Blessing in Disguise

139 10 8
                                    

ISABELLA’S POV

“TRICYCYCLE  “ Sigaw ko sa kanto namin

Wala na ba akong nakalimutan??  hmmmmmmmmmm ay yung mga usb ng mga classmate ko.

“ AY kuya teka lang may nakalimutan ako “ Sabi ko sa tricycle driver noong  pasakay na dapat ako. Pagkatapus noon ay sumigaw ako sa tapat ng bahay namin

 “ATE PAKUHA NG 4 NA USB SA TABLE YUNG MALAPIT  SA PC PAKI BILISAN LANG PO ”

“ITO BA “ sabay abot nya sa akin ng 4 na usb

“opo salamat po” nagtataka ba kayo kung bakit ang daming kong USB? . Ang totoo  isa lang yung akin diyan at yung tatlo eh sa mga classmates ko na nag papacopy lang kasi ng mga movies at mga Korean novela. Nilagay ko yung apat na usb sa pouch ko para di mawala. Sumakay na rin ako sa tricycle.

Tapus nag-hintay na rin ako ng jip

May humintong  jip sa tapat ko  kaya sumakay na ko.

Tumabi ako kay kuyang masungit na ewan pero gwapo . bakit ko nasabi eh pano sa tuwing mag-kakasabay kami lagi syang lilipat ng puwesto  dun sa kabilang upuan. Kaya feeling ko ayaw nya sa akin kasi lagi syang ganoon eh. tsssss bahala nga sya  di naman ako yung nahihirapan, okay nga un kasi hindi masikip upuan ko eh ! tapus sa akin lang din iyan masungit ewan ko ba diyan. KAYA  siguro dahil doon eh crush ko sya type.. ko kasi yung  masungit eh. Weird noh? Hahah!

“PARA PO!!” sigaw ko dahil lalagpas na pala ako . Pagkababa ko nakita ko si NAM , kaya sumigaw ako iyon pala naka head set pano ako nito maririnig -_-  kaya binilisan ko ang lakad at sa wakas nahabol ko din sya J

“AY PUSIT!! . ANO BA BELLA nakakagulat ka naman eh .” sabi ni NAM na halatang gulat dahil sa ekspresyon nyang  parang nakakita ng alien na balak syang iabduct.

“^.^v PEACE  .ikaw kasi sigaw na ko ng sigaw di mo pa rin ako naririnig.”

“Sorry naman late na tayo bilisan na natin.” Sabay hila sa braso ko.

SA ROOM

“sir my I go out” T_T mangiyakngiyak na ako noong  nag-papaalam ako sa prof naming kung pwede ba ko lumabas .

“why?” tanong ng prof ko

“sir nawawala po kasi yung pouch ko eh” L

“uy di magandang biro iyan bella” sabi ng mga classmates ko, eh sa loob loob ko lang,

ang lakas naman ng trip ko para gawing paalam yung nawawalang wallet para lang makalabas ng room. Pwede naman gawin ko dahilan eh mag-CCR ako mga classmate ko talaga kahit kailan.

“sige, you can go out” buti na lang hindi sumabay ang pagkamoody ng prof namin na ‘to.

“ baka nasa bag mo lang magkano ba laman noon”  usisa ng isa kong classmate

“nako ate love wala talaga eh 220 po tapus yung mga USB nyo”

“hala baka naiwan mo sa bahay nyo”  at nagpanic din sya ng malaman nyang andun USB nya. :D

“hindi po eh sige ate mag-tatanong lang ako sa dean office baka may nag-bigay doon” sa deans office kasi  binibigay kung may nakita ka na gamit, parang yung lost and found na office rin .

Sa dean’s office

“sir may nag-bigay po ba dito ng wallet? nawawala po kasi yung wallet ko eh “

“kailan ba nawala” tanong ng echoserang secretarya

“kanina lang po”

“ay wala pa” with irap irap ng eyes

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blessing in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon