nayntin

222 18 5
                                    

❝ Bakit ka ba kasi dumating sa buhay ko?❞

🌸●●🌸

Arrange Marriage

“Master Mingyu. Pinapatawag po kayo ng Mama at Papa nyo.”

Agad akong napairap at tumayo mula sa pagkakahiga sa sofa ng marinig iyon mula sa isa sa mga maids.

Ano nanaman bang problema nila? Papakelaman ba nanaman nila ako?

Hindi na ako umimik saka nilagay ang cellphone ko sa bulsa ng sweatpants ko saka nagtungo sa office ni papa.

Sa buong kabahaan ng hallway ng bahay, niisang litrato naming pamilya ay walang nakasabit niisa sa pader. Puro paintings lang. Meron naman, sa living room lang. Show off lang.

Bawat paglakad ko patungo sa office ni papa, di ko mapigilang kabahan. Alam na kaya nila?

Nang nasa harapan na ako ng pintuan, huminga muna ako ng malalim saka pinihit ang doorknob nito.

“Oh son, you're here. Have a seat.” sopistikadang bati saakin ni mama kaya naman ay umupo ako sa sofa.

Minsan nagsisisi akong naipanganak akong mayaman eh.

“So, anong dahilan kung bakit nyo ako pinapunta?” tanong ko.

Tinignan ako ni papa ng walang kaemo-emosyon, “Mingyu, di na ako magpapaligoy pa. Makipaghiwalay ka na sa lalaking iyon.” saad ni papa.

Bigla akong nanlamig, alam na nga nila.

I cleared my throat, gumalaw na rin ang adams apple ko sa paglunok ko, “What are you talking about, dad?” tanong ko.

Di pwedeng ako ang unang magsasabi. Kailangan sila mismo.

“Son, there is a news leaking that you are in a relationship, with a guy.” sagot ni mama.

“I don't know what are you talking about, mom.” pagsisinungaling ko.

I know it's bad but if it's the only way that I could protect him, I will do it.

“Just do it, young man!” sigaw ni papa.

“Ano bang gagawin ko, dad? Di ko nga alam yung sinasabi nyo.”

Alam kong nagagalit na si papa pero I don't care, hinding-hindi nila maririnig ang katotohanan mula saakin.

Biglang tumayo si papa saka hinampas ang lamesa, “Stop lying, young man! I know that you are in a relationship! And I want you to break up with that Jeon Wonwoo!” sigaw ni papa kaya naman napangisi ako.

“Oh diba, dad? Sayo na nanggaling, huh? Di nyo talaga ako bibigyan ng freedom, ano?” sagot ko saka tumayo, “And dad, I will never break up with him. Why would I?”

“You need to get rid of him! May fiance ka na! At si Jenna na 'yon!” sabat ni mama.

Napatingin ako kila mama, “How could you do that, mom? Ipaarrange marriage ako sa babaeng naging dahilan ng pagkasira ko noon?”

tear drops | meanie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon