Nakagawa ako ng mga tula,
Habang lumuluha ...
Iniibig nila ang aking mga akda,
Na ang pinaghuhugutan ay ang sakit ng iyong pagkawala.Nakagawa ako ng tula,
Ito'y hindi ko inakala
Kagaya ng pagmamahal mong ...,
Akala ko'y hindi mawawala ...Nakakatuwa, dahil hindi ko talaga inakala
Na sa bawat pag patak ng aking luha
Ay nauubos ang tinta ng aking pluma
At ako'y nakalilikha ng mga tula.Hindi ko inakala na bawat kwarderno
Na mayroong bakas ng luha ko,
Ay may talatang nakasulat
Na nagmumula sa aking pusoSa puso kong may hinanakit,
Sa puso kong may pait
Sa puso kong nakakaramdam ng sakit.Sa puso kong ang tinitibok ay ikaw
Ang tinatawag ay ikaw
Ang nais makasama ay ikaw.
Oo,
Ikaw! Ikaw! Ikaw! Ikaw!
Kaya't ang dahilan rin ng bawat kong paglikha ng tula ay walang iba kundi ikaw.Hindi ko nga rin lubos maisip,
Kung bakit aking likha'y kanilang iniibig
Gayong ito'y patungkol lahat sa sakit ...Siguro kanila ring nadarama,
Itong aking mga drama
Kung kaya't iniibig nila
Ang mga tula ko'y may kasamang pagluha.Wrds by:cad📝