Chapter 2 - Squad Trip

77 4 0
                                    

Katthy POV

Yiieee magisquad trip kami!

Pagka-end call ko tinawagan ko na yung iba at sinabing magisquad trip, sa Starbucks magkikita kita.

Ako nga pala si Katthy May Johnson, 17 y/o, graduating high school student (mabait, matalino at syempre maganda)

Nagsuot Lang ako ng pink croptop jacket and high waisted jeans.

Mag-gagatas nalang ako, wala kasi si mama sya kasi nagluluto ng breakfast saamin ni papa, si papa nasa work kasama si mama, maaga silang pumapasok-late naman umuuwi.

Lumabas na ako ng bahay at kinuha ang red sports bike ko at pumunta sa mall.

After 20 minutes, nakarating na ako.

Pinark ko na motor ko at saktong nagsilabasan ng kanilang mga kotse ang mga kaibigan ko and...ako Lang naka-motor, lahat sila kotse ang gamit (-_-)

Nakisabay nalang ako sakanilang tatlo sa paglalakad papuntang starbucks, nasa parking lot kasi kami.

Kiecess POV

After 30 minutes! Andito na sila at nakita nila ako kaagad

"Hi/Hello Cess!" Sabay nilang sabi

"Matagal ka na bang naghihintay dito?" Tanong ni Lea nagsi-upo na sila.

Lea Ramirez, 17 y/o (matino)

"Mga 30 mins. siguro"

"Mag-oorder muna ako, ano sainyo?" Pagpriprisinta ni Katthy

"Pareho nalang kaming lahat ng order" sagot ni Janele

Janele De Vera, 17 y/o (madaldal)

"Anong klaseng order?" Tanong ulit ni Katthy

"Katulad nalang Kay Cess, mukhang masarap ehh" sabi ni Sandria

Sandria Perez, 17 y/o (Matalino)

"Okay" at pumunta na sa counter kaya nagkwentuhan muna kami.

After a few minutes, nandito na yung order nila

Nagkwentuhan Lang kami hanggang sa maubos ang order namin kaya napagdesisyon na naming umalis sa Starbucks. Naglibot Libot Lang muna kami, iniisa-isa namin mga shops dito 'pasok,tingin-tingin,walang nagustuhan,di bibli,labas' ganon ang routine namin...

Nandito kami ngayon sa bookstore nagtitingin ng librong magandang basahin. Silang apat ay nasa fiction section at ako naman ay magisang tumitingin sa mystery section (T_T).

Tumitingin ako ng mga mystery books na magandang basahin at nakahanap nga ako, kinuha ko yun at umalis na, pupuntahan ko na sila sa fiction section.

Habang papunta ako doon.....

$#@&!!!

"Hoy lalaki!" Bastos na kung bastos, eh tapakan ba naman yung PUTING SAPATOS KO!

Huminto siya sa paglalakad at humarap saakin at nag-bakit-look. Tinuro ko yung tinapakan niya

"Then what?" Sabi niya na mas lalo kong kinainis.

"Dadaan ka na nga mangtatapak ka pa ng sapatos" ayaw na ayaw ko ang tinatapakan ang Sapatos ko.

"Paharang harang sa daanan eh" gwapo na sana mayabang naman.

"Edi sana-"
"Tsk! Whatever" at nagpatuloy ulit sya sa paglalakad, di ko tuloy natuloy sasabihin ko.

Nang tumalikod na siya saka ako nag-invisible-suntok-suntok sakanya at nagpatuloy narin sa paglalakad pero biglang...

"Hey miss! Wait!" tumingin ulit ako sa likod kasi parang ako yung tinawag niya, lumapit siya at kinuha ang book na napili ko THAT'S MINE!

"Hey that's mine, give it back!" inagaw niya yung book na napili ko! I think that is the remaining kind of book here T^T

He just look at me, coldly and walked away

~•~~•~•~~•~•~~•~•~~•~

"Oh, ayan na pala siya!" Sabi ni Sandria at kinalabit silang tatlo.

"Hey! Bakit ganyan itsura mo?" Tanong ni Lea

"Wala to" ayaw kong sabihin sakanila pagtatawanan lang nila ako

"Ahh Alam ko na kung bakit"
"Ano yun Janele?" Panghahamon ko sakanya kung alam nga niya.
"Natapakan ang sapatos mo" alam nga niya, pano niya nalaman? Kasi Hindi ko pa naaalis ang dumi sa sapatos ko.

"Whahahahahahha!" Sige, Tawa pa kayo

"Tara na nga,bayaran niyo na yan!" gigil nila ako "sige!/ ok!"

Hindi na ako kumuha ng libro nawalan ako ng gana magbasa. Pagkatapos nilang bayaran pumunta kami sa mga pagkainan, Gutom na kami ehh mag-tatanghalian narin naman.

"Sa McDo!/Sa Jollibee!" bali half ang may gusto sa McDo at half rin sa jollibee at ako ang hindi pa pumipili.

"Sa mcdo kasi/Sa Jolly kasi!"
At nagtatalo na sila kung Saan kami kakain.

"WAIT!" Napatigil sila sa pagbabangayan nang nagsalita si Janele "Si Cess nalang magdesisyon kung Saan tau kakain, tutal sya naman ang nagyaya" sumangayon silang lahat

"Ok, so saan? Sa jolly o mcdo?" Hmm ano kaya?

"Kain tayo sa......"

INLOVE WITH THE GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon