaw nila ang pansin ng ibang estudyante.

"Psh! Ang harsh mo naman magsalita. Mukha ka rin namang trolls dahil sa style ng baduy mong buhok" wika ng isang napaka-cute na Babae. Namumula pa ang kanyang mapupulang pisngi habang nagsasalita.

"Hoy! Anong sinabi mo?! Ako? Mukhang Trolls? Nahiya naman ang buhok ko sa pisngi mo. Yuck!"

"Tse! Isusumbong kita sa dad mo..."

"Paki ko! Samahan pa kita eh."

Luxuria Academy: The Long Lost Powerful Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon