Sombrelo 2012

3 0 0
                                    

Nakaupo ako sa bus, umaga, nakadungaw sa bintana habang ramdam yung basa pang buhok at pag yugyog ng sasakyan sa pag takbo. Malabo yung salamin pero kita parin ang dami ng mga damo sa kabila habang nalalagpasan.

"Naranasan mo na ba magmahal ng taong nagpaparamdam sayo na mahal kanya pero hindi mo sigurado kung ano ka ba talaga sa kanya."

Mangiyak ngiyak na tanong ng katabi ko.

"Ha?" Yun lang ang nasambit ko.

Sakto namang huminto yung bus sa building kung San kami nag tatrabaho.

Partner ko siya sa trabaho, ibig sabihin related yung ginagawa niya sa ginagawa ko. Kung hindi siya magsisimula, wala akong matatapos.

Napaisip niya ako sa mga sumunod na oras. "Anong ibig niyang sabihin?"

Hindi nako nagtanong ng kinabukasan.

Tapos  ng mga sumunod na araw inaaya niya na akong kumain ng agahan sa mcdo. Paborito niyang kainin yung chicken. Yun lagi inoorder niya. Inaaya niya na akong uminom kasama yung ibang kaibigan niya. Sumama lang ako kasi wala naman akong gagawin sa boarding house.

Hindi naman ako nagtaka sa kanya basta nakinig na lang ako sa mga kwento ng buhay niya. Hindi ko nga naisip na may iba sa kanya o iba siya.

Nagstart na siyang mag open up sakin nung naging mas komplikado na ang lahat.

"Sinong pipiliin mo, yung taong mahal mo o yung taong mahal ka."

Ang sagot ko sa kanya "basta hindi pwedeng dalawa"

Naalala ko yung sabi ng instructor ko sa psychology "wag kang magbibigay ng advice lalong lalo na kung hindi mo naexperience yung situation ng taong bibigyan mo ng advice."

Pero sabi ko sa partner ko piliin niya yung mahal siya.

Sa sobrang concern ko sa kanya pati lahat ng decision making niya ako gumagawa, pati sa relationship niya ganun hanggang sa sabi ng PINILI niya "papano siya matuto kung laging ikaw ang gumagawa ng desisyon para sa kanya"

Naisip ko may point siya.

Natapos ang kontrata ko sa trabaho. For few months pinapabalik ng kumpanya yung mga katulad ko na ENDO. Kahit yung partner kong to gusto niya akong magstay  pero wala yung puso ko sa ginagawa ko kaya nagdecide akong umalis.

Ang buti minsan ng pagkilala mo sa ibang tao, makakahanap at makakahanap ka talaga ng mga taong marunong magpahalaga sayu tulad ng pagpapahalaga mo sa sarili mo. Parang kang may pangalawang pamilya.

KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon