Simple lang naman akong babae,
Yung masasabi mong sa katawan ay walang arte
Kaya't patawad kung sa barkada ako'y hindi mo maipagmalaki.Bewang ko nama'y may korte,
Kuko sa paa'y hindi rin marumi
Kaya't bakit sayong barkada'y hindi mo masabi?
Na ako yung minamahal mong babae.Patawad dahil simple lang akong babae,
Yung masaya na kahit ipasyal mo lang sa tabi-tabi
Yung okey lang kahit ang kainin ay yung tindang isaw dun sa kabilang kalyeHindi man ako kasing ganda ng ibang babae,
Hindi rin yung tipong pang display sa party
Atleast, hindi naman ako yung babaeng isang kuhit lang, nagba-baba na kaagad ng panty.Patawad dahil simple lang akong babae,
Pero tandaan mong ...
Hindi ko babaguhin ang aking sarili
Para lang iyong maipagmalaki
Dahil sabi nga nila, "simplicity is the real beauty".Wrds by: Cad📝