Chapter 11 - Shape Shifter

34 4 1
                                    

Kiecess POV

"Wag ka nang umiyak~"

"KUYA!"

"Hahhaahhahahaha!"

Nandito ako ngayon sa kotse ni kuya para ihatid sa FU kasi nga basag ang mga salamin ng black porsche ko at may sulat sulat pa. Bibigyan ulit ako ni Papa ng bagong sasakyan pero sa Monday ko pa yun makukuha.

Kanina pa ako inaasar ni kuya kaya  pinipingot ko ang tenga niya.

"Aray!... Oo  na, titigil na"  mabuti naman tumigil na siya.

Malapit na kami sa FU nang may dumaan na mabilis na motor sa harap ng kotse ni kuya kaya napabreak siya ng malakas, buti nalang naka-seatbelt ako dahil kung hindi baka nauntog na ako sa dashboard netong sasakyan.

"HOY! MUNTIKAN NAYUN!!!" nagtuloy-tuloy lang sa pagmomotor ng mabilis ang lalaki at di pinansin ang sigaw ni kuya.

"Okay ka lang?"  tumango lang ako at nagpatuloy ulit siya sa pagmamaneho.

———

"Ingats! Bye~"  at tuluyan nang umalis si kuya kaya pumasok na ako.

Pumunta ako sa Parking area, baka nandon ang mga kaibigan ko at nakita ko silang apat na kakalabas lang ng kotse nila. May nakita akong lalaking nagpapark ng motor niya at....... siya yung lalaking muntikan kaming mabangga! Tinanggal niya yung helmet niya at siya si... JAX! at nagsidatingan narin ang kasama niyang naka-motor rin.

"Uy~ di mo sinasabing inlababo ka na kay Jax"  di ko napansing nandito na pala sila sa harapan ko.

"Hindi ah."

"Idineny mo pa!"  sinamaan ko ng tingin si Janele at tumawa lang sila.

Nandito na kami sa room at magiistart na ang klase. As usual, late nang dumating ang DV.

"What happened to your faces? Axel, David and Jax?"  tanong sakanila ng prof.

"SOMEONE.PUNCHED.US."  sabi ni Jax na parang nagpaparinig at dumeretso sa upuan nila at narinig kong Padabog nilang binaba ang bag nila. Nagpatuloy na ulit sa pagtuturo ang prof.

~
"Class Dismissed."
~

Nandito kaming walo sa cafeteria at masayang kumakain (oh dba ang dami namin) nang biglang...

*bogsh*

May padabog na naglagay ng tray sa mesa namin kaya may unting natapon.

"ALIS."  sabi ni Jax, tumayo naman sila Grace,Bea at Liza at tinawag kami para umalis na rin.

Nakatayo na ako bitbibitbit ang tray nang hinawakan ako ni Jax sa balikat ng mahigpit. I winced in pain. Tinignan ko naman siya nang nagtataka.

"Kita mo to?" sabi niya at tinuro ang sugat sa gitna ng labi niya at namamaga niyang ilong.

"Malamang?" sa totoo lang natatawa na ako sa itsura niya ngayon pero pinipigilan ko lang.

"Gaganti ako." sumilay ang nakakalokong ngiti niya. "Di kasi ako sumasapak ng mga babae kaya eto nalang" kinuha niya yung Bottled Orange juice niya at ibinuhos saakin. Di pa siya nakuntento, kaya kinuha niya rin yung kay Axel at ibinuhos ulit saakin. Kukunin na niya sana yung kay Ryker nang bigla niya itong nilayo.

"Tol, sayang ang juice." sabi niya at tumingin saakin. Inilayo narin nila Jake at David ang juice nila.

Lumapit si Grace saakin at hinila paalis doon pero bago pa kami makaalis ay hinila nanaman ni Jax ang balikat ko at may ibinulong.

"Tandaan mo, di pa tayo tapos." bulong niya at saka ako binitawan kaya nahila na ako ni Grace.

————————

"Wala na, Finish na."

"Lagi-lagi ka na nilang pahihirapan."

"At ipapahiya."

Sabi nila Grace, Liza at Bea.

"Ang sticky mo tuloy!" sabi ni Janele at um-agree silang lahat kaya binalak ko silang yakapin pero lumayo lang sila kaya lumapit ako pero lumayo lang ulit sila. Natawa nalang ako sa reactions nila.

"Tara nga! Maglinis ka na at magpalit."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Every Friday may PE class kami kaya nagpalit na ako ng PE uniform kasi Friday.

"Okay class, we have an activity today! First, let's go to the gymnasium."  sabi ng PE teacher namin.

Nakarating na kami at pina-upo kami sa flooring.

"Sir! anong activity?"

"Dapat madali lang yan sir ha?"

"Wag niyo sana kaming pahirapan"

Buti nalang mabait si Sir kaya ngumiti nalang siya sakanila.

"More like a game ang activity niyo for today,"  hinintay naming ituloy ni sir ang sasabihin niya.

"Tawagin natin itong Shape Shifter, think of this as an advance form of follow the leader. You dont need equipments, just an open space."

"Now listen to me for the mechanics of the game."  tumahimik naman kaming lahat.

"Divide the group into teams of at least five people on each team and set each team in a line, one person behind the next. Teams will jog together staying in a line. If I call out "Shape Shift" at various points and teams must react appropriately at that time. To start, the first person in each line forms a shape or pose with his arms and everyone in line holds the same position as they start to jog. When I call out again "Shape Shift" the second person in each line forms a new arm pose and all other team members copy it and the first person in line will need to turn around and will be jogging backward for the rest of the game. Repeat these actions until the entire team is turned backward. This is a fun, non-competitive game."  mahaba-habang sinabi ni Sir. Na-excite silang lahat sa larong gagawin namin for today.

"Now find your groupmates..... and it must be 3 boys and 2 girls. Do it now!"  At nagsimula na silang magpartner-partner. Nakapag-partner narin kami:

Ako-Katthy
Sandria-Grace
Bea-Liza
Lea-Janele

At ang problema ay kami nalang ni Katthy ang walang kagroup na lalaki at sila naman ay meron na.

"Sino ngay kagrupo natin?"  tanong ni Katthy.

"KAMI."

(O–O)?

______________________

Bitin ba? hayaan niyo....... mas lalo ko pang bibitinin, Joke lang hehe.
~
Please Vote if you like it. =D
Feel free to comment.

INLOVE WITH THE GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon