Hindi ko parin matanggap,
Hindi ko parin makaya
Kase oo nga pala, wala kana.
Pagmamahal mo saki'y natapos na,
Ang dating tayo ay wala na.
Pero teka-,
May tayo nga ba?Oo nga't may ikaw at ako
Nagmahalan tayo
Pero naalala ko, wala nga palang tayo.Ano nga bang tawag sa meron tayo?
Ayun ba yung sinasabi nilang M.U?
Dalawang letra pero saakin ay ang laki ng epekto,
Nagawang guluhin at sirain ang aking mundo.Umasang hanggang dulo,
Yun pala'y hindi perpekto
Kaya naman nasaktan ng todo
Oo nga pala't walang permanente sa mundo.Lahat nagbabago,
May mga pangakong napapako,
May mga pangarap na guguho
At may ako, na iniwan mo.Ang hirap pala,
Ang hirap palang kalimutan ka
Gayong nasanay ako na palaging nasa tabi kita,
Ang hirap pala, kaya ngayong wala ka na
Sasanayin ko nalang ang sarili kong mag isa
Kahit na hindi ko makaya.Wrds by: cad📝