School Paper || 마지막

26 3 0
                                    

Third Person POV
after six years...

Nagkakasaya ang lahat sa reception ng kasal ni Youngtaek. Lalo na yung barkada niya, syempre maraming pagkain.

"Ayos ka lang? Gusto mo na bang umuwi?", tanong ng isang lalaki sa katabi niya

Tinignan lang siya ng babae at saka ngumiti. "Ayos lang ako"

Wala ring nakapansin na nandiyan sila at nakaupo sa gilid. Hindi nila alam kung hindi ba sila napansin o galit silang lahat sa kanila.

"Imbitahin natin ang groom para sa kaniyang speechvakahajsb"

Eto na, magsasalita na si Youngtaek. Magsasalita na sa harap nila ang lalaking minahal niya

"First of all, salamat sa pagpunta. Sa barkada ko na isa sa mga tumulong sakin sa kasal na 'to. May isa akong kwentong iku-kwento sa inyo..."

Nagulat siya sa sinabi ni Youngtaek. Malakas ang pakiramdam niya na ang kwento nila ang iku-kwento niya

"Minsan na kong nangako ng kasal sa isang babae. Which turns out na hanggang pangako lang siya. Mahal na mahal namin yung isa't isa noon kahit na ayaw ng magulang niya sakin. Isang araw, after ng anniversary namin nun umalis siya. Nangako kami na hindi namin puputulin yung communication namin, pero bigla nalang niya kong hindi minessage. Pinagpatuloy ko parin siyang i message pero wala talaga. Nagantay ako ng dalawang buwan hanggang sa wala talaga. Hanggang sa nabalitaan nalang namin na ikinasal siya sa bestfriend niya. I guess  super happy now"

Ngumit siya ng mapait sa ikinuwento niya, hindi nga siya nagkamali.

"Siguro totoo nga yung sinasabi nila na wala ng permanente sa mundo. Lahat ng inaakala natin na magtatagal, mawawala rinkahit ganoon, habang nandiyan pa sila iparamdam na natin kung gaano sila kahalaga"

---

Nagsisimula nang magsiuwian ang mga bisita. Nilapitan niya ang newly wed bago umalis.

"Youngtaek, congratulations nga pala", bati niya

"Sayoon-ah... Congrats din pala sa inyo ni Jihyun", bati niya rin

"Dumaan lang talaga ako dito para batiin ka. Alis na ko", sabi niya saka nagsimulang umalis

Dun ka nagkakamali, Youngtaek. Umayaw ako sa kasal namin.

School Paper || son youngtaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon