Wala na. Finish na

271 4 2
                                    

"Wala na. Finish na"

Nakakakilig, 
Nakakakilig yung feeling na, nasa tabi kita
Nahahawakan, nayayakap
Pakiramdam ko,
puso koy lumilipad hanggang sa alapaap

Ang sarap sa feeling,
Kapag ikaw yung kapiling
Yung mapapatitig nalang ako sayo hanggang sa maduling
Dahil sa ganda mo, ako'y napapangiti at napapailing
At sasabihing, hinding hindi nato mawawala sakin.

Ang sarap sa pakiramdam twing kasama ka,
Puno ng ngiti at saya
Paborito ko pa nga yung halakhak mong masarap sa tenga,
Isama mo narin yung nangniningning mong mga mata
At ang pinakapaborito ko sa lahat, ay ang labi mong sinasambit ang mga katangang 'mahal kita'

Masarap kang kasama,
Yung masasabi kung, sayo ako'y kuntento na
At hindi na maghahanap pa ng iba,

Pero noon yun.
iba na ngayon,
Kase wala na. Finish na. 
Iniwan mo nakong mag isa,

Yung dating ako na humahawak sa kamay mo, ngayo'y sya na.
Pati nga yung puso kong narating ang alapaap, ayun naiwan dung mag isa.

Oo mag isa, kase wala na. Finish na, iniwan mo nakong mag isa.

Ngayon, ang hirap mo ng titigan,
Dahil tuwing sinubukan ko
Ako'y nasasaktan
Kase yung aking kaibigan, na ang iyo na ngayong hinahagkan.

Yung dating paborito kong kataga na nagmumula sayo,

Para na ngayong pana na sa puso ko'y tila patalim na tumatama
Twing binibigkas mo sa kanya, ang mga paborito kong kataga.

Mga katagang ..
Mahal kita. 
Oo na. Mahal parin kita, 
Pero tama na. 
Mamimiss lang kita, pero hindi na babalikan pa.
Maalala lang pero hindi na lilingunin pa,
Dahil ayoko ng masaktan pa. 
Alam ko naman kaseng, wala na. Finish na.

Wrds by: cad👑

POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon