School Paper || Narration

26 5 0
                                    

Sayoon POV



Uwian na pero nandito kami nila Youngtaek at Kyusik sa Dean's office. Nandito rin si Bomin at hindi ko rin alam kung bakit



"Youngtaek, kita mo ba yang ginawa mo sa Captain ng Basketball Team ng school? Ano bang pumasok sa isip mo at ginawa mo yan sa kanya? Hindi mo ba alam na pwede kitang ipa-suspend dahil diyan sa ginawa mo--"



"ITANONG NIYO PO KAYA DIYAN SA MANYAK NA LALAKING YAN ANG NANGYARI--"



Naputol ang sinasabi ko ng hinawakan ni Youngtaek ang balikat ko at sinusubukan pakalmahin



"Bomin", tawag ni Youngtaek kay Bomin



Kinuha naman ni Bomin ang cellphone niya at saka inabot yun sa Dean



Gulat ang rumehistro sa mukha ng Dean. Hindi ko alam kung dahil ba sa ginawa ni Kyusik o nung sinabi niYoungtaek na magkakaanak na kami



KAPAG AKO NASUSPEND DAHIL SA KALOKOHAN MO YOUNGTAEK, MAPAPATAY KITA



Binaba naman ng Dean cellphone ni Bomin at napatingin kay Kyusik



"I'm disappointed, Kyusik-ah. Ikaw ang Team Captain ng Basketball Team, ikaw dapat ang mabuting ehemplo sa kupunan pero ikaw tong--AISH! Tinatanggal na kita sa Basketball Team, Kang Kyusik"



"Pero Dean, hindi naman pwedeng ganon ganon lang yun. Sinuntok niya ko, oh! Saka mas mabigat yung kasalanan ng dalawang yan!"





Nanlaki naman ang mata ko at napatingin kay Youngtaek na ngayon ay blanko lang ang expression habang nakahawak sa kamay ko





"Kung tinutukoy mo yung pagde date nila, walang problema ang school dun as long as magiging maayos ang pagaaral nila", sabi ng Homeroom Teacher ko



"Maraming students ang nagde date dito sa school at walang school rule na nagsasabing bawal ang pakikipag date", sabi naman ng coach ni Youngtaek



"Hindi niyo ba napakinggan sa video? HINDI LANG NAGDE DATE YANG DALAWANG YAN! M-MAGASAWA NA SILA AT MAGKAKAANAK"



"MWORAGO?!"



Napahigpit naman ang hawak ko sa kamay ni Youngtaek. Tangina kasi nitong lalaking to





"Kang Kyusik, Teacher Seo, Coach Shin, Dean Jung kung pwede sana huwag kayong sumigaw, natatakot yung asawa ko at sana hindi niyo kami isuspend o ipa kick out sa school dahil alam narin naman ng parents namin to", sabi ni Youngtaek





ANO?! NI HINDI NGA SIYA KILALA NG MAGULANG KO?!



"H-hindi pa kayo nakaka graduate pero magkaka anak na kayo?"





"Advance po sila magisip, Dean Jung", sabat ni Bomin





Napapikit naman ako sa inis.Hindi ko aakalain na ganto ang nangyayari. Sana pala hindi na ko naging isa sa mga School Journalist





"Teacher Seo, Coach Shin, Dean Jung. Sorry po, hindi po namin sinasadya"





Hindi po namin sinasadya na magsinungaling, sadyang gago lang tong boyfriend ko



"Ipapatawag ko ang parents niyong dalawa bukas. Kami ang maguusap tungkol dito at Kyusik dalhin rin ang parents mo bukas"



Lumabas na kami ni Youngtaek at Bomin sa Dean's Office. Nang makalayo kami ay agad kong pinagpapa palo si Youngtaek. Si Bomin naman ay tawa ng tawa





"LOKO KANG LALAKI KA! PANO KO TO SASABIHIN SA PARENTS KO HA?! ANG DAMING PWEDENG SASABIHIN YUN PA. NABABALIW KA NA TALAGA", sigaw ko



Tumatawa lang si Youngtaek at saka si Bomin. Magkaibigan talaga tong dalawang to



"Cellphone mo", utos ni Youngtaek



Ibinato ko naman sakanya ang cellphone ko at nasalo naman niya yun.





"Annyeonghaseyo"



OMAIGHAD, KA VIDEO CALL NIYA SI MAMA?!



"Andito po siya sa tabi ko"



Tumabi naman siya sakin at saka ako inakbayan at lumayo ulit



"Boyfriend po. Boyfriend niya po ako at Tita gusto ko po sanang iinvite kayosa bahay mamayang gabi. Yun lang po, ingat po kayo. Aalagaan ko po si Sayoon para sa inyo"



"Pangatlong araw palang po naming nagde date, Tita. Nung Linggo lang po ng umaga kami nagsimulang mag date kaya po sana makapunta kayo sa bahay. Susunduin ko nalang po kayo ng 7"



Ibinaba naman agad ni Mama ang video call. Putek, lagot ako nito



"Hala ka hyung, galit ata yung Mama ni Noona", sabi ni Bomin



WHUT?!



"A-ah Youngtaek, uuwi na ko. Mamaya nalang", sabi ko saka kumaripas ng takbo



Sana lang hindi galit si Mama kundi lagot talaga ako



WAAAAAAA

School Paper || son youngtaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon