Chapter 2

18 2 0
                                    

Sin

"Dad seryoso ka ba?" Hindi makapaniwalang tiningnan ako nung lalaki 

"She's my daughter, maniwala man kayo o hindi pero anak ko sya at simula ngayon dito na sya titira sa bahay." Tumingin si dad kay Mrs. Gina at bumuntong hininga lang ito "Kung anak mo talaga sya wala na kong magagawa pa kung hindi tanggapin sya sa pamilya"

"What?! Seriously Mommy?! Baka naman niloloko nya lang tayo. " Galit na sigaw nung lalaki.
"James anak ko si Sin at sigurado ako dun" dad said while frowning
"Pero pan-" Hindi nya na natuloy yung sasabihin nya ng nagsalita yung babae "Magkahawig sila ni dad"

Napahawak naman ako sa may dibdib  ko ng marinig ko ang maganda nyang boses .... Shit may sakit ba ko sa puso?

"Pareho din kami ng eyes" Sabat naman ni Jerome na kanina pang tahimik

"Pero baka naman nagkataon lang at-"

"James!" Masamang tumingin si dad dun sa lalaki na si James "Anak ko sya. Isa syang Imperial at dito na sya simula ngayon sa ayaw at sa gusto mo."

"James umakyat ka na sa kwarto mo" Sabi ni Mrs Gina

"Fine" Masama nya kong tiningnan bago pumunta sa 2nd floor

"Sorry about James, nabigla lang siguro sya" Hinging paumanhin sakin ni Mrs Gina

"Okay lang po Mrs. Gina, naiintindihan ko"

I just give her a small smile

Lahat naman sila nagulat na may anak si dad sa ibang babae, which is me, at alam ko din naman na hindi nila ko agad matatanggap.. Ako nga hindi pa rin matanggap na may ama na ko na tanggap ako... Akala ko dati pag nakilala ko na si dad hindi nya ko matatanggap dahil iniwan nya kami ni Mom pero nagkamali ako dahil tinanggap at kinilala nya ko bilang anak ng hindi humihingi sakin ng ebidensya na anak nya talaga ko.

"Ah! Tita na lang masyado kang pormal" Nginitian nya ko bago tumingin dun sa magandang babae "Ito nga pala si Veronica" pagpapakilala nya... ngumiti sakin si Veronica na ikinatitig ko... Ang ganda nya talaga "At kilala mo na naman itong bunso namin na si Jerome"

"So ate din kita?" Tanong ni Jerome na nakatitig sakin

Tumango ako sa kanya at pumalakpak naman sya "Yehey! Dalawa na ate ko" Tuwang-tuwang sabi nya hehe ang kyut kyut naman ng batang toh at mukhang tanggap nya agad ako bilang kapatid nya

"Sin may guest room sa taas yun na lang gawin mong kwarto. Bilhan na lang natin bukas ng mga gusto mong ilagay sa kwarto mo" Sabi ni dad

"Okay"

"Umakyat ka na din at magpahinga papatawag na lang kita pagkakain na ng dinner" Napansin nya yatang pagod ako. Apat na oras din kasi ang byahe mula Metro papunta dito sa NYC "Nica ihatid mo si Sin sa magiging kwarto nya" Utos ni dad kay Veronica na ikinatango na lang ng huli

"Ito yung magiging kwarto mo" Pagkadala nya sakin sa tapat ng pinto sa may dulo ng pasilyo. "Ito namang katabi ay sakin, yung sa kabilang dulo ay kwarto ni Kuya at kay Jerome yung katapat nya. Yung nasa gitna naman ay yung study room na ginagamit na din na office ni dad. Nasa baba naman ang kwarto nina dad" I just nod while looking at her "You're lucky" dagdag nya pa na ipinagtaka ko "Huh?"

"Itong guest room ang pinakamalaking kwarto sunod sa master's bedroom" Naiinggit na sabi nya "Oww"

"May tanong ka pa ba?"

"Wala naman"

"Okay"

  "Thanks Veronica" tumango lang sya at pumasok na sa kwarto nya

Well malaki laki nga ang magiging kwarto ko, Hmm may banyo din... Well lahat naman yata ng mga rooms dito ay may sariling banyo....

    Pero compare sa kwarto ko sa bahay namin sa Metro maliit lang ito. Ang totoo mas malaki ang bahay namin ni mom kesa sa bahay ni dad. Akala yata ni dad dun pa din kami ni mom nakatira sa apartment na dati nilang tinitirahan.   
  Dating chef si mom at sa maliit lang syang restaurant nagtratrabaho pero nung  4 years old ako nalaman ni  Mom  na  anak  sya  ni Viviana Larson na isang business tycoon. Kilala ang mga Larson dahil pang anim sila sa pinakamayaman na pamilya sa mundo at dahil sila ang nangunguna sa paggawa ng mga sasakyan. Nang mahanap kami ni lola ibinigay nya sakin ang 25% share ng Larson Automobiles. Dapat kay mom yun pero sabi ni mom sakin din mapupunta yun kaya wag na daw pahabain pa ang proseso atsaka habang lumalaki ako yung mas may interes sa business, si mom naman gusto nya lang daw magluto at alagaan ako kaya hinayaan na lang ni lola at ako na lang ang tinuruan nya kasama ang pinsan ko na si Area tungkol sa business ng pamilya. Natuto din akong maginvest simula nung bata pa ko, madami din akong mga shares na nabili sa iba't ibang company. Ang totoo nyan may sarili na kong business, ang VenuScent na kilalang nangungunang manufacturer ng perfumes sa bansa at unti-unti na din itong kinikilala sa iba't ibang bansa. 6 years na ang VenuScent at si lola talaga ang nag-asikaso ng pagpapatayo ng VenuScent dahil 11 lang ako nung time na yun, ako lang talaga nagbigay ng idea kay lola at pera ko din yung ginamit nya. Hinayaan ko na lang si lola dahil may tiwala ako sa kanya at sa kanya din naman galing lahat ng pera ko. Nang mamatay si lola 2 years ago kay Area ipinamana ni lola ang Larson AutoMobiles na ayos lang sakin dahil wala naman akong interes sa mga sasakyan. Ako naman ang humawak ng VenuScent kahit 15 lang ako naging CEO na agad ako ng isang malaking kumpanya at maliban sa mga shareholders iilan lang din ang nakakaalam. Ngayon ngang nasa NYC ako iniwan ko muna ang pamamahala ng kumpanya kay Lana. Ieenjoy ko muna ang pagtigil ko dito pansamantala.

Napabuntong hininga ako ng maalala ko yung usapan namin ni dad kanina

Flashback

Nalungkot sya nang kumalas ako sa yakap nya  "Ngayong wala na si Sara dito ka na titira"

Umiling ako "Babalik ako sa Metro City may bahay naman kami don."

He frowned "Hindi yon pwede, mas mabuti na dito ka na lang. Gusto ko ding bumawi sayo sa mga taon na hindi ako naging ama sayo."

Tatanggi sana ko nang maalala ko na gusto ni mom na kilalanin ko ang ama ko kaya naman tumango na lang ako "Fine pero mga 5 months lang ako magi-stay dito"

"What?! Why?" Gulat nyang tanong

"I'll be 18 after 5 months"

Nag-alinlangan sya bago tumango "Kung gusto mo talagang umalis after 5 months then hindi na kita pipigilan..."

"Okay lang ba talaga na dito ako tumira, baka hindi pumayag ang pamilya mo?" Nag-aalangang tanong ko

"Don't worry matatanggap ka ni Gina at ang mga anak ko naman.... Bigyan lang natin sila ng konting oras and I know that they'll accept you."

"Ilan ba ang anak mo na kelangan kong pakitunguhan?"

"Tatlo"

"Well kung mas bata naman sila sakin then madali na silang i-handle"

Napangiwi naman sya sa sinabi ko"Mas matanda yung dalawa sayo"

"What?! Pano yun nangyare?"

"Si Jerome lang ang anak namin ni Gina, yung dalawang panganay ay anak niya sa dati nyang asawa"

Napatango na lang ako. Bahala na kung anong mangyari kung hindi naman nila ko tanggap ay aalis na lang ako.

"At dad na itawag mo sakin"

Napatikhim ako "Da... Dad"  Nakatungong sabi ko, hindi ako sanay na may tinatawag na dad

"Hahaha good! Tara sa baba siguradong nakadating na yung dalawa, ipapakilala kita sa pamilya ko" Nakangiting sabi nya papalabas ng pinto






Life Of SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon