You leave me

2 1 0
                                    

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
Una kong nakita ang gray-painted ceiling. Kailan pa naging gray ang pintura ng dorm namin?
Napahawak ako nang mariin sa ulo ko nang maramdaman ko ang pagkirot nito.

"Are you sober?"
napadilat ang mga mata ko nang marinig ko ang isang baritonong boses ng lalaki.
Kaya pala, kaya pala naging gray ang kisame kasi hindi ito ang dorm namin. Kung ganon, nasa'n ako?

Natigil na lang ako sa pag-iisip nang may naglapag ng pagkain sa kama.
Dahan-dahan kong iniangat ang paningin ko.
Sabihin niyo panaginip lang 'to.
Sabihin niyo isang bangungot lang 'to.

"Good morning"
Agad akong napabalikwas sa kama habang tangan-tangan ang kumot.
"Wag kang lalapit sakin"
"Woah! relax. Wala akong masamang gagawin sayo."
Inilibot ko ang paningin ko, at nakita ko ang jacket ko.
Agad akong nagpunta do'n at hinablot 'yon.
Nasa pintuan na ako nang bigla siyang magsalita.
"Can't you just say thank you?" di ko alam o ako lang ba ang nakapansin na malungkot ang tono ng boses niya.
Nilingon ko siya.
"S-salamat"
Binuksan ko ang pinto.

"You leave me... again"
Patakbo akong lumabas ng condo niya.


Hindi ko alam kung may balat ba ako sa pwet o talagang malas lang talaga ako.

While We Were Under The RaindropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon