Luxur 2

977 31 2
                                    

Chapter Two: New School, New
         World and New Life.

         •|Athena's Point Of View|•

"BEA?!" Gulat na sigaw ko.

Napatili ako sa gulat dahil sa nakikita ko ngayon. Parang ibang tao itong kaharap ko at hindi si Bea. Crystal Blue Eyes, Crystal Blue Hair na may White Highlights, Mas pumuti pa siya or more like, Pumutla. Parang hindi talaga siya. Nakakakilabot.

Ang lamig din ng mga titig niya sa'kin, Blank Expression, Cold Aura at ang malamig na atmospera. Kung hindi lang niya suot ang binigay Kong necklace na gawa sa dahon at bulaklak...baka hindi ko siya makikilala.

Nakakatakot ang bago niyang anyo.  Hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoong nangyari at naging ganyan siya but one thing is for sure, kauri ko siya. I smiled with that thought. Pero nawala ang ngiti ko nang tiningnan niya ako ng masama.

"W-what happened to you, Bea?" Nanginginig ang boses na saad ko sakanya.

Pigil ko ang hininga na hinintay ang magiging sagot niya. Baka kasi bigla nalang ako nitong ibalibag sa kung saan.

Napahawak siya sa kanyang buhok at sumigaw ng pagkalakas-lakas. "H-hindi ko Alam. Basta nong nahawakan ko ang tubig para sana uminom, bigla nalang itong naging yelo! I don't know. Mababaliw na yata ako" may bahid na frustration ang kanyang Boses kaya masasabi kong nagsasabi talaga siya ng totoo. "At ayon nga, may naramdaman akong masakit sa may bandang balikat ko saka parang may nagbago sa itsura ko kaya pumunta ako sa Kwarto para tingnan ang sarili sa salamin but nabigla nalang ako ng bumulaga sa salamin ang repleksyon ko na ganito ang itsura ko."

"Okay, Okay, I think alam ko na kung ano ang nangyayari sa'yo But I'm not sure so for now, mag-impake ka muna. May pupuntahan tayo." Mahaba kong litanya sa kanya.

Pumanhik naman ako kaagad sa kusina para masimulan na ang pagluluto ng hapunan.

Madali lang din naman ako natapos kasi Adobong Pechay lang ang linuto ko. Yun lang kasi ang nakita ko sa refrigerator.

•|Bea's Point Of View|•

Kasalukuyan akong nag-iimpake ngayon dahil may pupuntahan daw kami ni Athena. Hindi ko alam kung saan at wala din naman akong balak alamin dahil malaki ang tiwala ko sakanya na hindi niya ako ipapahamak.

Luxuria Academy: The Long Lost Powerful Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon