Hindi ko aakalaing magkakaroon akong matalik na kaibigan
Dahil lamang sa kanyang kaparehong pangalan noong nakaraan.
Hindi naman magiging tunay ang aming samahan,
Kung walang susubok sa aming pagkakaibigan.Nalaman kong mahilig siyang magbasa ng aklat.
Sa kanya nanggaling ang interes kong magbasa't magsulat.
Iyon ang dahilan kung bakit kami nagtutugma.
Masisimulan ang usapan sa nais naming paksa.Nagulat ako ng hindi niya ako pinansin sa araw na kapangkat ko siya sa aming mga gawain.
Nagtataka, lumapit sa kanya't nagtanong
"May galit ka ba sa akin o may nagawang mali?" Sagot ko'y aking isinabong.
Dahil sa hindi pagpansin ng aking sambit, gagawa ako ng bagay na magpapalito sa kanyang damdamin.Nagalit siya ng sinabi ko ang katotohanan
Na hindi ko siya gusto't ako'y nagpanggap lamang.
Pinagsisihan ang lahat dahil ito'y ginawa para matuloy ang pagkakaibigan.
Mula sa matalik naming pagsasamahan, binigyan niya ako ng kapatawaran.Kahit nasa magkaibang pangkat na kami,
Walang ipinagbago ang samahan, tulad ng dati.
Ang tunay na magkaibigan ay hindi natitinag ng distansya.
Kayang daanan ang mga hamong ilalatag sa kanila.A/N:
Sorry po sa mga late updates! Wala pa po kasing masyadong mga topic para magawan. If ever you have any suggestions for me, just live them in the comments or simply message me!
BINABASA MO ANG
The Quill - Collection of One Shots
OverigThis is a book of One Shots I made and will make. Both English, and Tagalog are used