The Warning?
♧
Mabilis akong nag-tago ng makita 'ko si Arvy sa labas ng gate. Bakit siya nandun? Bakit hindi pa siya umuuwi? Ilang beses 'ko siyang tinaguan kanina ng nasa library ako. Hindi 'ko alam kung bakit siya naroon eh, samantalang may klase kami. Hindi 'ko alam kung nang-aasar ba siya o ano. Kung saan ako lumingon nandun siya! Para akong masisiraan ng ulo.
Lumingon ako ulit kung saan 'ko siya huling nakita. Nakasandal siya sa gilid ng gate. Nagtitipa siya sa cellphone niya. Mukha siyang problemado. Ako kaya ang hinihintay niya?
'Mag-tigil 'ka nga Nali! Bakit 'ka naman niya hihintayin? Hindi 'ka importante sa kaniya! Bilisan mo na lang at mahuhuli 'ka na sa trabaho mo!'
Tumango ako sa sarili 'ko.
Mabilis akong nag-lakad at nag-tago sa likod ng estatwa. Wala naman sigurong naka-pansin sa akin? Sana wala na sa eskwelahan yung Pricipal. Takot pa din ako. Hays. Ayoko mapa-talsik. May gugustuhin 'ko pang makita ako ni Arvy kaysa makita ako ng halimaw na 'yun.
Nagsimula na akong maglakad ng mapansin ako ng ibang estudyante na nagtatago. Nakakahiya. Sabi na eh.
"You know what? Hihihi,"
Napalingon ako sa grupo ng mga Fairy na dadaan sa harap 'ko.
"I know right! Hihihihi!"
Puro sila hagikgik.
Napa-kamot ako sa baba 'ko. Parang kumislap sa isip 'ko, hindi yung glittering wings nila kundi isang ideya! Sumabay ako kanila habang naglalakad. Naharangan ako ng mga pakpak nila pagkadaan sa pwesto kung saan nakatambay si Arvy. Hanggang sa tuluyan na nga ako nakalabas ng gate. Kumaripas ako ng takbo papunta sa isang eskinita.
Yes!
Hindi niya ako napansin.
Sumilip muli ako kay Arvy para makita kung hindi niya talaga ako napansin. Para makalabas na rin ako ng eskinita. Iba ang amoy dito eh.
"Hmm?"
Tama ako. Hindi nga ako yung hinihintay niya. Bakit 'ka naman niya hihintayin? Lol, oo na. May lumapit sa kaniyang isang babae. Hindi 'ko maaninag ang itsura niya dahil medyo malayo itong eskinita na tinaguan 'ko. Nakita 'kong hinalikan ng babae si Arvy sa pisngi. Namula naman ang mukha nito. Bigla akong kinilabutan. Ang harot.
Umiwas na ako ng tingin.
OK.
Labas ako kung ano 'man 'yang relasyon niya sa babaeng 'yan. Hindi 'ko naman siya kaibigan o close. Heh. Ang mahalaga naka-labas na ako ng eskwelahan ng buhay.
Nang masiguro 'ko na wala na yung dalawa. Akmang lalabas ako ng eskinita ng may kamay na humawak sa balikat 'ko. Napa-pikit ako sa liwanag na papalapit sa mukha 'ko. Ano 'yun? Napahawak ako sa pader. Unti-unti akong napa-upo sa sahig. Ano yung tumama sa ulo 'ko? Kinapa 'ko ito. Ma-may basa. Nanginginig 'ko tinignan ang tubig na tumulo sa daliri ng kamay 'ko.
Dugo?
Pa-paano..
Isang matangkad na matabang lalaki ang naka-tayo sa harap 'ko. Maaga pa naman pero hindi 'ko makita ang mukha nito.
"Si-sinong―ah!"
Bumungisngis ito. May mahapdi na dumikit sa balikat 'ko.
Tulong.
-*-
"Buksan mo ang mga mata mo,"
Na-alimpungatan ako sa umalog sa akin. Sino 'yun?
BINABASA MO ANG
A Normie In An Odd School
FantastikSa panahon ngayon, hindi na lang normal na tao ang nakatira sa mundo. Nagsisulputan na ang mga hindi inaasahan na nilalang. Para mapanatili ang kaayusan sa mundo, gumawa ng paraan ang gobyerno para mamuhay din ang mga ito na parang normal na tao. Ti...