Kabanata 2 - "The two strangers and the red carpet"

190 10 5
                                    

Jared

"Number 27, are you gonna perform or what?" Sigaw ni Miss. Lara sa kanyang studyanteng si Jared na nakaupo sa bandang itaas ng bleachers ng gym.

Pangalawang beses na nyang tinawag ito para makapag-perform  kasama ng kanyang mga ka-grupo ngunit parang wala itong naririnig.

Naka-upo lamang ito at nakayuko. Tinak-pan ang kanyang mukha gamit ang kanyang kanang kamay habang tinatapik-tapik ng kaliwa nyang paa ang sahig.

Napakagat ng labi ang kanilang guro nang hindi pa rin sumagot si Jared.

Nakatingin halos lahat ng studyante sa kanya habang naghihintay sila ng sagot mula sa kanya.

Ilang sandali pa ay may isang babaeng studyante ang lumapit kay Lara at nagprisintang puntahan si Jared sa kanyang kinaroonan at papuntahin sa harap para makapagsimula na sila.

Lumingon naman si Lara sa kanyang studyante at tumango habang minamasahe ang kanyang noo gamit ang kaliwa nyang kamay.

"Go ahead" Mahina at malumanay nyang tugon sa kanyang studyante at bahagyang ngumiti.

Patakbong inakyat ng babae ang bleachers.

Nang makarating ito sa inuupuan ni Jared ay agad nya itong tinapik sa balikat.

"Uy, tawag ka ni Maam,"  Sabi ng babae sa kanya habang itinuturo ang kanilang guro na nakaupo sa kanyang desk.

Napakibot ng bahagya si Jared dahil sa pagkagulat. Napatingin sya sa kanyang kanang balikat at nakita ang kamay ng babae.

Agad rin namang tinanggal ng babae ang kanyang kamay sa balikat ni Jared, dahilan para sundan nya ito ng tingin at nakita ang may-ari.

"Yes?" Nagtatakang sabi ni Jared sa kaklase habang nakatingala sa kanya. Muling itinuro ng kaklase ang kanilang guro na ngayoy may isinusulat sa kanyang clip-board.

"Ay, s-sorry. ." Nahihiyang sagot ni Jared sa kaklase nang mapagtanto kung anong ibig-sabihin nito.

Agad tumayo si Jared sa kanyang upuan at mabagal na sinundan ang kanyang kaklase papunta sa kinaroroonan ng kanilang guro.

Sa kanilang pag-baba ay humingi ng paumanhin si Jared sa bawat studyanteng kanilang nadadaanan.

Ang mga ito naman ay hindi nakaligtas sa mga mata ni Miss. Lara.

Napawi ang simangot nya at napalitan ng ngiti dahil sa mga narinig at nakita.

Nang makarating ang dalawa sa kanyang harapan ay agad nyang pinasalamatan ang babae at tumingin kay Jared.

Habang si Jared naman ay di masalubong ang mga paningin ng kanyang guro.

Tumikhim si Lara para makuha ang atensyon ni Jared. At sa pagkakataong ito'y nagkasalubong na ang kanilang mga paningin.

Halatang kabado si Jared sa kanyang ikinikilos at alam ito ng kanyang guro.

Sinuri muna ni Lara ang hitsura ni Jared mula ulo hanggang paa.

Wala naman syang nakikitang problema dito maliban sa inaantok nitong mga mata at maputlang labi.

"Anong problema?" Sandaling tumigil si Lara at nagpatuloy. "Jared, do wanna go to the clinic and have you checked?" Deretso ngunit malambing na suhestyon nito kay Jared.

"N-no. . N-no, I-i'm fine miss." Pautal-utal na pagtanggi ni Jared sa kanyang guro habang umiiling-iling.

Ngunit parang hindi kumbinsido si Lara sa excuse ni Jared kaya tinanong nya ito ulit.

Sa Pagitan - Damgo Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon