School Paper || Narration

21 3 0
                                    

Third Person POV

Naglalakad ngayon si Youngtaek papunta sa room niya nang bigla siyang hampasin ng kung sino at paglingon niya...

Nakita niya yung babaeng nagpahanga sakanya.

"Oh Kang Hyunhee! Kamusta? Saya nung gala natin nung nakaraan, ulitin natin", aya niya

Bigla nalang natawa ng malakas si Hyunhee at pabiro siyang nahampas ulit. Sanay na sanay na si Youngtaek sa mga hampas niya. Yun ata ang isa sa mga dahilan kung bakit siya napahanga dito.

"Gagi ka, magagalit girlfriend mo", sabi niya

"Nakipag hiwalay na ko sa kanya", sagot ni Youngtaek

Nagulat si Hyunhee sa sinabi ni Youngtaek. Saksi kasi siya sa kung pano pagkaingatan ni Youngtaek ang relasyon nila ni Sayoon

"JUSKO?!? TEKA PAANO NANGYARI YUN?!", gulat na sigaw ni Hyunhee

Nginitian lang siya ni Youngtaek at inakbayan saka nagsabay na maglakad papunta sa classroom nilang dalawa.

Alam ni Hyunhee na mabigat ang loob ngayon ni Youngtaek, kung kaya't nakaisip ito ng paraan para mabawasan yun

"Gala nalang tayo mamaya, ano game ka?"

School Paper || son youngtaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon