Chapter 8 - ???

24 2 0
                                    

Third Person POV

Pagkatapos niyang mahimatay ay umalis na sila Julia, iniwang walang malay si Kiecess. May isang lalaking naglalakad at nakita niya si Kiecess na nakahiga sa sahig kaya nilapitan niya ito.

"Miss?.... miss?" sinubukan niyang gisingin siya pero di nagising kaya binuhat niya siya para dalhin sa clinic. Sa kabilang bakod naman na nasa loob ng CR ay sina Sandria,Janele,Lea,Grace,Liza,Bea at Katthy ay kanina pang tumahimik at pinakinggan ang mga pinagusapan nila.

"Woah! Chika natin mamaya si Cess!" sabi ni Janele na animoy naexcite sa pangyayari kanina.

"Ang unahin muna natin ay kung paano tayo makakalabas dito" pagpapaalala ni Sandria sa sitwasyon na hinaharap nila

*Silence*

"Hello?! May Tao pa ba jan sa labas?!!" Sigaw nila

*Silence*

RYKER POV

Nandito ako ngayon sa clinic dahil hinihintay ko itong babaeng natagpuan ko na nakahiga ng walang malay sa may locker area. Hindi naman daw malala ang natamo niyang sugat sabi ng nurse magigising narin siya maya maya at umalis na siya dahil pinapatawag siya.

15 minutes ..................




10 minutes ...................

Ang tagal naman niya magising!!!
Alis na kaya ako? Di ko naman siya kilala kasi di ko alam pangalan niya pero classmate ko siya.

Hintayin ko na nga, para makilala ko na rin siya.

5 minutes ...................

"Wala ka bang balak umalis?"

Kanina pa ba siya gising?!!

"Oo, kanina pa"

what the-???

"Hinihintay ko lang matapos ang subject nating English" nakaupo na siya ngayon sa clinic bed.

"By the way,what's your name?" kanina pa pala siya gising, di ko man lang napansin.

"Kiecess at ikaw naman si Ryker" paano niya- oh were classmates pala, magpapakilala pa naman sana ako.

"Mauna na ako, may 2 subjects pa kasi AKO" tumayo na siya at pumuntang pintuan at lumabas...

Nakalimutan ba niyang magclassmates kami?

"Hey! Sabay na TAYO" tumango nalang siya at sabay na kaming naglakad papunta sa next subject namin.

----------

"Kiecesssss!!!"
"Anyare sayoo?!"
"Kwento na biliss!"

Yan ang Bumungad kay Kiecess pagkadating namin dito. Tumingin saakin yung isa niyang kaibigan at tinaasan ako ng kilay.

"Tara sa upuan" sabi niya at pumunta na sila sa kanya kanyang upuan gayon din ako.

"Nice one bro!" sabi ni Jake sa kaliwa ko at inakbayan ako.

"Congrats, binata ka na" sabi naman ni David na lumipat ng upuan sa kanan ko at pina-pat ang likod ko.

"Sinagot ka na ba niya?"

"Mga Ulol kayo!" tumawa nalang sila. Tumigil nalang sila nang dumating na ang teacher namin.

------------------

Natapos na ang klase at nandito kami ngayon sa bahay namin, yes, bahay naming magbabarkada. Since malayo ang mga bahay namin dito sa University, napagpasiyahan ng mga magulang namin na magpatayo ng bahay malapit sa University.

"Haayy! Oh! Ryker, simulan mo na."  sabi ni David.

"Ang alin?"  anong sisimulan ko?.

"Ang pagkwekwento"  sabi naman ni Jake.

"Ng?"  

"Wag mo nang i-deny, kita na nga namin ni Jake"  sabi ni David at siniko si Jake.

"Ano nakita niyo?" gulat na tanong ni Axel sakanila.

"Nakita namin siyang may kasamang babae"  nagulat naman si Axel sa narinig niya kaya napatingin siya saakin.

Mula sa pagkakagulat niya ay napalitan yun ng pagka-seryoso at lumapit saakin. "Pre..............














binata ka na talaga!"  sabi niya at hinampas ang kaliwa kong braso.

"Look, its not what you think it is"

"Edi ano?" 

"Nakita ko kasi siyang walang malay na nakahiga sa locker area kaya—"  pinutol ni David ang pagkwekwento ko.

"Alangan namang nakatayo siya na walang malay? hahaahaha!"  nakitawa narin sila.

"-kaya dinala ko siya sa clinic at hinintay magising at sabay na kaming pumasok." 

"Aaaahhh"  sagot nila matapos kong magkwento. Kanina pa pala tahimik si Jax, napansin rin nilang tatlo siguro yun kaya nagkatinginan kami at sabay sabay na tinignan si Jax na nasa single couch na nagpapahinga pero may iniisip. Naramdaman niya siguro yung mga titig namin kaya tumingin siya saamin ng nagtataka.

"What?"  seryoso niyang sabi saamin kaya iniwas namin ang tingin sakanya.

"Kanina ka pa tahimik. Anong iniisip mo?"  ako na ang nagtanong, takot yata tong mga kasama kong magtanong sakanya.

"May napapansin lang ako."

"Ano yun???"  sabay na sabi ni Jake at David.

"Laging may sumusunod saatin." 

Nagkatinginan kaming lahat, siguro pare-pareho ang iniisip namin.

"Hindi kaya sila ang.........."

INLOVE WITH THE GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon