Veronica
"Oh anyare sayo Pres?" Tanong ko sa bestfriend ko na hindi maipinta ang mukhang lumapit sakin
Pabagsak syang naupo sa tabi ko sa bench. Katatapos lang ng una naming klase at break namin ngayon kaya nandito ako sa tambayan namin which is sa greenhouse ng school. Hindi sya pumasok sa klase namin kanina dahil ang alam ko madami syang inaasikaso
"Hmp nakakainis talaga yang si Sebastian!" Gigil na sabi nya na ikinatawa ko.
"Nakipag-away na naman ba?"
"Damn her! Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na bawal makipag-away sa loob ng school pero lagi pa rin nyang ginagawa! Hindi na nga sya nag-uuniform tapos basag-ulo pa!" Inis na sabi nya
"Gustong gusto ko na syang patalsikin ng school!" dagdag nya
"Pero hindi naman papayag ang dad mo" natatawang sabi ko. "Kalimutan mo na yang si Kaira, pumapangit ka lang kapag galit"
Mas mabuti pang iba na lang isipin nya kesa kay Kaira dahil baka kung ano-ano pa ang sabihin nya. Yung isa naman kasing yun ay sakit talaga sa ulo nitong bestfriend ko. Hindi ko nga sya nakita kanina sa room akala ko absent. Lagi kasing gumagawa ng gulo at ito namang si Cass ang taga-ayos dahil sya ang President ng Student Council
"Kaano-ano mo yung transferee?" Buti naman at napunta sa iba ang atensyon nya. Mukhang nakalimutan nya na ang ikinakagalit nya kanina
"Anak sya ni dad" Sagot ko
Dito na nga nag-aaral si Sin sa Royal High at inihatid sya kanina ni dad. Hindi ko pa sya ulit nakakausap simula nung isang gabi. Kahapon naman kasi nagdate kami ni Liam at gabi na ko nakauwi dahil tuwang-tuwa sya sa bago nyang sasakyan ay dinala nya ko kung saan-saan. Si Sin naman ay isinama ni dad para mamili ng mga kakailanganin nyang gamit sa school at sa pangaraw-araw. Ang alam ko namili na din sila ng mga gamit para ilagay sa kwarto nya na ikinagalit na naman ni kuya. Mas maganda kasi yung tv ni Sin kesa sa nasa room nya atsaka may playstation din silang binili na bagong release na gustong-gusto ni kuya. Nagrereklamo nga sya dahil kung ano-ano daw ang pinapabili ni Sin kay dad, para naman syang hindi ganon. Sya nga nagpapabili kay dad ng bagong kotse ng makita nya kagabi na may bagong kotse si Liam nung hinatid nya ko sa bahay. Minsan ang sarap ding tuktukan ang ulo ni kuya. Kung ano-ano ang sinasabi nya kay Sin pero parang sarili naman nya ang tinutukoy nya.
"Anak ni Tito Manny? May babae ba sya" Nagulat na tanong nya
"Walang babae si dad. Anak nya si Sin sa dati nyang girlfriend."
"Oww" Naguguluhan nyang sabi "Bakit hindi sinabi ni Tito Manny dati at ngayon nyo lang nalaman?"
"Nung Saturday lang din nalaman ni dad na nagkaanak pala sya sa ex nya"
"Ayos lang sa inyo? "
"Okay lang naman samin ni mommy dahil alam mo naman na hindi kami ni kuya anak ni dad pero tanggap nya kami, si Jerome naman tanggap nya na may isa pa syang ate at tuwang-tuwa pa nga sya. Si kuya lang ang problema" I sigh kapag naaalala ko si kuya
Tumango tango na lang sya sa sinabi ko
"Pano mo pala nalaman na may transferee? Wala ka namang pakialam sa mga balitang ganyan ah?" Nagtatakang tingin ko sa kanya
She smirk "Nakita ko lang sya sa office ni dad kanina."
"Huh? Anong ginagawa nya sa office ni headmaster?"
BINABASA MO ANG
Life Of Sin
RomanceKamamatay lang ng Mom ni Sin at kelangan nyang makitira at makisama sa pamilya ng dad nya pero anong gagawin nya kung magkagusto sya kay Veronica na alam nyang may boyfriend at ang malala pa ay anak ito ng asawa ng dad nya. A/N:I'll try to update ev...