Songs in Books #3: The One That Got Away by Katy Perry

16 0 0
                                    

I just read the story "Worthless" by jonaxx. Sobrang idol ko kasi si ate jonaxx at sobrang favorite ko yung mga sotries nya including Heartless, Until Trilogy at yun ngang Worthless. That's why, ngayong natapos na ang storya ng pag-iibigan nina Noah at Megan, naisip kong gawan sila ng fanfic. Plus, I super love this song so... Cheers to all the people out there who have 'The One That Got Away' XD So much feels for the song :'))) 

“Bago ko simulan ang awiting ito, gusto ko munang magpasalamat sa inyong lahat na matiyagang naghintay at umupo sa dyan sa inyong mga upuan. Kahit na alam nyong kami ang huling kakanta ngayong gabi nandito pa rin kayo para suportahan kami. Cheers!” masayang sabi ni Joey bago itinaas ang isang kamay niya na may hawak ng beer.

Napangiti ako at tahimik na ininom ang cocktail na in-order ni Wella para sa’min. Bahagya akong pumikit at pagdilat ko ay tumingin na ulit ako sa stage. Natigilan ako nang nakitang seryosong nakatigin sa’kin si Noah. Hindi naaalis ang mga mata naming sa isa’t isa kahit na nagsalita na ulit si Joey.

“Para sa inyong lahat na matiyagang naghintay, espesyal ang gabing ito dahil si Noah Reigan Elizalde ang kakanta nitong huling piece naming.” halakhak ni Joey at nakipag-toast kay Noah na sa’kin pa rin nakatingin. Humalakhak na rin sina Warren at Liam at nakipag-toast kay Joey.

Nagulat ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman at anong sasabihin ko. isang beses ko pa lang narinig na kumanta si Noah, nung high school kami. Hindi ko alam kung narinig nab a ng mga tao dito sa bar na kumanta si Noah noon. Maging ang mga tao sa paligid ay nagbubulungan at hindi makapaniwala.

Tumayo si Noah mula sa kinauupuan niya at pumwesto sa harapan kung nasaan kanina si Liam. Umayos ako sa pagkakaupo ko.  Tahimik at kinakabahan kong pinapanood si Noah sa stage. Nakayuko siya at nakapikit saka nag strum sa gitara niya bago siya nag-angat ng tingin at nagsalita sa mic.

“Magandang gabi sa inyong lahat. Salamat sa pagpunta.” simula niya. Narinig kong may ilang impit na tumili sa crowd kasama na ang ilan sa grupo namin nina Wella. Saglit ko silang tiningnan at ibinalik ko rin kay Noah ang mga mata ko. This time, sa akin na siya ulit nakatingin habang nagsasalita.

“Itong kakantahin ko ay personal kong pinili. Lahat tayo may mga mahal sa buhay na naiwan, iniwan at nangiwan. Minsan tayo ang nagtutulak sa kanila para umalis. Minsan hindi natin sinasadya. Pero kadalasan, kung sino pa yung taong iniwan, sila pa yung taong wala namang ibang ginawa kundi mahalin yung taong nangiwan sa kanila. Bakit nga ba ganun? Minsan hindi na natin kailangan ng sagot. Minsan sapat na yung bumalik yung nangiwan para sa iniwan.” madamdamin niyang sabi

Nagulantang ako sa narinig ko. Unti-unting umiinit ang buong mukha ko at unti-unting nagtutubig sa gilid ng mga mata ko. Nakita kong nakatingin sa’kin sina Warren at Liam. Si Joey naman ay umiiling lang na nakayuko. Naramdaman kong dumantay ang palad ni Wella sa ibabaw ng kamay ko. At kasabay noon, ang paisa-isang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ko. Wala na kong pakialam kahit na alam kong seryosong nakatingin sa’kin si Noah at ako rin sa kanya.

“This song is for you, miss.” at nag strum na siya ng gitara niya

Nagsimula na ring tumugtog sina Joey, Warren at Liam. Si Noah naman ay patuloy lang sa pag-strum ng gitara niya. Gaya ng nakagawian, nakapikit siya na parang ibinubuhos ang lahat ng damdamin at atensyon nya sa tinutugtog niyang gitara.

Summer after high school when we first met

We made out on my Mustang to radio head

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Songs in BooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon