Prologue - "Subirse el muerto"

1K 17 10
                                    

"Subirse el muerto"

Ramdam ko ang hangin mula sa aking paanan na humahaplos sa aking mukha patungo sa aking buhok -- dahilan para ito'y gumalaw-galaw.

Iminulat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang nakakasinag na ilaw na nakasabit sa bubong.

Hindi ganun kalinaw ang paningin ng aking mga mata sa kalagayan ko ngayon at ipinagtataka ko ito kung bakit.

Nasaan ba ako? Bakit di ko lubusang maaninag ang mga bagay na nasa paligid ko?

Gusto kong malaman kung nasaan ako at kung ano itong nangyayari sa akin.

Sinimulan kong pagalawin ang aking mga mata.

Isa-isa kong sinuri ang bawat sulok ng lugar.

Itinuon ko ang aking paningin sa aking paanan kung saan nanggagaling ang hanging dumadampi sa aking mukha.

Nakita ko ang aking mga tuwid na paa at ang pinagmumulan ng hangin -- ang electric fan.

Napagtanto kong shorts lang pala ang aking suot at wala akong pang-itaas.

Ibig sabihin nandito ako ngayon sa aking kwarto at kasalukuyang natutulog.

Teka, natutulog?

Eh ba't gising ang diwa ko?

Para kumpirmahing nasa kwarto nga ako ay sinubukan kong lumingon sa aking kaliwa kung saan nakalagay ang aking desktop ngunit bigo ako dahil hindi ako makalingon.

Hindi ko maigalaw ang aking ulo!

Fudgepops! A-anong nangyayari?

Dahil hindi ko nga maigalaw ang aking leeg ay ipinalibot ko nalang ang aking mga mata at itinutok sa kaliwa.

Tama nga ako!

Andito ako sa aking kwarto.

Nakita ko ang aking computer na nakabukas!

Nakalimutan ko palang patayin bago ako natulog.

Papagalitan ako ni mama nito, nasasayang ang kuryente!

Kailangan kong i-turn-off ang computer at mukhang ang paghugot ng kable ang pinakamadaling paraan.

Sinubukan kong pagalawin ang aking kaliwang kamay at abutin ang kable pero laking gulat ko na hindi ko rin maigalaw pati ang mga kamay ko.

Darn it!

Kinakabahan na ako!

Ano'ng nangyayari sa akin?

Ramdam ko ang mabilis at malakas na pagkabog ng aking puso na kulang nalang lumabas ito mula sa aking dibdib.

Omysweetbutterybingo!

Sinubukan ko ring igalaw ang aking mga paa ngunit bigo parin ako.

Tumingin ako sa kanan at nakita ang aking cellphone na nakapatong sa aking unan.

Kainis! Nananaginip lang yata ako!

Tama isa itong panaginip!

Hindi! H-hindi ito panaginip kundi bangungot!

Tama! Bangungot nga!

Hindi ko maigalaw ang buo kong katawaan at tanging mata ko lamang ang may silbi.

Kung sakaling bangungot nga ito, kailangan ko'ng magising bago pa man may mangyaring kakaiba o mas malala pa sa pagiging-paralisado.

Kainis!

Sa Pagitan - Damgo Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon