Sin
Sin anak I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo ang tungkol sa sakit ko. Ayoko lang na malungkot at magalala ka. Sabi ng doctor wala na kong pagasang gumaling pa, kumalat na daw ang cancer sa buong katawan ko. Hindi ko alam kung hanggang kelan pa ko mabubuhay basta tatandaan mo na mahal na mahal kita anak. Sin, alam kong kayang kaya mo nang buhayin ang sarili mo kahit mawala na ko dahil napakaindependent mo at hindi na din ako magaalala kung san ka kukuha ng perang kakailanganin mo sa pangaraw-araw dahil may sarili ka ng business kahit napakabata mo pa at proud na proud ako sayo pero nagaalala pa din ako sayo dahil 17 ka pa lang so anak kung mawawala man ako habang wala ka pa sa legal na edad pwede bang sa ama mo muna ikaw magstay para mapanatag akong may kasama ka at magaalaga sayo. Alam kong galit ka sa kanya dahil ang alam mo ay iniwan niya tayo pero ang totoo hindi niya alam na buntis ako sayo nung umalis siya at kung malalaman man niya alam kong tatanggapin ka niya dahil mabuti siyang tao hindi ko lang sinabi sa kanya ang tungkol sayo dahil nung hinanap ko siya dati para sabihin na buntis ako ay nalaman ko na may pamilya na siya at ayoko ng guluhin pa ang buhay niya at alam ko naman na kayang kayang kitang buhayin ng magisa. Sin anak mahal ka ng ama mo kahit hindi ka niya kilala dahil anak ka niya so please sana naman bigyan mo ng chance na kilalanin at mahalin ang ama mo. Manuel Imperial ang pangalan ng ama mo at sa 129 Peterson Homes sa North Yaspoll City siya nakatira. Mahal na mahal kita anak.
MomBumuntong hininga ako habang nagiintay dito sa may gate sa labas ng bahay ni Mr. Manuel well hindi ko pa siya tinatawag na dad dahil hindi ako sanay at higit sa lahat hindi ko alam kung tatanggapin niya ko bilang anak niya. 3 weeks na ang lumipas ng mamatay si Mom at nung nabasa ko ang sulat niya.. Wala naman akong balak pumunta dito dahil wala na naman akong pakialam sa ama ko dahil simula bata pa naman ako wala na kong namulatan na ama pero dahil sa ito ang last wish ni Mom pumunta pa rin ako dito para mameet ang ama ko.
"Who are you?"Nagulat ako nang may nagsalitang bata kaya napatingin ako sa kanya. Mukha siyang 11 or 13 years old at hanggang dibdib ko ang height nya. Gwapo siya at sigurado akong madaming paiiyakin na puso ang batang toh paglipas ng ilang taon. Dark brown ang buhok nya na kung hindi mo titingnan ng ayos ay pagkakamalan mong kulay itim ito, Gray eyes sya katulad ko.
"Sino ka?" Tanong nya
"Inire ako" Pilosopong sagot ko sa kanya na ikinatigil niya. "Huh?" Natawa naman ako mukhang hindi niya na-gets. "Why are you laughing?"galit na tanong niya
"Wala naman may naalala lang" Nagalit yata sa pagtawa ko hehe nakakatuwa naman ang batang ito
"Who are you?" "What are you doing outside of our house?" sunod sunod na tanong niya
"Isa isa lang pwede? Geez.."
"Jerome sinong kausap mo diyan?" narinig kong tanong ng isang babae na lumabas din sa bahay
"May tao po dito sa labas ng gate mommy" Sagot naman ng bata na si Jerome pala.
Napatingin naman sakin yung babae "Sino sila?" tanong niya sakin pagkalapit niya kay Jerome na kaharap ko
"I'm Sin, hinahanap ko po si Manuel Imperial. Dito ba siya nakatira?"
"Oo dito siya nakatira, bakit mo hinahanap ang asawa ko?" Sya pala ang asawa ng ama ko. Tiningnan ko siya ng maayos.. Maganda siya kahit may edad na siya, pareho sila ng kulay ng buhok ni Jerome, sa kanya siguro siya nagmana .
"May sasabihin po sana ko sa kanya, nandyan ba siya?" Sagot ko na lang, hindi ko sinabi sa kanya na anak ako ng asawa niya kahit mukha naman siyang mabait baka palayasin agad ako ng hindi ko pa nakakausap si Mr. Manuel

BINABASA MO ANG
Life Of Sin
RomanceKamamatay lang ng Mom ni Sin at kelangan nyang makitira at makisama sa pamilya ng dad nya pero anong gagawin nya kung magkagusto sya kay Veronica na alam nyang may boyfriend at ang malala pa ay anak ito ng asawa ng dad nya. A/N:I'll try to update ev...