porti siks

127 10 0
                                    

💍💍

“Asaan si Mingyu? Okay lang ba sya?”

Dahil sa tanong ni Wonwoo, napuno ng katahimikan sa silid. Maski sila Haneng, Mia, Zero Autumn at Tamiah ay di makasagot. Lahat sila ay napatikhom nalang ang mga bibig.

Napakuyom naman ng kamao si Junhui sa tanong ni Wonwoo, kaya naman agad itong napansin ni Minghao at lumapit kay Junhui.

Tinapik nya ang braso ng kasintahan at saka hinawakan ang kamay nito, “Hui, kalma lang. Kalma lang,” pagpapakalma nya sa kasintahan dahilan ng pagkataka at pagkunot ng noo ni Wonwoo.

“Bakit, Junhui? May kaaway ka ba?” tanong ni Wonwoo.

At duon na tuluyang nagalit si Junhui.

“Ano ba, Wonwoo?! Tigilan mo na ang pagtatanong kung nasaan si Mingyu! Bakit? Kasi di na sya babalik! Di ka na nya mahal! Magpapakasal na sya kay Jenna at paniguradong di na sya babalik. Pwede bang tigilan mo na ang pagiging concerned sakanya dahil wala syang ibang ginawa kundi saktan ka— aray Wonwoo!” napatigil si Junhui sa pagsasalita ng sampalin sya ni Wonwoo.

Bakas sa mata ng binata ang galit. Hindi kay Mingyu, kundi kay Junhui.

“Wag na wag mong sasabihan si Mingyu ng ganyan,” galit na saad ni Wonwoo. “Alam kong may dahilan sya kung bakit nya 'to nagawa.” dugtong nya.

Kaya naman sa inis ni Junhui ay nabato nya ang isang upuan sa pader, na gumawa ng ingay sa silid.

“Jeon Wonwoo, ano ba?! Tigilan mo na nga yang kahibangan mo! Wala na yung walanghiyang Mingyu na yun! Di ka nya minahal! Iniwan ka na nya! Sinaktan ka na nya lahat-lahat, muntikan ka ng magpakamatay dahil sakanya pero mahal mo parin sya?! Anong klaseng katangahan yan, Wonwoo?! Kalimutan mo na sya! Dahil sya rin, kinalimutan ka!”

“Wala kang alam!” sigaw ni Wonwoo pabalik.

“Bakit, ikaw, meron?! Sa tingin mo ba magpapakasal sya kay Jenna kung mahal ka nya?! Ilang buwan palang natin syang kilala pero nagtiwala ka na agad?! Oh, anong napala mo?! Kaya kung ako sayo, kalimutan mo nalang sya gaya ng pagkalimot nya sayo!” sigaw ni Junhui saka padabog na umalis sa silid saka nilagabog ang pinto. Kaya naman agad na sumunod si Minghao sakanya.

At naiwan si Wonwoo na umiiyak.

“Wonu. . . wag ka ng umiyak, hm? Galit lang si Junhui dahil sa ginawa ni Mingyu sayo. Wag ka na umiyak, please? Nasasaktan din kami. Tahan na. . .” pagpapakalma ni Mia saka niyakap si Wonwoo.

Yumakap si Wonwoo sakanya pabalik, “Mia, totoo ba talaga yung sinabi ni Jun? Iniwan na ba talaga ako ni Mingyu at magpapakasal na ba talaga sya kay Jenna?” tanong nito habang nakayakap sa kaibigan.

Napangiti nalang ng mapakla si Mia saka hinaplos ang buhok ni Wonwoo, “Hindi ko alam. Basta lagi mong tatandaan ha? Na nandito lang kami ng mga kaibigan mo. Para sayo. Di ka namin iiwan.”

💍

tear drops | meanie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon