twenti tri

198 13 0
                                    

❝ Oh bahala ka, kahit di sigurado,

pikit matang iibig sayo. ❞

🌸●●🌸

Mutual Feelings

“mama, alis na ako.” huling sabi ko bago lumabas na ng bahay.

Three days ago simula nung nangyari, sa bahay ko muna pinatulog si Mingyu. At alam nyo ang nangyari kinaumagahan?

Nakita kami ng buong pamilya ko na natutulog sa iisang kama, magkatabi at higit sa lahat, nakayakap si Mingyu saakin saka nakadantay ang binti nya.

At ang resulta? Ayon, sermon mula kay Papa.

Habang naghihintay ng bus sa labas, sinimulan ko munang itali yung necktioe ko.

Habang nagtatali, may narinig akong malakas na tunog ng tambutso pero di ko nalang pinansin. Like hello, nasa subdivision kaya kami, natural lang na maraming sasakyan dito.

Patapos na ako magtali lahat-lahat pero naririnig ko parin yung malakas na tunog ng tambutso at pakiramdam ko, malapit lang saakin yung motor.

Dahil sa curious na ako kung sino ang mayari ng motor, agad kong tinignan iyon at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang taong nakasakay doon.

Si Mingyu.

At nakasuot sya ng leather na jacket at panloob nya ay yung uniform namin. Mehn, feeling ko may lalabas na dugo sa ilong ko.

Sa totoo lang, ayoko talaga ng uniform namin pero bakit kapag si Mingyu yung nagsusuot, daig nya pa yung model?

Unfair.

Nang makita nyang nakatingin ako, agad syang kumaway, "Morning, hyung!" pagbati nya.

Di ako kumaway pabalik, nakatitig parin ako. Mehn, ayoko na, feeling ko may lalabas na dugo na sa ilong ko.

Bumaba sya ng motor saka nagsimulang maglakad sa direksyon ko dahilan para manlaki ang mga mata ko, hala.

Pagkalapit nya saakin ay bigla nya akong inakbayan, "Tara na, Wonu ko! Punta na tayong school, hm?"

Di ako nakasagot. Hindi dahil sa ihahatid nya ako papuntang school,

Kundi takot ako sa motor.

Part two next chapter

tear drops | meanie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon