Chapter 4 - Bromance

39 0 2
                                    

Jean’s POV

Nagising ako na nasa dorm room namin ramdam ko yung sakit ng ulo ko, di ko na ma-alala kung ano pa yung mga nangyari kasi nakainom na din ako kahapon. Ang ipinagtataka ko lang sino yung nagdala sakin dito ? Bumangon ako sa higaan ko at napansin ko na wala na si Reymark sa kama nya tumingin ako sa orasan at napansin ko na 9:00 na ng umaga. Late na ko sa klase ko kaya siguro a-absent na lang ako, since classmate ko naman si Reymark sa kanya na lang ako heheram ng mga notes. Maya maya pa at may kumakatok sa pintuan, umupo na lang ako sa kama ko kasi hilong hilo pa din ako, syempre first time ko lang uminom ng alak kaya ganun may hang-over ako. Napadami din kasi yung inom ko kahapon tapos pagod pa ko, kaya ayun plakda ang inabot ko.

“ Sino yan ? “

“ Aki, si Denver to, gising ka na ba ? pede bang pumasok ? “

“ Sige, Denver pasok ka. “

Pumasok si Denver sa dorm room namin, umupo sya dun sa kama ni Reymark.

“ So ano okay ka na ba ? “

“ Oo, medyo hilo pa ko. “

“ Ah, first time mo lang bang uminom ? “

“ Oo eh, nga pala late na ko kaya di na ko papasok. “

“ Actually about dun, considered as excuse ka na. “

“ Huh ? Eh bakit naman ? “

“ Kinausap na ni Marvin yung professor nyo ni Reymark na i-excuse kayong dalawa kasi nilagnat kayo. Ginawa lang yun na dahilan para mapayagan kayong dalawa na umabsent.“

“ Ganun ? pero nasan si Reymark ? Baka makita yun ng mga prof, pagalitan pa kami. “

“ Ah eh yun ? Ayan ang hindi ko alam. “

“ Wait lang hahanapin ko sya. “

“ Aki wag na okay, paniguradong nasa-office ni Madam Principal yun, nakita ko kasi yung kotse ng daddy nya sa campus kanina kaya ayun. “

“ Eh bakit napunta ka naman dito ? “

“ Actually kinausap ako ni Reymark na bantayan ka muna habang wala sya. “

“ Ah, salamat Denver. “

“ Wala yun, nu ka ba ikaw ang mahalagang tao sa buhay si Reymark, ewan ko nga kung bakit sya ganyan sayo. “

“ Siguro iniisip nya na di ako dependent kaya ganun. “

“ Hindi ah,  gusto ka lang kasing pag-ingatan ni Reymark, siguro dahil close kayo. Ganto din naman yung ginagawa nya saming dalawa ni Marvin eh. “

I Secretly Fall For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon