#0 The Normie

10 1 0
                                    

The Normie

"Salot 'kang bata ka!" Binuhusan ng nagyeyelong tubig ang batang babae. Napaupo ito sa sahig. Sa sobrang lamig ng tubig nanginig ito at napayakap sa sarili. Pinagmasdan lang ito ng nagbuhos sa kaniya. Wala itong pakielam kung lamigin ito at magkasakit.

"Magsalita 'ka! Ano bang ginawa namin masama para maging ganito ang trato mo sa amin ng Papa mo!" Hinatak nito ang batang babae sa damit dahilan para mapangiwi ito sa sakit. Bakas sa mukha ng babae ang sobrang galit sa batang babae.

Nasasakal ito sa ginagawa ng babae. Hindi na ito makahinga. Pero kung makikita ito, kalma lang ang itsura nito. Anong problema ng batang babae ito? Bakit wala siyang emosyon na pinapakita kahit nasasaktan na siya?

"Ba-Bakit ganyan pa din ang itsura mo?!" patabog na ihinagis ito ng babae. Tumama ang likod ng batang babae sa isang aparador. Napa-ngiwi ito sa sakit.

Gulat na lumayo ang babae sa bata. Dahan-dahan nito kinapa ang bagay sa kaniyang likod. Isang kutsilyo! Napangiti ang babae sa nahawakan niya. Sa wakas ay magagawa na niya ang bagay na matagal na niyang gusto. Ang batang ito ang sanhi ng pagkabagsak niya! Kaya dapat lang sa kaniya ay mamatay!

"Hayop 'kang bata 'ka! Ang mabuti pa sayo mamatay 'ka na lang!"

"Ha.. ha.. ha.."

Paulit-ulit na huminga at napalunok si Nali dahil sa panaginip niya. 'A-akala 'ko nakalimutan 'ko na. Bakit bumabalik pa din?' Napahawak ito sa kaniyang leeg at nakaramdam ng pawis. Akala niya ay totoo na ang nasa panaginip niya. Parang nandoon talaga ito at damang-dama niya ang bawat eksena. Isang linggo na niya itong panaginip at mabuti at nagigising pa siya.

Hindi niya sukat akalain na hanggang ngayon ay hinahabol pa din siya ng panaginip na iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit ito laging nagpapakita sa kaniya. Sino ba ang batang babae na iyon? Napa-buntong hininga na lang ito sa naalala.

Bigla itong nakaramdam ng init sa katawan. Mukhang naputulan talaga ng kuryente si Nali ng tuluyan sa kaniyang bahay na tinitirhan. Tumayo ito mula sa pagkakahiga niya sa kama. Hindi na siya nag-abala pang ayusin ang kaniyang higaan. Wala naman magagalit sa kaniya. Bakit niya pa aayusin?

Dumiretso ito sa lababo ng kusina at pinihit ang gripo. Mabuti naman kahit papaano ay hindi siya naputulan ng tubig. Kung maputulan 'man siya hindi na niya alam ang kaniyang gagawin. Mahirap na. Nagsindi ito ng kandila na nakita niya sa itaas ng hindi gumaganang refrigerator.

'Ibenta 'ko na kaya ito? Para may pang-bayad ako sa kuryente.' isip niya ng mayroon pagtataka. Maganda din ang kalidad ng refrigarator niya at pwede niya itong maibenta sa mataas na halaga.

Sinimulan nitong sinidihan ang mga kandila at inilagay sa mga sulok ng bahay. Mukha na itong parang isang haunted house. Medyo malaki itong bahay niya wala din naman gaanong laman.

Nagtaka ito dahil madilim pa din sa labas. Sumilip siya sa maliit na butas sa pader. Hindi naman ito gaanong kalakihan. Sakto lang para makita ang labasan. Madilim pa at walang dumadaan na tao. Siguro nasa alas-onse pa lang ng gabi. Napa-aga ata masyado ang tulog niya kanina kaya siguro naabutan pa nito ang gabi.

Nilapag niya ang huling maliit na kandila sa lamesa sa sala. Umupo ito sa sahig katapat ang maliit na lamesa. Sa harap niya ay ang kandila. Pinagmasdan niya lang kung paano ito sumayaw-sayaw dahil sa hangin na pumapasok sa bintana sa likod niya.

Ano na naman kaya ang gagawin nito bukas? Saan naman kaya siya kukuha ng pagkain. Gusto 'man niya pumasok sa klase, wala naman itong pamasahe. Huminga si Nali ng malalim kasabay nito ang pagkamatay ng apoy ng kandila. Napailing siya at muli itong sinindihan.

'Bahala na siguro bukas.' Susubukan nitong makabale sa mga katrabaho niya sa shop o kaya sa Boss niya. Kahit 'man lang pamasahe bago siya pumasok sa eskwelahan. Tumayo na ito at pinatay lahat ng kandila sa buong bahay.

Bumalik na muli ito sa kwarto niya. Dinala nito ang maliit na kandila kanina. Nilapag niya ito malayo sa tabi ng higaan niya at. Umupo muna siya saglit at nagisip-isip.

Buka nasa pangalawang taon na siya sa isang eskwelahan na huli sa kaniyang listahan na papasukan. Umiling ito. Ayaw nitong mag-inarte, pasalamat na lamang siya at tinanggap siya doon. Kahit halos wala na siyang pang-bayad sa kanila tinanggap pa rin nila ito.

Isa 'lang naman kasi ang tangging paraan para makapasok dun. Humiga na ito at nagkumot. Tumagilid siya kung saan nakalapag ang kandila. Pinagmasdan niya muli ang kandila na tila nakatayo dahil walang hangin na pumapasok sa kwarto.

Pumikit na ito at hinayaan na dalawin ng antok. Kailangan niya lang naman magpanggap hanggang sa makatapos siya ng pag-aaral. Hindi niya kailangan na mapansin ng iba sa eskwelahan na yun. Hindi din niya kailangan makipag-halubilo sa iba para pumasa.

Ang kailangan lang nito ay magpanggap at mabuhay mag-isa sa mundo kung saan wala ng tumanggap sa kaniya. Wala dapat maka-alam na nagpapanggap 'lang ito.

Sa isang mahirap na tao na katulad niya. Isang malaking biyaya na nakakapag-aral siya. Yung iba nga ay hindi na nakapagtapos dahil sa kahirapan. Kaya ito na 'lang ang kaniyang paraan para makapagtapos at mapatunayan sa kaniyang mga magulang na kaya niyang lumaki ng mag-isa at hindi humihingi ng tulong sa kanila.

Tuluyan ng naka-tulog si Nali. Sumunod na din na namatay ang apoy sa maliit na kandila. Bukas ay simula na naman ng panibagong kalbaryo ni Nali sa eskwelahan na hindi dapat siya naroon.

Habang tulog si Nali. May isang maliit na paru-paro ang sumulpot sa gilid niya. Lingid sa kaniyang kaalaman ang paru-parong ito ang babago sa buhay niya.

###

Sa next chapter ay first person's point of view muna tayo, OK?

So, what can you say about Nali's life?

Normal?

A Normie In An Odd SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon