CHAPTER 1

13 2 0
                                    


Deum Achilles Nikolai POV.


Pabalik balik parin sa isipan ko ang sinabi ni Wayo,This is the first time na nagkainterest ako sa mga pinagsasabi niya at di mawala wala sa isipan ko yung ginawa niyang article kuno 


"Aliens who? - Predictions of end of the world - Artificial intelligence

Naniniwala ka ba sa aliens? Yung mga nilalang na nagmula sa ibang planeta at mukhang halimaw ang anyo?. Kung ito ay iyong iniisip ay maaring tama ka o hindi. Ayon sa aking mga nababasang artikulo ang aliens ay hindi mga nilalang na nag mula sa kalawakan kundi katulad lang natin sila. Anyong tao at may dugong tao, Papaano?

Sila ang mga tao na nagmula sa future ang sinasabi nilang planetang mataas ang teknolohiya na pinamumugaran nang mga aliens ay planeta natin sa hinaharap.

Sa pag usbong nang ating teknolohiya maari nang makagawa nang time machine kung saan ay babalik ka sa nakaraan o sa kasalukuyan kung iyon ay iyong nanaisin. Paano ko nga ba nasabing ang mga aliens na sinasabi nila ay mga tao pala sa hinaharap?

Una. Noong kapanahunan pa nang mga ninununo natin ay isa lamang tayong matatawag na mangmang walang alam sa teknolohiya at tayo ay asal hayop. Sino nga ba ang nagturo sa ating mga ninununo nang pag gawa nang apoy sa pamamagitan nang bato at kahoy? Kung noon ay tanging nga hayop lang ang ating nakakasalamuha at ang ating pagiisip ay nakadepende saating natutunan at nakikita?...

Pangalawa, Sa ating mga mahuhusay na scientist paano nila nadidiskubre ang mga bagay na kailanman ay di napupuntahan nang tao? Tulad nalang nang araw paano nila nalalaman ang gas na nagmula doon kung tusta kana pag nadikit ka lamang dito?

Pangatlo, Sabi nga nila tinakda ang maaring kapalaran nang ating mundo ngunit matutuloy lang ito kung masasatuparan ang ating future sa pamamagitan nang pagtupad nito sa kasalukuyan

Pang-apat, May mga case na rin na nagpapatunay na may mga tao na nakakalakbay sa oras sa pamamagitan nang time machine ngunit, Hindi kana maaring makabalik sa kasalukuyan dahil sa pag balik mo sa nakaraan ay binago mo na rin ang iyong kapalaran.

Panglima, Ang mga napapanood natin sa telebisyon ay ang mga aliens ay parang isang reptiles na hindi mo mawari kung ano ang anyo. May mahahabang kamay,May mga malalaking mata, malalaking ulo sila ay maliit na sukat lamang nang 5 years old na bata ngunit matatalas naman ang kanilang isipan, Matatalino ang mga ito at walang laban tayong mga tao. Ngunit ito lamang ang haka haka nang karamihan hindi pa ito napapatunayan. Bumalik tayo sa ating topic, Kung mukha silang mga halimaw ay hindi nila magagawa kung ano nilang gustuhin at maaring mapabilang sila sa kinakatakutan nang mga tao at maari silang patayin. Hindi rin maniniwala sakanila ang mga tao kung may nais silang ipabatid. Nakuha mo ba ang punto ko? Tao rin sila dahil hindi mo alam na ang nakakasalamuha mo sa araw araw ay nagnula pala sa hinaharap.

Pang anim, Paano nga ba nalalaman nang mga ekperto ang ating future? Ang mga predictions na nagmumula sa ating mahuhusay na ekperto kung hindi naman sila naglakbay sa hinaharap upang makita nila ito? Ang aking sagot para dito ay ang mga tao na nagmula sa future na pinapangalagaan nang mga ekperto o masasabi mong kanang kamay ay ang pinagmulan nang kanilang mga theorya at predictions dahil nais nilang ipabatid ang maaring mangyari sa hinaharap ang kinakatakutan nating lahat na pag gunaw nang mundo.

Sabi nang punanaw na scientist na si Stephen Hawking ay ang AI o artificial intelligence ay ang magwawakas sa humanity. Ang pag usbong nang teknolohiya ay maaring maging masama o makakabuti. Ang makakasama dito ay ang pagputol nang mga kahoy upang mawala ang ating mga kagubatan at pag decrease nang dagat dahil pwede na itong gawing lupa at pagtayuan nang mga gusali ganon din sa ating nga kabundukan at kagubatan. Ito ay magreresulta sa tuluyang pag wasak nang ozen layer at ang resulta nito ay wala nang shield ang earth sa mga gas na maaring mag resulta nang kamatayan nang mga tao. Ngunit syempre may ikabubuti parin ang teknolohiya dahil mula sa hinaharap ay makakaimbento na nang pangontra sa araw kahit na walang ozone layer.

My Alien Bestfriend [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon