Lannah.
"Give it a shot, Anne. Baka magustuhan mo din yan." Sabi ko sa kaklase kong nagsusuot ngayon ng long gown para sa poster ng booth namin.
Hindi na umangal si Anne at patuloy na siya sa pagpoposing kaya tumingin ako sa bintana ng room kung saan makikita ang busy na mga tao sa ibaba.
Araw kase ngayon ng mga students o let me say gabi ng mga estudyante. Parang festival ito na event ewan ko ba.
Bumaba ako mula sa building namin at madami akong mga school mates na nakakasalubong. Ang iba busy sa may papel na hawak nila, ang iba lalo na yung mga boys may dala dalang maraming gamit.. may mga gumagawa din ng props sa hallway at sa rooms na nadadaanan ko.
"Hey"
Nabigla ako nung may humila sa akin at pagtingin ko ay nandon ang nakakunot noong lalaki.
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"You almost ruined someone's props. Watch out" Sabi niya at tumalikod na.
Tama nga sya.. may maliliit na figurines ang nasa floor.
Hindi na ako nagabala at lumabas muna ako ng school. Sabi nila free lahat ng students during morning at afternoon pero pag gabi na balik sa school.
May dorms kase yung school.
Para malaman niyo, transferee pa ako kaya ganito. It's been a month tho.
Tumingin lang ako sa mga shops na malapit sa school. I will take advantage of this day... minsan lang kase pinapayagang lumabas ang mga estudyante halos kumpleto na kase ang school tas pag may kailangan kami.. nabibili lang namin tuwing weekends.
And sadly, naubusan ako ng mga needs ko.May isang maliit na convenience store kaya dun na ako pumasok at namili.
Halos puno ang dalawang eco bag na dala ko kaya medyo napagod ako at huminto muna sa isang bench na nasa harap ng shop na nagsesell ng charms at jewelries.
Walang masyadong tao kase ang parte na ito ng city ay medyo hindi abot ng lahat ng tao dahil walang public vehicles na nakakarating dito.. Dahil actually nasa taas ito ng bundok yung parang subdivision yung pataaas.Basta!
Pagtingin ko sa oras ay mag fifive thirty na pala kaya napatakbo na lang ako kahit mabigat ang dala ko. Omy god! 6 magcoclose ang gate! Tas medyo malayo layo rin ang lalakarin. Huhu!
Wala pang mga sasakyang dumaan malas naman! Kahit taxi wala! Tumingin ako sa paligid at kahit isang estudyante sa school namin wala na! Peste!
Isip...
Si kuya!
Pero baka madamay siya sakin pag sira na nung gate. Masisigawan pa ako nun! And I'm sure na di niya ako kukunin. Bakit ba kase siya lang yung pinayagang bumili ng sasakyan? Peste talaga!
10 mins na lang at hindi pa ako nakakahati ng lakad patungo sa school. Ang bigat bigat na ng dala koooo!!!
Sa paglakad ko napansin ko ang isang lalaki na natutulog sa sasakyan niya. Nakikita ko siya dahil nakabukas yung dingding ng sasakyan niya. At ang himbing ng tulog niya.
Nung pinagmasdan ko siya napangiti ako dahil napagtanto kong kaklase ko pala ito na si.. Si... Si...
Pesteng utak! Nakalimutan ko jujuju! Medyo hindi ko pa talaga memorize yung mga pangngalan ng kaklase ko. Para sa akin nga madaming magkamukha. Hahaha.
Nung nasa tabi na ako ng sasakyan niya ay nakita ko na gwapo siya yung parang nasa drama.
Baka di niya alam yung oras kaya mas mabuti pag ginising ko siya diba? O baka magalit siya dahil ang himbing ng peste niyang tulog eh!
Pagtingin ko sa phone ko napaupo na lang ako at napasandal sa sasakyan niya.
Madilim na at alam kong close na yung gate. Peste nito! Ang layo pa naman ng bahay namin! Tas walang taxi na dumada-
*beeeeep*
"Ay! Sorry! Sorry!" Sabi ko at napatayo na nung nakita kong gising na pala siya at pinaandar na niya ang sasakyan niya.
"Anong ginagawa mo?" Nakakunot noo niyang sabi kaya napangiti ako.
"Ah.. Nang grocery kase ako tas di ko na namalayan ang oras. Hanggang sa nakita kita.. Hahaha" awkward kong sabi at parang nagiisip pa siya dahil tumaas ang kilay niya.
"Do I.. Know you?" Tanong niya kaya napahinto ako. Diba kaklase ko siya? O baka nagkamali ako? O baka di niya din alam na kaklase niya ako?
"Uhm.. Akala ko kaklase kita.. Magkatulad kase tayo ng uniform and.. Kamukha mo yung kaklase ko." Sabi ko at napakamot ako sa ulo ko. Napaka awkward nito ngunit nabigla ako nung tumawa siya sa akin.
"Hop in." Sabi niya kaya kahit nagtataka habang nagfafake laugh ay sumakay na ako ngunit bago ako mapunta sa backseat ay pinigilan niya ako.
"Im no one's driver you see" sabi niya kaya awkward man ay napatawa ako at umupo na lang sa tabi niya at inilagay nilagay ang mga bag sa hita ko.
"Are you from Class 11-B?" Tanong niya kaya nagtaka na ako kung bakit niya tinatanong yun kaya napatango na lang ako.
"Actually my brother is your classmate. Baka inakala mo na ako siya." Pagkasabi niya yun ay na gets ko na lahat at napatawa na ako ng walang halong awkwardness.
Kaya pala magkapareho sila ng mukha! They almost looked like twins!
"Hahahaha akala ko talaga ikaw yung kaklase ko! Hahahha" sabi ko at nakita ko siyang napangiti.
Napatigil ako sa kakatawa at napaisip.
"Oh my god! Pano tayo makakapasok sa gate?" Nagpapanic kong tanong at nakita ko ang pagtawa niya. Peste?
"Don't worry. I got this. I'm Leo after all." Sabi niya at nakikita ko na ang gate at ang guard house.
Nabigla ako nung inopen ng guard ang gate sa isang pindot. Bakita inopen ng guard? Diba di na pwede? Bahala na nga!
"Thank you talaga!" Sabi ko sa kanya nung nagpark na siya. Namamasid ko na din ang mga nagliliwanag mula sa open field.
"You're welcome. I'm Leo." Sabi niya kaya napangiti ako.
"It's Lannah. You can call me Lan." Sabi ko bago siya nagpaalam na mauna na.
Hahayst. Buti na lang at nakita ko siya. Huhu.
Pumunta muna ako sa dorm room ko at inilagay ang mga binili ko at nagbihis na ako. No uniforms allowed daw kase panira daw ito ng event na ito. Ewan ko sa mga peste na yun.
Paglabas ko ng dorm ay namangha ako sa ganda ng festival. May mga rides din na inihanda ang school. May ferris wheel, horror booth etc.
Hinanap ko si kuya ngunit dahil ang laki ng school tas marami ang estudyanteng nagsisiyahan ay di na ako nagabala at inenjoy ko na ang pagtingin sa mga kasiyahan.
Dahil wala akong kasama ay kumain na lang ako dahil marami ding pinapasok na mga food vendors.
Sa gitna ng pagkain ko ay umingay ang likod ko at pagtingin ko nakangisi sa akin ang kuya ko.
"Good way to put your butt in, sister. Baka tumaba ka na ulit." Sabi niya kaya inisahan ko siya ng kilay. Ang dami niyang kasama tas yan ang sasabihin niya? Siya ang pinakapeste sa buhay ko!
"Oh.. It's you Lan." Napatingin ako sa katabi niyang lalaki at nabigla ako nung nakita ko yung nagiisang tao except sa kuya ko na nasa school na ito na tumawag sa nickname ko.
"Hey, Leo."
•°•end•°•
![](https://img.wattpad.com/cover/165207236-288-k613331.jpg)
YOU ARE READING
Maybe Us
Random"Maybe this time, it'll be us. Maybe us." Lannah is a new school girl dahil home schooled lang siya noon. Together with his brother she will be experiencing a teenager's life and what's the most thrilling part about being a teenager? Edi yung it's t...