Kabanata 5 - "Quarter to 9"

183 12 8
                                    

Jared

May naririnig akong boses. . .  boses ng isang lalaki.

Hindi, marami sila. . . sa tingin ko tatlo. . . nag-uusap. . . ay hindi. . .sa tingin ko parang nagtatalo.

Hindi lalaki ang pangatlo ngunit parang isang babae.

Malapit lang sya sa akin. . . sa tingin ko katabi ko lang sya.

Hindi ko sila makita dahil madilim ang aking paningin. Napakadilim na halos wala ka ng makita.

Purong itim.

Ang boses nila ay pa-bulong na parang nakakulong sa garapon.

Hindi ko maintindihan ang kanilang pinag-uusapan.

Wala akong maintindihan ni isang salita ngunit alam kong nagtatalo sila.

Sino ba sila?

At saka asan ba ako?

Bakit napakadilim dito?

Naririnig ko rin ang mahinang pagtibok ng aking puso maliban sa mga boses nila.

Pati na rin ang paminsan-minsan kong paghinga.

Nangangapa ako sa paghinga.

Parang sasabog sa sakit ang aking baga sa paghahanap ng hangin.

May humahawak sa aking ulo.

Mayroong kamay na sumusuklay sa aking buhok.

Gusto ko syang tanungin kung bakit nya ito ginagawa at kung sino sya pero hindi ko magawang ibuka ang aking bibig upang makapag-salita.

Ninais ko nalang na idilat ang aking mga mata para makita sya pero bigo parin ako.

Parang hindi gumagana ang mga pakiramdam ko maliban sa sense of touch.

Nararamdaman ko ang aking likod na nakadikit sa isang malambot na bagay na parang foam.

Habang ang ulo ko naman ay parang nakasandal sa isang braso.

Ginusto kong pagalawin ang aking mga kamay upang hawakan sya ngunit nabigo na naman ako sa pangalawang pagkakataon.

Tama nga ako, nagma-malfunction ang katawan ko.

Ngunit anong dahilan nito?

Naramdaman ko ang pagkunot ng aking noo at pagsakit ng aking ulo nang biglang may sumulpot na mga imahe sa aking harapan.

Hindi nakadilat ang mga mata ko kaya marahil mga imahe ito ng aking memorya tungkol sa mga nakalipas.

Nakikita ko ang aking sarili na naglalakad patungo sa isang lamesa.

Naupo ako at sumandal dito.

Maya-maya pa'y may babaeng lumapit at binigyan ako ng makakain.

Kinain ko ito lahat ngunit isinuka ko rin ito sa lababo.

Tama!

Natatandaan ko na ngayon ang nangyari sa akin!

Nahimatay ako pagkatapos non.

P-pero, asan ako ngayon?

Hindi ko na maalala ang mga sunod na mga nangyari.

Hindi ko rin alam kung paano ako napunta rito.

Dahan-dahang naging malinaw ang aking pandinig na sapat lang para marinig ko ng mas mabuti ang mga ingay ng mga bagay na nasa aking paligid.

Naririnig ko na ngayon ang ingay na nagmumula sa tumatakbong sasakyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Pagitan - Damgo Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon