Chapter 2 - The worries of Reymark & Rodjun's confession ?

56 0 0
                                    

Reymark's POV

                Hindi ko namalayang umalis si Aki sa tabi ko, busy kasi ako sa pakikipag-usap sa mga classmates namin. Tyaka siguro na out of place sya o di kaya iniiwasan nya ko, kasi nalaman nyang anak ako ng nagmamay-ari ng school. Parang napakaliit naman na bagay yun kapag iniwasan nya ko dahil dun, anak lang naman ako ng Principal at nagmamay-ari nitong school. Tao din ako pero siguro ang nasasaisip nya eh baka mamaya pagsungitan sya ni mama at ni daddy kapag nalaman na naging friend ko ay isang mahirap. Tyaka ang labo naman ( :3 ) di ganung tao ang mga magulang ko, matutuwa pa nga sila kasi may kaibigan ako, Asan na kaya yung taong yun ? Kumain na ba sya ng lunch ? o hindi ? Asa canteen kaya sya o wala ? Teka teka teka, bakit ako nag-aalala sa kanya ? " Hay makababa na nga lang, so mga pre kita kits na lang maya maya gutom na ko eh kain muna ako. " tumayo ako at umalis sa loob ng room, bumaba ako agad at pumunta sa canteen, pero nung pagdating ko dun, wala si Aki. Pumunta ako sa counter kasi gutom na gutom na ko, umorder ako na " Meal A " na ang ibig sabihin ay may ulam, prutas, kanin, at juice o kaya tubig nagsawa na kasi ako sa " Meal B " na kanin at ulam lang yung laman ng tray. Pagkakuha ko ng tray naghanap ako ng mauupan, nakita ko yung bakanteng pwesto dun sa taas malapit sa bintana. Pumunta ako doon at umupo, nakakarelax kasi kapag marami kang makikita habang kumakain, nagsimula na kong kumain kaso nga lang maya maya lumapit sakin yung isa kong classmate na si Rodjun, nakiupo sya para sumabay saking kumain.

" Hey bro ? Close ba kayo ni Aki ? "

" Oo tol, bakit mo natanong ? "

" Wala lang naman tol, napansin ko lang kasi first day palang parang matagal na kayong magkakilala. "

" Huh di ah transferry sya, nung bago kasi magstart yung class ayun nag-uusap lang kami tapos nag click agad kami kaya ganun tol, pero seriously bakit mo natanong ? "

" Actually pre type ko kasi sya eh, I might say na na love at first sight ako sa kanya kasi parang mukha syang babae lalo na dun sa gupit nya, ngayon lang kasi ako naka-encounter ng ganung tao. "

" Sorry pero bro di sya babae. "

" Oo alam ko, kaso gusto ko sya eh may masama ba dun ? "

" Wala, pero di sya pumapatol sa lalaki kasi straight sya. "

" Wala naman pala eh, tyaka parang sa tingin ko pre paminta sya. "

" Hindi sya ganun okay !! Ano ba gusto mong mangyari brad ?! "

" Gusto ko kasi syang idate. "

" Edi gawin mo !! Pero di sya papayag dyan sa balak mo !! "

" Woah chill pre, galit ka agad. "

" Hindi !? Excuse me nawalan na ko ng ganang kumain ! "

Nasira yung mood ko sa pagkain, kaya kinuha ko yung tray at bumaba para pumunta sa counter. Pagka-dating ko dun isinauli ko agad yung tray at binigay ko yung bayad ko, tapos tuluyan na kong umalis sa loob ng canteen. Pero ang pinag-tataka ko lang bakit ako nagalit ? Anong dahilan ? Specially nung sinabi na paminta si Aki at gusto nya tong idate ? Siguro kasi hindi sya yung tipo ng tao na mabibigyan ng tiwala o baka naman gusto ko lang protektahan si Aki, kasi sya lang yung nag-iisang kaibigan ko na mapagkakatiwalaan ko ( kaibigan lang ba talaga Reymark ? o mahal mo na ? ) nagstay ako dun sa labas ng canteen, nakalipas na yung kalahating oras at wala parin sya. Nagdecide na ko na pumunta sa room at baka nandun na sya, naglakad ako paalis ng canteen. Napansin ko na may sumusunod sakin, paglingon ko nadisappointed ako sa nakita ng mga mata ko. Akala ko at first nung nakatalikod ako eh si Aki, yun pala nung paglingon ko, si Rodjun na may gusto sa kanya " Bakit ka ba sunod ng sunod sakin !? Kung liligawan mo sya gawin mo ng mag-isa ! " galit na pagkakasabi ko sa kanya kaso medyo over acting na ata ako, pero hindi kailangan ko tong gawin kasi kaibigan ko si Aki.

I Secretly Fall For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon