Chapter Five

33 2 1
                                    

Safe

Zene's Pov

Agad kong ibinaling ang aking tingin sa babaeng bumagsak sa aking gilid.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang babaeng kasama rin namin dito sa dorm na may saksak sa kanyang dibdib at patuloy itong dumugo.

Agad kong ibinaling ang aking paningin sa aking mga kaibigan. Napukaw ang aking atensyon kay Alex na may hawak ng kutsilyong may bakas ng dugo.

"I-I'm S-Sorry Zene, H-Hindi ko sinasadya." kasabay ng pagbitiw niya sa mga salitang iyon ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Nakaramdam ako ng awa kay Alex. Sa pagluha ng mga mata niya ito'y nagdudulot sa akin ng sakit sa aking puso.

Isa lang ang alam ko na ikinatuwa ko.
Ligtas na si Alex ngayong araw.

Unti-unti ko ng nararamdaman ang araw na kung saan masasanay na kaming humawak ng patalim at pumatay para sa sariling kaligtasan.

Aktong sasaksakin ng isa pang babae si Kez nang pangunahan ito ng isang pamilyar na lalaki na nagmumula sa likuran.

"Lem! You're here!" wika ko na ikinagulat ng tatlo pang babaeng natitira na kasama namin sa dorm.

Ligtas na rin si Lem. Hindi ako makapaniwala sa mga nagaganap ngayon. Unti unti na silang natututong pumatay para mabuhay.

"Good Timing!" humalakhak ang isang babae na nasa gilid ni Lem.

"Kayo nga pala ang nagpapunta sa amin sa office ni President kahit isang lamang malaking kasinungalingan lang 'yon!" sigaw nito at ramdam ko ang galit nito sa kanyang tono ng pananalita.

"We do that on purpose." Wika ng isa pang lalaking lumabas sa likuran ni Lem.

"Jake! You're here too!" nanginginig na boses ni Alex.

Hindi na muling nagsalita sina Lem at Jake. Binalingan ko ang tatlong babae na mabilis na kinuha ang kutsilyo sa kanilang likuran.

Aktong sasaksakin ng isang babae si Jake nang mabilis nitong isinalag ang kaliwang kamay niya dahilan para mapatalsik ang hawak ng babae na kutsilyo. Agad na itinutok ni Jake sa dibdib ng babae ang baril at mabilis na kinalabit ito dahilan para matumba ang  babae sa sahig.

Halo halong emosyon na ang kasalukuyang nararamdaman ko ngayon. Isang lang ang alam ko na nagpasaya sa akin. Masaya akong ligtas na rin si Jake

"Kez! At your back!" sigaw ni Jake kay Kez nang inambahan ng pagsaksak ng isang pang babae si Kez.

"You'll be dead!" bulyaw nito. Agad na inagaw ni Kez ang hawak nitong kutsilyo at saka itinutok sa dibdib ng babae. "Sorry, You're late." wika ni Kez at saka idiniin nito ang kutsilyo sa dibdib ng babae dahilan para agad na tumumba ito.

Ligtas na rin si Kez. Ligtas na silang lahat. Ako na lang ang hindi pa.

"Wait for my revenge!" binalingan namin ang isa pang natitirang babae na kumaripas ng takin palabas.

Tila hindi ko na kilala ang mga kaibigan ko ngayon. Nagagawa na nilang pumatay ng hindi nag aalinlangan. Masaya ako na ligtas na sila ngunit nararamdaman ko pa rin ang lungkot dahil sa mga nagagawa nila dito sa loob ng unibersidad na ito.

"We're Safe!" masayang wika ni Jake.

"No!" Wika ni Alex na nasa gilid ko. "Hindi pa nakakapatay si Zene." pagpapatuloy nito na nagpalaglag ng mga panga ko. Tama siya, ako nalang palang ang hindi pa nakakapatay.

Ang kanilang mga ng ito ay napalitan ng pagaalala sa kanilang mga mukha.
Nawala sa aking isipan ang pumatay. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko kayang pumatay. Pero paano? Paano na ang kaligtasan  ko at ang mga kaibigan kong umaasa pa sa akin?

"Serio—-" hindi naipagpatuloy ni Lem ang sasabihin ng marinig namin ang boses ni Mr.Creighn sa Big speakers.

"All attentions here! When the bell rings at 12 am you will not able to kill anymore. If your names wasn't here in our record book, it's means you didn't kill anybody today. And it's time for us to kill you!" Dining na dinig namin sa Big Speaker ang kanyang nakakatakot na paghalakhak. Binalot ng katahimikan ang buong unibersidad na ito dahil sa balitang iyon ni Mr. Creighn.

"Zene! Paano yan?! Anong gagawin natin!?" pag aalalang tanong ni Alex.

"It's already 11:50 pm. You just have 10 minutes to kill." wika ni Lem

"How can you escape death?" dugtong ni Jake.

Unti-unti ko ng nararamdaman ang pagbagsak ng aking mga luha sa aking pisngi. Ganoon na rin ang aking mga kaibigan. Nakaramdam ako ng takot na mamatay dahil ayaw kong iwan ang mga kaibigan ko rito.

"Zene! Ayaw naming mawala ka." wika ni Alex.

" 'Di ba sabi mo na lalabas tayo ng buo ay buhay dito?!" nagaalalang wika ni Lem.

Dahil sa mga katagang binitawan nila tila nabuhayan ako at nagkaroon ng pag asa. Nararapat rin akong lumaban para mabuhay at sama sama kaming aalis dito at tatakasan ang kamatayang naghihintay sa amin sa unibersidad na ito,

"Don't give up we will survive here and we will escape death!" sigaw ko kasabay ng pagyakap nila sa akin.

"Take it!" Wika ni Lem matapos ibigay sa akin ang isang kutsilyo.

*ring *ring *ring
"It's already 12 am! Are you ready to die?" humalakhak si Mr. Creighn matapos magsalita.

Sa ngayon hindi ako nakaramdam ng takot sa mga katagang narinig ko kay Mr. Creighn. Handa akong lumaban ng patayan para mabuhay.

Aktong yayakapin muli ako ng mga kaibigan ko nang biglang may dumating na mga grupo ng lalaking nakablazer na black na naka mask din black. Pinalibutan kami ng mga ito.

"Lem! Umalis na kayo dito." sigaw ko.

"Pero paa——-"

"I said go!"hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at agad naman silang umalis.

"Kayo na ba ang papatay sa akin?" sarkastikong tanong ko at nginisian sila.

Hindi ito sumagot at sabay-sabay na kinuha ang mga kutsilyo sa kanilang likod at itinutok sa akin. Mabilis ko rin namang kinuha ang patalim na ibinigay sa aking ni Lem mula sa aking likuran at itinutok sa kanila.

Aktong sasaksakin ako ng isang lalaking nakamask nang bigla ko itong salagin at mabilis na idiniin ko ang kutsilyo sa kanyang dibdib.

"Weak." mahinang bulong ko.

Habang binibitiwan ko ang salitang iyo, naramdaman ko ang pagbaon sa aking braso ng isang patalim na nagmumula sa aking likuran.

Namanhid ang aking kanang braso dahilan para hindi ko ito magamit panlaban. Muli kong naramdaman ang isa pang patalim na dumiin sa aking kaliwang braso. Mabilis akong nanghina at tumumba sa sahig. Hindi ko magawang igalaw ang aking mga kamay.

Hindi na ako makalaban sa kanila. Nanghihina na ang aking katawan.

Hindi pwedeng mamatay ako.Hindi ko pwedeng baliin ang pangako ko sa aking mga kaibigan. Pero paano? Tuluyan ng nanghihina ang aking katawan  para hindi ako makalaban.

Aktong sasaksakin ako ng dalawang lalaki sa dibdib ng may humarang na isang lalaking naka itim na jacket at naka black mask din.

"Enough." wika nito.





Thank you for reading my story ^.^
Hope you enjoy it. Please don't forget to vote this.
I love you guys. ^>^
You can follow me on:
Twitter: zeinnn11
IG: Nikkaaaaa14
God bless guys^_^

~ you're my king and I'm your queen.

Escaping DeathWhere stories live. Discover now