Chapter 3

20 1 0
                                    

Veronica Belmonte

  Kababa ko lang ng inutusan ako ni dad na tawagin yung anak nya kaya etoh ako nagiintay na pagbuksan ng pinto. Kumatok ulit ako. Grabe naman ang tagal naman nyang buksan ang pinto ano bang ginagawa nya sa loob. Kakatok sana ulit ako pero natigilan din at napalunok ng bumukas ang pinto.



  Mumukat mukat nyang kinukusot ang isa nyang matang tumingin sakin. Ang ganda nya pa din kahit na gulo ng konti yung light brown nyang buhok. 



Ang totoo nyan nagulat ako nang una ko syang makita kanina dahil sobrang ganda nya. At nung tumingin sakin ang mga mata nya hindi ko alam pero parang narinig ko yata ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok.



"Bakit?" Wow. As in wow. Ang sexy naman ng boses nya pagbagong gising

"Uy!" Pagtawag nya sakin


"Ka- kakain na daw ng din-dinner"  Oh God did I just stutter?



"Maghihilamos lang ako."



"Okay" Dali-dali ko na syang iniwan at bumaba na dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sakin pagkaharap ko sya

"Oh, Nica nasan na si Sin?" tanong ni mommy pagkarating ko sa may dining room



"Pababa na po" Tinanong ko kanina si mommy kung okay lang talaga sa kanya na may anak si dad sa iba, sabi naman nya ayos lang daw sa kanya at kaya nya naman daw tanggapin si Sin sa pamilya. Kahit na hindi sya komportable sa kaalamang may anak si dad sa iba tinanggap nya na lang dahil tinanggap din naman daw kami ni dad kahit hindi nya kami totoong anak. Sakin naman okay lang din kaya lang syempre hindi pa rin ako sanay.



"Asan ang kuya mo? Bakit hindi pa bumababa?"  tanong ni dad na kauupo lang



"Sa labas na daw po sya kakain" nakangiwing sagot ko

Hindi tanggap ni kuya na may ibang anak si dad, sila kase ang close at si dad din ang itinuturing na totoong ama ni kuya, hindi nakikipag-usap si kuya kay daddy Walter na biological dad namin..... Ako naman ka-close ko si daddy Walter dahil mabait naman sya at dinadalaw naman nya kami minsan. Maayos naman ang paghihiwalay nila ni mommy at friend din sila ni dad, ang totoo nyan daddy din ang tawag sa kanya ni Jerome dahil close din sila.


"Kelan sya umalis?" kunot noong tumingin sakin si dad



"Kanina pa po nung nag uusap kayo ni mommy sa kwarto" Tumango tango lang si dad at bumuntong hininga naman si mommy


Konting saglit lang din ay bumaba na si Sin at naupo sa harap kong upuan



"Nakapagpahinga ka ba?" Tumingin sa kanya si dad at tumango lang sya. Yun ang napansin ko sa kanya, tahimik sya at minsan lang sya magsalita


"Should I call you ate tulad kay ate Nika?" Tanong ni Jerome

"Ikaw bahala"

"Sin, ini-enroll kita sa school na pinapasukan nina Nika"


She frowned nung tumingin sya kay dad at mukhang nainis sya sa sinabi nito pero hindi na lang sya nagsalita



Kumain na lang kami ng tahimik at si dad lang ang nagsasalita at tinanong kami ni Jerome kung anong ginawa namin ngayong araw

Aakyat na sana ako pagkatapos naming kumain nang mapansin ko si Sin na nakakunot na naman ang noo

"Anong problema?"  Nagulat yata sya dahil kinakausap ko sya

"Sabi ko anong problema? Bakit nakakunot na naman yang noo mo?"

"Wala kayong katulong?"


Napataas naman ang kilay ko sa tanong nya


"Kanina ko pa kasing napapansin na ang pamilya nyo lang ang nandito sa bahay, I mean malaki ang bahay na 'to at mahirap pag walang katulong" dagdag nya pa


       "Meron naman kaming katulong kaya lang umuuwi din sila pagtapos na ang mga gawain nila sa hapon. Si mommy kase mas gusto na sya ang nagaasikaso samin at hobby nya na din ang paglilinis at pagluluto kaya hindi na daw kaylangan ng katulong pero sabi ni dad mas maganda daw kung may katulong din para hindi si mommy mahirapan."



Nailang ako sa titig nya sakin habang nakikinig sa mga sinabi ko. Para kasing may kung ano sa titig nya na hindi ko maipaliwanag.



"Ate Nika nood na tayo ng cartoons." Nagulat kami pareho ng biglang sumulpot si Jerome.




"Cartoons? Ang tanda mo na para manuod non Jerry" Sabi ni Sin na mukhang naa-amuse kay Jerome



"Eight lang ako so I'm still a kid! At sinong Jerry? Jerome ang name ko! " Galit na sagot naman nung isa




Nanlalaki naman ang matang tinitigan ito ni Sin "Seriously?! Eight ka pa lang? You look like you're thirteen"



"Hmp matangkad lang ako."


Nagdududa pa rin itong tinitigan ni Sin na ikina-simangot  naman ni Jerome



"Tama na nga yan, at totoong eight lang si Jerome hindi lang talaga halata"  Sabi ko na lang ng matigil na sila "Mauna na kami" Tumingin muna ko kay Sin bago hinila papunta sa kwarto ko si Jerome para manuod ng cartoons. Parehong may tv ang kwarto namin ni kuya pero mas close kami ni Jerome kaya lagi kaming nanunood ng cartoons at nagba-bonding tuwing Saturday ng gabi. Sabi ko nga dapat Friday night kami manuod kaya lang ayaw nya dahil tuwing Friday pagkakalabas nya galing school gagawa na sya ng mga assignments nya na minsan inaabot sya ng gabi sa paggagawa pag madami syang kelangang tapusin, hindi din naman kase sya nagpapatulong samin. Gusto nya daw tapos na mga gawain nya pag Weekends para makapaglaro na sya. Pero nung dumating kami ni kuya kanina may ginagawa pa sya baka hindi nya natapos kahapon. Kakaiba din tong kapatid kong bunso. Napangiti na lang ako habang binubuhay ang tv ko.



Naiiling akong kinumutan si Jerome na tulog na tulog na at humihilik pa.





Nakatulog sya pagkatapos ng panunood namin ng halos tatlong oras.





Nahiga na lang din ako sa tabi nya at tiningnan ang phone ko kung may nagtext at hindi naman ako nabigo dahil may text ako galing sa boyfriend ko na si Liam.



Babe😘       9:35 pm

Babe may bago akong car!😍 Yung bagong labas ng Larson Automobiles na Hydro M5 nine months ago. Sabi ni dad almost 700k Dan ang price nito!! Akalain mo yun sobrang mahal nya!! Can't wait na ipakita ko sayo itong car 😊😊 I luv u 😘


Napangiwi na lang ako nung mabasa ko yung laman. Ito yung ayaw ko sa kanya, mapagmalaki kase sya. Hindi ko na naman kelangan pang malaman kung magkano yung bago nyang kotse. At hindi man lang nag-goodnight sakin, busy siguro sa paga-admire sa car nya. Hindi na lang din ako nag-reply. I sigh nang maisip ko si kuya. Siguradong pag nalaman nya na may bagong car si Liam hihingi din sya kay dad. Ayaw na ayaw kasi nyang may nakakalamang sa kanya. Sure din ako na ibibili sya ni dad dahil kung ano naman hingin ni kuya ibinibigay nya kaya lalong tumitigas ulo ni kuya eh nai-spoiled kay dad. Nag-aalala na nga si mommy sa kanya kasi dapat college na si kuya kaya lang hindi sya naka-graduate last year.

Pagyayabang lang kasi ang alam niya bagsak naman ang grades at hanggang ngayon nga hindi pa rin sya nag-aayos ng pag-aaral... Ewan ko lang pero parang mauuna pa kong grumaduate kesa sa kanya.










A/N:

Dan   ang gamit na currency dito sa story ko. Bakit? Wala naman trip ko lang. At ang setting ng story na ito ay hindi sa Pilipinas kundi sa bansang Mendorf na gawa-gawa ko lang. Pero wag kayong mag-alala nasa Earth pa rin naman sila. Bakit hindi sa Pilipinas? Wala namang other reason kundi trip ko lang din. 😂😂😂


-bhavinictoska


Life Of SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon