Chapter 1

60 4 0
                                    


Jazmine's POV

Nakakainis!!!! Pinalipat na naman kasi ako sa ibang school dahil ni- request ng Daddy ko na lumipat na lang ako sa mas malapit na University para maging madali na lang ang pag- byahe at para maka-uwi din ako ng mas maaga. Sinang-ayunan naman yun ni mommy kaya walang kong choice kundi pumayag sa gusto nila

Nagulat at napabalikwas kaagad ako ng may malakas na tunog na nanggaling sa gilid ko na nagpa-gising sa akin kaya naman hindi ko naiwasang mag salita ng masama "What the h*ll."

Nadagdagan pa ang pagka-gulat ko nang may biglang mag-bukas ng pinto ng kwarto ko't nakita ko naman ang taong naka cross arms at halatang inis na talaga siguro dahil sa late na paggising ko. Wala ng iba pa kung hindi ang aking mala-dragong.. si Mommy.

Pinaligo at pinag-bihis na ako ni Mommy para maka pag breakfast at maka pasok na sa bago kong school dahil 8:00 a.m ang pasok ko

"Mommy,,,punta na po ako" pagpapa alam ko

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad akong lumabas ng bahay para mag pa hatid sa driver namin.

Pagbaba ko palang sa kotse ay manghang-mangha na ako sa bago kong papasukan dahil bukod sa napaka taas na mga building ay maraming mga estudyante ang nag papaka-hirap para lang maka pasok sa Shinwa University isang kilalang prestigious school. Kaya naman excited na akong pumasok at para makilala ko na rin ang mga bago kong classmates

Papalakad pa lang ako sa hallway nang may narinig akong mga babaeng nagsisigawan at nagtitilian kaya naman napa tingin ako bigla sa likuran ko nang may biglang dumating na mga lalaking naka skate board.

Pare-parehas ang mga damit maliban sa nauuna na naka leather black jacket with black shirt and dogtag hang on his neck.

Nahagip ako ng lalaking nauuna sa ibang lalaki kaya naman bumagsak ang katawan ko sa napaka tigas na floor

"Aaaarrrray"dahil sa sakit na naramdaman ko ay napapikit na lang ako at nang idilat ko na ang aking mata ay naaninag ko na may lalaking nakatayo sa harapan ko,,, unti-unti kong tinignan ang taong ito para makita ko ang mukha niya mula baba pataas at mapapansin mo ang kunot na kunot niyang noo at naka cross arms at salubong ang kilay na nakatingin sa akin.

Sa sobrang sakit ng katawan ko dahil sa pagkakabagsak ay na hirapan akong tumayo pero may isang taong naglahad ng kamay at tumulong para maka-tayo ako agad

Mag-papasalamat pa lang sana ako sa taong tumulong sakin pero naudlot yun dahil biglang nag salita ang taong nasa harap ko

"Hey!!!!!!Stupid girl hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo..See what you did to my skateboard huh!! Did you know who am I that you try'na hit me and showed your disgusting face" gigil na sabi nito

Bwesit to ah sobrang yabang akala mo naman ikakamatay niya pag nakita niya ako.yabang!

"Ano ka ba naman bro.naka salamin nga eh...malamang sa malamang malabo ang mata niyan at halatang bago lang siya sa University natin."

Oo bago ako buti alam mo!

"Well kung ako sayo miss bago ka sana nag transfer dito ay kinilala mo muna sana ako....Anyway tara na boys sayang lang ang oras ko sa isang cheap and" tumingin siya sa mukha ko at sinabing "ugly face."

Basagin ko kaya mukha nito!ano payag ba kayo readers? Maka asta akala mo kung sino e parang anak ng mayari ng university!

Magasalita sana ako para sumbatan yung boy, pero bigla na lang siyang umalis

Tssk at hindi pa talaga nag sorry ah..At higit sa lahat tinawag niya akong cheap,disgusting, and ugly!!! What the?!Grrrr..

Nagulat nalang ako bigla nang may babaeng lumapit sakin at sinabing

"Miss .. what did you do? Ang lalaki lang naman na naka-bangga mo ay famous sa university na ito bukod sa gwapo, astig manamit , at sobrang mayaman ay kaibigan ng mga magulang niya ang may ari ng university na ito. If you wanna stay for more days here don't ever interfere with them. 'Kay? Sige nice to meet you late na ko eh.See yah next time!!!"

Habang pinagmamasdan ko ang babaeng lumayo, ay biglang sumagi sa isip ko na late na pala ako ng ilang minuto

Kaya ang ginawa ko ay tumakbo ng mabilis na mas mabilis pa kay Flash hahaha

Halos pagpadyak ko na lamang ang tangi kong naririnig sa sobrang bilis ng aking takbo. Napatigil na lang ako bigla sa sobrang pagod. Hingal na Hingal talaga ako

Nakita ko naman na malapit na ako sa classroom ko kaya naglakad na lamang ako.

Kaya ng nasa tapat na ako ng room ko ay binuksan ko na ito kaagad,,,at tumambad sa akin ang gulat na gulat kong classmate na para bang sila'y naka kita ng multo..... Ako ba yun?

Nilibot ko muna ang mata ko sa lahat ng sulok ng room at huminto ito sa lalaking naka tayo sa harapan.Nagulat na lang ako ng mag- salita ito"And you are?" taas isang kilay na tanong nito.

"Si---ir I'---m Jaz---mine " utal-utal na sabi ko.

Nakita ko naman na tinaas niya ang kanyang kanang kamay ...sign na pinapatigil na niya ako sa pag sasalita ."STOP IT!!!! I think you are the new transferee. Come in and find a seat." sabi nito.

Habang naglalakad ako papasok ay nakita ko naman ang sunod-sunod na pag-irap sa akin ng mga babaeng dinaraanan ko.

I can see a disgust on their eyes the way they look at me. Yumuko na lang ako papunta sa bakanteng upuan sa likuran at hindi na lang sila pinansin

Hindi ko nga pa pala naipakilala ang sarili ko..... I'm Jazmine Imperial.17 years old. A typical girl or should i say a nerd girl...

CONTINUE....

Nabihag Ako Ng Isang NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon