This Time

5 1 0
                                    

Habang naglalakad, sinasampal ko ang sarili ko. Bakit?
Bakit sa dinami-rami ng taong pwedeng tumulong sakin bakit si mr. not important pa na 'yon.
Arrgggg.....

Kung alam ko lang, sana 'di na lang ako uminom. Hindi! Sana pala 'di na ako sumama.

Hindi ko ugaling magkaro'n ng utang na loob sa iba. Kaya hindi ako sanay sa mga ikinikilos niya. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang gagawin ko.

Ahhh!!! bahala na. Ang mahalaga 'di na magtatagpo ang landas namin.

FAST FORWARD•••••

"Lorri... sa'n ka ba kagabi? Nawala ka na lang bigla pagkatapos mong pumunta sa c.r. Alalang-alala ako sayo. Sa'n ka ba natulog kagabi?"

"Okay lang, ayos lang ako. 'Wag mo na akong alalahanin"

"Kung alam ko lang na lalasingin ka lang ng mga kumag na 'yon, sana 'di na kita isinama. Eh kung napahamak ka. Lagot ako kay Sir Jav---"

Kinunotan ko siya ng noo.

"Ah--ahhh ang ibig k-kong sabihin... lagot ako sa nanay mo. Takot ko lang no.. baka multuhin pa ako no'n.."

'Di ko na lang siya pinansin at nagtungo sa loob ng dorm.

Nakahiga ako sa kama ko habang nakatitig sa kisame.

Ano kaya ang mangyayari sa buhay ko kung buhay pa ang nanay?

Napansin ko ang pagpatak ng luha ko kaya napagpasyahan ko munang matulog.

Maya-maya pa, nagising ako sa pagtitili ni Leona.

"Wag ka ngang maingay Leona" saway ko sa kanya.


"Eh, sorry na naman."

"Bakit ka ba nagwawala diyan?"

"Lorri... guess what?"

"Ano?"

"'Yong matagal ko ng iniistalk sa I.G, si  Zero Matthews. Papasok siya sa school natin!!!!!"

"So?"


"So? Anong so? Anak siya ng isa sa sikat na business tycoon sa lugar natin. Aba dapat lang na magwala ako. Kapag talaga nakasalubong ko 'yon? Naku, yayakapin ko talaga siya."



"Kung ako sayo, matulog ka na lang. Alam mo naman ang mga katulad nila, mga manloloko."

"Ayyyy... pambihira ka naman Lorri, wag mo namang lahatin. Iba 'yang si Zero. Balita ko siya ang nag-organize ng foundation na Paint A Smile. 'Yong tumutulong sa mga batang biktima ng karahasan. He really had the passion to help other people."


Tinaasan ko siya ng kilay.



"Sige na nga, matulog ka na lang ulit diyan. Wala ka namang interes sa sinasabi ko. Naku! 'pag ikaw talaga makakakita ng isang Zero Matthews, your so lucky girl. Gwapo na nga sobrang bait pa."


Tss.



Kinabukasan.....

Buti na lang maaga akong nagising kaya hindi ako nababahalang mahuli sa klase.

"Para... dito lang po ako manong"

Kukunin ko na sana ang pamasahe ko nang wala akong mahagilap na pera sa bulsa ko. Medyo kinakabahan na ako. Yari ako nito. Bakit sa dinami-rami ng pwede kung malimutan, ang pera ko pa.


"Ano miss? Bababa ka ba?"


"Ah...ehh manong..."

Papano ko ba 'to sasabihin

Inabutan ako ng pera ng isang ale.

"Ibayad mo na. Baka mahuli ka sa klase mo." sabi nito habang nakangiti.

Ayaw ko sanang tanggapin kaso wala na akong choice.

"S-salamat po"

"Ahh.. manong ito na po ang bayad ko."


Pagkababa ko ng jeep. Lumingon ako sa babaeng nagbigay sa akin ng pera. 'Di ko mapigilan ang pagngiti.


Dali-dali naman akong nagtungo sa paaralan namin.


"Your 1 minute and 24 seconds late Ms. Del Pueblo"

Napapikit ako sa inis.
Kung 'di ko lang sana nakalimutan ang pera ko, eh 'di sana hindi ako nahuli sa klase.

"Sorry po sir"


"We have an urgent meeting at the faculty room. Kaya pumasok ka na at maupo riyan."


Agad ko namang sinunod ang sinabi niya.

Tahimik lang akong nagsusulat ng notes nang biglang nagtititili ang mga kaklase ko.

Napaangat naman ang tingin ko.
Bumungad agad sakin ang matikas na tindig ng isang lalaki.

Ginapangan naman ako ng kaba nang napatingin siya sa banda ko kaya agad kong tinakpan ang mukha ko.


"Bakit siya nandito?" tanong ko sa sarili ko.

Natauhan na lang ako nang makarinig ako ng tikhim.

"Can I sit beside you?"

Ano? Gusto niyang tumabi sakin?


"Hindi/Oo naman"


Natigilan ako ng nakatingin na pala sakin ang lahat ng kaklase ko.

"Dito ka" alok ni Carol. Siya pala ang tinanong ng lalaki kung pwede bang tumabi siya ng upo.

"Thank you"

Nakakahiya!

Napatuwid naman ako ng upo nang maramdaman kong nakatitig siya sakin.


Halos buong klase, walang pumasok sa utak ko. Buti na lang at hindi pa nakakabalik si Mr. De Guzman.


Nang natapos na ang period nang klase, dali-dali kong hinanap si Leona.


Nasa'n na ba kasi ang babaeng 'yon..


"Lorri!"


Napatingin naman ako sa babaeng kumakaway sa akin.
Hay, buti na lang at hindi ako pinahirapan sa paghahanap.


May inabot siya sakin.


"Ano 'to?" tanong ko.

"Malamang baon mo 'yan. Eh sa pagmamadali mo. Hindi mo na naisipang dalhin 'yan"


Napatingin naman ako sa bag ko.


Ang clumsy ko talaga. Nakalimutan ko na nga ang pera ko pati ba naman 'tong baon ko.


"Naku, salamat ah"

"Wala 'yon" sagot niya.

"Siya nga pala Lorri, kyaaaaah!!!!"


Agad akong napatakip ng tenga.



Somewhere there's someone who dreams of your smile

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

While We Were Under The RaindropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon