twenti tu

206 13 0
                                    

❝ You are the reason why my heart

and soul would stay. ❞

🌸●●🌸

Midnight Talks

“Tas ano hyung ahahaha.”

Kasalukuyan kaming nasa veranda ng kwarto ko ngayon, nakaupo kaming dalawa habang si Mingyu ay may hawak na lata ng beer.

Nakaunan din sya sa balikat ko ngayon habang nakatingin sa kalangitan. Maganda naman talaga eh.

Sa ngayon, alam kong lasing na sya at ang pinaguusapan namin ang tungkol sa lovelife nya.

“Ano kasi hyung, ahahahah. Nagkakilala kami sa school cafeteria. Natapunan nya kasi akong tubig sa damit ko noon. Ahahaha.” pagpapatuloy nya sa pagkukwento nya.

Oy, hindi ko sya nilasing ha. Sya ang naginisist. Baka isipin nyo ako eh.

“Nung una ko syang nakita, sobrang ganda nya hyung, as iiiiiin. Muka syang angheeeel.” saad nya saka inangat ang ang lata ng beer.

Inaamin ko, nasasaktan din ako. Ahahah. Syempre, kinukwento nya yung mahal nya eh.

Ibinaba ko ang libro na binabasa ko saka tumingin sa buwan, “Oh tapos?” tanong ko.

Yumakap sya sa bewang ko, “Tapos ano hyung niligawan ko sya, lahat ng luho nya binigay ko. Kahit cash out na credit card ko.”

Di ko alam, pero gusto ko rin maranasan yun.

“Akala ko hyung, *hik* ma-masaya na kami... Hi-hindi pala...” saad nya saka umiyak.

Agad naman akong napalingon sakanya, oo nga, naiyak ang loko habang nakayakap saakin saka nakabaon ang mukha nya sa tyan ko.

Basa na rin ang damit ko.

“Huy. Wag kang umiyak dyan.” saad ko kaya naman ay agad nya akong tinignan.

Tumingin sya saakin kaya naman ay agad kong pinunasan ang luha sa mga mata nya.

“Wag kang umiyak, ang panget mo— hmph!!!!! Kim Mingyu!” hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil,

Hinalikan nya ako. Oo, hinalikan ako ni Mingyu.

Nanlaki ang mga mata ko habang sya ay almost nakadagan na saakin habang nakayakap sa bewang ko at hinahalikan ako.

Pagkatapos ng halos isang minuto ay lumayo na sya saakin, kaya naman ay agad akong humugot ng hininga saka nag breath in at breath out. Feeling ko mawawalan ako ng hininga.

Hingal ko syang tinignan, “Hehehe. Ang lambot ng labi mo, hyeoooong.” saad nya saka biglang tumba. . .

At iniwan akong naguguluhan habang nakadagan nya sya saakin.

Kim Mingyu, ano ba 'tong ginagawa mo saakin?

tear drops | meanie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon