"MY CRUSH NEXT DOOR"
SIMULA
Papunta na ako sa aming paaralan sakay ang aking bisekleta. Dala-dala ko ang aking sinulat na love letter para sa aking nag-iisang crush sa buhay na si Andrei Lopez.
Huminto ako sa may entrance gate at pumwesto lang dito para hintayin siya. Nakikita ko ngayon na papalapit na siya.
Linabas ko ang aking love letter para sa kanya at lumapit ako pero dinaanan lang niya ako. Nakakahiya. Tiningnan ako ng mga iba pang mga estudyante at tsaka tinawanan.
Araw-araw ko 'tong ginagawa para lang mapansin niya pero binabalewala lang niya ako. Gumagawa kase siya ng effort para lang makuha ang matamis na oo ng campus crush na si Megan.
Umaasa pa rin ako na mapapansin niya ako. Matagal ko na kaya siyang gusto simula nong nasa elementarya palang kami.
Magkakilala ang mga pamilya namin at ninong ko ang papa Mario niya kaya malapit ako sa pamilya niya except lang sa kanya.
Masaya pa rin ako kahit hindi niya pinapansin ang mga efforts ko para sa kanya. May mga kaibigan pa naman ako na sina Mia at Gwen.
Simple lang naman ako at ang buhay naming mag-ina. Wala na akong ama at tanging si mama nalang ang meron ako. Di ko nga alam kung pati si mama ay iiwan din ako.
I pout and then pumasok na sa campus. Sige, tumawa lang kayo nang tumawa hanggang sa mawalan kayo ng mga hininga.
"Bes. Oh ano pinansin ka ba ni Andrei?" tanong ni Gwen. Tsk. Alam naman siguro niya na di pa rin ako pinapansin ng lalakeng yun.
Baka iisipin niya at ng iba na papansin ako pero hindi. Pero minsan ay oo. Hehe.
Di ko kasi maiwasang titigan siya, kausapin siya at lalo nang sundan siya kahit saan. Di ba kayo ganyan sa mga taong naguhustuhan niyo?
Hindi ko nalang siya sinagot dahil ayaw ko munang makipagkwentuhan sa dalawang mokong yun. Alam ko naman sila lang ang successful sa tinatawag nilang love life.
Eh si Gwen ay may boyfriend na isang gamer na mukhang playboy. Tsk. Si Mia naman ay hinahabol ng isang campus heartthrob na isang gangster. Bahala na sila sa mga buhay nila.
Pumasok na kami sa classroom at nakikita kong pinipilit kausapin ni Andrei si Megan. Binabalewala lang siya. Kawawa naman.
Umupo na ako sa silya ko at itsaktong-eksakto na dumating na si teacher namin.
Tumayo na kaming lahat at nag-greet sa kanya. "Good Morning Ma'am! We are happy to see you!"
"Good Morning," bati rin niya. "Umupo na kayo at kumuha na kayo ng isang buong papel," sabi niya. Tch. Ano naman kaya ang ipapagawa niya. "Write down your name, family history, ambitions, your likes and dislikes and of course your inspirations," dagdag niya.
Homeroom nga pala kaya pinapagawa kami ng ganito.
Kumuha na ako ng isang buong papel at tsaka nagsimula na akong magsulat.
Ako ay si Arianne Hernandez, labing-anim na taong gulang na po ako. Ako ay nasa fourth year high school na kaya dapat ay maging matino na ako. Aaminin ko na di po ako matalino at maganda pero naniniwala po akong may kakayahan ako. Bata palang ako ay nawala na ang ama ko at tanging ina nalang ang meron ako. Isa sa mga inspirasyon ko ay si Mama, ang namayapa kong ama, ang aking pamilya, mga kaibigan, ang aking mga naging guro na palagi akong pinapagalitan dahil raw sa di matino ang ulo ko, ang panginoon at lalo na ang nag-iisa kong crush. Mahilig akong mag-alaga ng mga pusa at aso, marunong din akong magsulat ng mga nobela at mga pabula at mahilig din akong tumulong sa gawaing pambahay. Di ko gusto ang mga taong masyadong ma-oa at di ko rin gusto ang kumain ng mga matatamis na pagkain. Gusto ko sa isang tao ay mabait, mapursege, maginoo at lalo nang matalino. Gusto kong kumain ng mga maaanghang na mga pagkain. Ang ambisyon ko sa buhay ay ang maging isang manunulat dahil gusto kong magbigay inspirasyon sa mga taong nahihirapan, natatakot at walang confidence sa pagsulat ng kanilang sariling istorya. Kahit di po ako matino, alam kong may kaalaman parin ako sa mundong ito.
Ayan, di ba ang haba ng isinulat ko sa buong papel. Totoo ang mga isinulat ko kaya kung di maniniwala si Teacher niyan, Ewan ko nalang sa kanya.
Di nga matino 'tong ulo ko pero alam kong may magagawa akong maganda sa mundong ito.
"Okay class. Ipasa niyo nalang kay Andrei ang pinagawa ko sa inyo, kuha?"
Tumango lang kaming lahat at ipinasa na nila ang mga papel nila. Tanging ako nalang ba ang di pa nakapasa?
Nakakahiya kasi 'tong mga isinulat ko at tsaka baka mali 'to at baka pagtatawanan lang nila ako. Sira na nga 'tong araw ko ngayon dahil sa kanina baka masisira pa lalo.
Itatago ko na sana nang
"Arianne, akin na papel mo," sabi ni Andrei. Wahh!! Pinansin niya ako. Pinansin niya nga ako. "Hoi. Bingi ka ba" asar niya. Tsk.
Di ko sana ibibigay ang papel ngunit kinuha niya ito sa likuran ko at siya'y napatumba sa akin
Kyaa!!!
Tumayo siya agad at parang wala lang sa kanya yun. Halatang namumula na ang mga pisngi ko. Pupunta na nga lang ako sa cr. Tumakbo ako at naririnig ko pa ring nagsitawanan lang sila.
**
SA CR
Tumungin ako sa salamin at kinurot ko ang pisngi ko kung totoo nga ba ang nangyari kanina. Ang sakit! Totoo nga! Di ko 'to palalampasin na isusulat sa diary ko.
Kilig. Ayiee.
Yan si Andrei? Matalino, heartthrob na ang gwapo talaga tapos cute pero binibigyan niya kami ng cold treatment lahat.
Mukhang wala nga sa kanya yun dahil accidente lang yun at tsaka baka binasa niya na ang sinulat ko. Tch.

BINABASA MO ANG
MY CRUSH NEXT DOOR
Ficção Adolescente"Some days I just can't stop thinking about you, and other days I wonder why I'm wasting my time." "I don't even know why I like you. But I just do." "Bakit nga ba tinatawag itong crush? Dahil ito'y isang nararamdaman mo sa isang tao na di nararamda...