Kabanata 1 - "Doorknob"

310 10 0
                                    

Rich Note: If you wish to intensify the experience while reading the story, I have something for you to listen at the media. -------->

Be sure to check it out and listen to it while reading.

***

Jared

"Late na ba ako?" Tanong ko sa isa aking mga classmates na naka-upo sa Bleachers ng Gym habang tinitiklop ang aking payong na basang-basa sa ulan.

Ngunit hindi ito sumagot. Imbis ay nagbingi-bingihan sya na para bang non-existent ako.

Nakatingin sya sa aming P.E Instructor sa may di kalayuan sa aming harapan.

What's up with this guy? Na-late lang ako ng konte, dinedma na ako.

May ginawa ba akong mali sa kanya?

Nagmukha tuloy akong tanga sa harap ng mga kaklase kong naka-upo rin sa bleachers na nasa bandang itaas.

Nakaka-inis!

May araw din sa akin tong taong to.

Aalis na sana ako sa aking kinatatayuan nang biglang nagsalita ang katabi nyang babae.

"Umn. . Oo, mga 20 mins na'ng nakalipas nang dumating si Maam" Talaga? Kung ganon, late na late na pala talaga ako.

FudgePops!

Kung hindi lang sana dahil sa malakas na ulan eh.

Na-Stranded tuloy ako sa waiting-shed sa labas ng school ni Alice.

Kakainis talaga!

Kay aga-aga, sira na ang araw ko.

Dinagdagan pa ng taong to.

"P-pero. . hindi naman kaagad nag-umpisa mag-lecture si Maam." Napatigil ako sa kalagitnaan ng aking pag-iisip nang magsalita ulit yung babae.

Salamat naman kung ganun.

Hindi pa pala ako ganun ka-behind sa napagdiskusyunan nila.

"Sa tingin ko, sumilong lang sya dito nang madatnan namin. At akala namin mag-uumpisa ng maaga ang klase kaya naupo na rin lang kami rito." Ganun pala ang nangyari.

Nakahinga ako ng maluwag sa kanyang mga sinabi. Gusto kong magpasalamat sa kabaitang ipinakita nya sa akin pero wag nalang baka nobyo nya itong katabi nya at baka ano pa'ng masabi.

Kaya sa halip na magpasalamat sa kanya ay tumango nalang ako at bahagyang ngumiti.

Gumanti rin sya ng isang pilit na ngiti sa akin at tumingin sa lalaking kanyang katabi.

"Kindly settle youselves guys!" Nabigla ako na'ng may biglang sumigaw sa may di kalayuan mula sa aking likuran.

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

"Please occupy the vacant seats sa taas." Ang instructor pala namin ang nagsasalita. Di ko na namalayan na naglelecture na pala si Maam habang nakikipag-usap ako sa aking kaklase.

Lagot baka pagalitan ako nito.

Prepare yourself Jared.

Nagkasalubong ang aming mga paningin at alam kong ako ang tinutukoy nya kaya nagmadali na akong umakyat sa itaas upang maghanap ng mauupuan.

Pagka-upo ko ay muli kong binuksan ang aking payong at pina-tayo sa bleachers upang patuyuin.

Nang mai-ayos ko na ang aking sarili ay itinuon ko na ang aking paningin sa aming Instructor.

Sa Pagitan - Damgo Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon