School Paper || Narration

31 4 0
                                    

Sayoon POV





"Oh tubig", sabi ko kay Youngtaek na ngayon ay hingal na hingal





Ang tanga kasi, eh. Sinabi ko lang naman yung naassign sakin na task, tumakbo na papunta dito. Malayo pa naman yung gym sa main gate



"Sana nagsabi ka na gusto mo nang mamatay para ako nalang sasaksak sayo--"



Inakap naman ako ni Youngtaek pero agad akong kumawala at hinawakan ang mukha niya



"YAA! Pawis na pawis ka oh", sabi ko sabay punas ng pawis niya gamit ng kamay ko



"Waa~ Nagde date na ba sila?"

"Sana lahat eomeona"

"Oppa ako nalang"



Nakaramdam naman ako ng mga tingin at bulungan kaya itinigil ko na. Pero mas nagulat ako sa tingin ni Youngtaek



Ang seryoso ng tingin niya



Ang gwapo niya--



YAA! GONG SAYOON!





NABABALIW KA NA BA?!





"Mwoga? Ganyan ka makatingin?--YA! KANG KYUSIK!"



Napaayos naman ako ng tayo nang makita ko si Kyusik. Dapat presentable ako kapag nagi interview, yan ang turo ni Go Eul sunbae



"Oh Annyeong!", sabi niya saka nag bow kaya nag bow rin kami ni Youngtaek



"Ahm.. Nandito ako para i-interview ka para sa School Paper next month. Sayo kasi ako naassign, and about ito sa magiging Athletic Meet niyo next month", paliwanag ko



"Oh, so mag start na tayo?--Kasama ba siya sa magi-interview?", sabi niya



Napatingin naman ako sa itinuro niya, si Youngtaek.



"Youngtaek, Boyfriend ni Sayoon", pakilala ni Youngtaek



"Waa, so nagde date na pala kayong dalawa? Congrats"



"Tara magsimula na tayo", sabi ko sakanya



Nilingon ko naman si Youngtaek, "Behave, hmm?"



Tumango naman siya saka ginulo ang buhok ko



---



Naiwan kaming dalawa ni Kyusik sa gym. Lumabas sandali si Youngtaek para bumili ng makakain namin



"So, hanggang dito lang yung tanong ko sayo. Thank you sa time", sabi ko saka nag bow



Umupo siya sa tabi ko, kaya napaayos ako ng upo.



Hinawakan niya ko sa likod ko at ramdam ko yung haplos niya dun. Ibang haplos yung ginagawa niya.





Puta, Youngtaek asan ka na?



Natatakot na ko





"Antagal narin since nung nagassign sila ng babaeng magi interview sakin"



"A-ahh oo hehe"



"Libre ka ba mamayang gabi?"



"A-ano, hindi pwede--"



Bumaba yung kamay niya sa bewang ko kaya naalarma ako at sinusubukang alisin yun pero ibinabalik niya parin



 "Hindi naman malalaman ng lampa mong boyfriend--"   

Bago pa niya mapagpatuloy yung sinasabi niya ay may humila na sakin at isinubsob ako sa dibdib niya



At dahil sa gulat ko duon na ko napaiyak.



"Nasabi ko na ba sayong asawa ko na siya?"



"Girlfriend mo lang siya kanina ngayon asawa na?"



"Sinasabi ko na ngayon sayo, asawa ko siya at magkakaanak na kami kaya alamin mo limitasyon mo"





Puta ano daw?!





Napatingin naman ako kay Youngtaek. Sakto naman na nakatingin siya sakin. Agad naman niyang pinunasan yung luha ko at saka tumingin ulit kay Kyusik





"Pre, kapag pinaiyak mo na naman siya. Magpaalam ka na sa pagiging Team Captain mo", sabi niya saka ako inalalayan palabas ng gym



"Katulad karin pala ng ibang babae sa school, maagang lumandi", sabi ni Kyusik na ikinainis ko



Naramdaman ko naman na tumakbo si Youngtaek kay Kyusik





Nasuntok ni Youngtaek si Kyusik. Natumba naman si Kyusik



"Hindi mo gugustuhin na makaharap ulit ako kaya umayos ka", banta ni Youngtaek



Lumapit sakin si Youngtaek saka ako inilabas sa gym



Ulit? Anong 'ulit' yung sinabi niya?

Tumigil ako sa paglalakad, ganon din si Youngtaek. Naka tingin lang ako ng diretso sa daanan at hindi sya tinitignan



"Youngtaek Son"





"Magpapaliwanag ako, Sayoon-ah"

School Paper || son youngtaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon