The Odd School
♧
Isang oras na mahigit sumila noong nagsimula ang klase. Hindi na ako nag-abala pa na mag-madali. Ginamit 'ko ang oras upang makapagisip-isip. Inaasahan 'ko na ang mga salitang iyon galing kay Ate Ethel. Pero masakit pa rin sa pakiramdam na pati ang tadhana ayaw akong pagbigyan sa mga gusto 'ko.
Sana'y naman ako na laging mag-isa. Pero minsan naisip 'ko na anong pakiramdam kapag may mga taong naga-alala para sa iyo? Umiling ako. Hindi na bale. Kaya 'kong mabuhay ng mag-isa. Para ito sa sarili 'ko at sa para sa pangako 'ko sa aking Lola.
Isang matinis na tawa ang bumulaga sa akin. Napa-angat ako ng tingin. Nasa eskwelahan na pala ako. Hindi 'ko namalayan. Masyado 'ko ata inisip yung sinabi ng mga manghuhula na iyon. Tumindig ang balahibo 'ko ng muli 'kong narinig ang matinis na tawa na iyon. Kilalang-kilala 'ko kung kanino iyon galing.
Nauna ang grupo ng mga ito sa akin na pumasok. Ako naman gumilid sa mga ibang nilalang na ayaw tumabi sa grupo nila. Bakas sa mga ito na kinakabahan rin. Hangga't maaari ayokong maka-bangga ang mga katulad nila.
Kahit sabihin na hindi sila pwedeng manggulo habang nasa eskwelahan. Delekado 'ka naman pagka-labas mo. "Kung gusto ng gulo, doon sa labas ng eskwelahan," isa iyan sa BATAS dito.
Bago pa 'man ako makapasok. Tinignan pa ako ng nagbabantay kung dito nga ba ako naga-aral. Hindi na ako nag-taka. Napa-lunok ako sa tingin niya sa akin. Isa itong kalahating lobo at kalahating tao. Nakasuot ito ng security guard na uniporme pero halata pa rin na lobo ito dahil sa mga balahibo na lumalabas sa kaniyang mukha.
Pinakita 'ko ang I.D. 'ko sa kaniya. Inangat niya ang tingin sa akin. Kinilabutan naman ako at yumuko. Noong na-aprubahan ang I.D. 'ko. Mabilis akong pumasok sa loob. Mahigpit ang seguridad sa eskwelahan na ito. Kailangan masiguro nila na lahat ng nag-aaral dito ay hindi normal na tao.
Maliban sa akin.
"Ow.."
"Watch where your going, bitch!"
Napahawak ako sa braso 'ko. Ang lamig. Napangiwi ako bigla. Maliban sa giniginaw na naman ako. Ang naka-bangga pa sa akin ay ang grupo ng mga nakakatakot na nilalang. Tinignan 'ko ang likod ng nakabunggo sa akin. Isang kalahating dragon at kalahating tao. May buntot ito ng parang sa dragon. Kulay berde ang mahabang nitong buhok. Hindi 'ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod nga ito.
Huminga ako ng malalim. Ang ganda ng simula ng araw 'ko. Huminga ulit ako ng malalim. Hindi 'man lang sila humingi ng tawad. Pero okay 'lang. Mabuti na rin yun at hindi nila ako gaanong pinansin. Baka pag-tripan pa ako. Malaman pa nila na normal akong tao.
Dumiretso ako sa bulletin board ng eskwelahan. Sa kasamaang palad, marami rin mga kakaibang estudyante ang hinahanap ang pangalan nila. Bakit kasi hindi na lang kami binigyan ng slip para sa seksyon namin noong nag-enroll kami. Lalo lang nila kami pinapahirapan.
Ako. Pinapahirapan nila ako.
Hindi na ako nakipagsiksikan. Hintayin 'ko na lang na maubos sila bago 'ko tignan. Baka mamaya kung ano pang mangyari sa akin. Tumalikod na ako. Napako ang tingin 'ko sa mga kumikinang na pakpak ng grupo ng mga Fairy. Pinanliitan 'ko sila ng mata. Oo tama ako. Mga Fairy nga ang mga ito. Nakapalibot sila sa isang lalaki na naka-sandal sa bench malapit sa gate ng esklwelahan. Kumunot ang noo 'ko. Naka-pikit lang ang lalaki. Hindi ata nito napansin na pinagpyepyestahan na siya ng mga nilalang na ito. Sakit sa mata.
Kung titignan ito mukha itong normal na tao. Pero hwag makampante. May mga kakayahan ang nilalang na ito na magpanggap na normal na tao. Umiling ako. Hindi 'ko na sila problema.
BINABASA MO ANG
A Normie In An Odd School
FantasySa panahon ngayon, hindi na lang normal na tao ang nakatira sa mundo. Nagsisulputan na ang mga hindi inaasahan na nilalang. Para mapanatili ang kaayusan sa mundo, gumawa ng paraan ang gobyerno para mamuhay din ang mga ito na parang normal na tao. Ti...