NAKU! Na-late na naman ako! Hindi sana ako mali-late kung hindi ko nakita iyong nakapaskil na hiring sa Barista Express, coffee shop iyon na malapit sa area kung saan ako umuupa.
Kailangang-kailangan ko ng trabaho kaya napa-apply tuloy ako ng wala sa oras. Sayang kasi kung palalampasin ko ang pagkakataon, mukhang sosyal pa ang coffee shop kaya sana malaki ang pasahod doon.
Nagpasa agad ako ng biodata dahil baka maunahan pa ako ng iba, ang kaso ay resume pala ang hinahanap nila. Mabuti na lang talaga at napilit ko iyong manager ng shop na to be followed na lang ang resume ko.
Hindi ko lang alam kung makakapasa ako matapos ang interview ko. Inaantok pa kasi ako at hindi ako nakasagot nang maayos sa mga tanong. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos. Hindi nawala sa isip ko iyong nangyari kagabi.
Paano nga ba nangyari iyon? Bakit ko nga ba niyakap ang pesteng lalaking iyon?
Para kasi akong lasing sa kalungkutan kagabi. At nagkataong siya lang ang naroon kaya ko nagawa iyon. Wala sa sariling nayakap ko si Rix Montenegro dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman ko.
Ipinilig ko ang aking ulo. Ayoko ng maalala iyon. Hindi ko naman sinsasadya, nadala lang ako. Pero niyakap ko siya. At niyakap niya rin ako. Umiyak ako at nakasubsob ang mukha ko sa matigas na dibdib niya.
Napangiwi ako. Pagkuwan at sinampal ko ang sarili. May mukha pa ba akong maihaharap sa kanya pagkatapos ng yakap na iyon? Wala akong ibang nagawa buong magdamag kundi sisihin ang sarili ko. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko: bakit ko ba nagawa iyon?!
Binatukan ko ang aking ulo. Ngunit panandalian ay nagliwanag ang mukha ko nang may isa pa akong maalala. May nangyari pa rin namang maganda kagabi. Iyon ay ang pagkabusog ko sa manok na dala niya.
Hay, isa pa iyon sa hindi mawala sa isip ko. Hindi mawala sa bibig ko ang lasa ng pritong manok na dala ni Rix kagabi. Matagal na kasi akong hindi nakakakain ng manok. Ang sarap talaga!
Thinkful na rin dahil sa dala niyang pagkain – wait. Thankful pala.
Thankful na rin ako sa kanya dahil may dala siyang pagkain. Nakatulog ako nang may laman ang tiyan.
Tagaktak ang pawis ko bago ako nakarating sa aming classroom. May jeep at bus na nga pala kanina kaya ang saya. Ang problema lang, wala talaga ako kahit singkong barya, kaya naglakad pa rin ako papasok.
Nakasalubong ko ang aking mga kaklase na palabas ng pinto. Si Gracia ang bumati sa akin. "'Insan, bakit ngayon ka lang?" Bumulong siya sa akin. "Yari ka kay Prof. Mainit ang ulo niya, malamang pag-iinitan ka na naman."
Napalunok ako. Pagod na nga ako, puyat, at wala pang laman ang tiyan dahil walang almusal, mapag-iinitan pa. Ang saklap namang kapalaran.
"Kanina ka pa niya hinahanap. Akala yata absent ka. Dalian mo na, pumasok ka muna roon, magpakita ka."
Napalunok ako. Hindi ko yata siya kayang harapin matapos ang nangyari kagabi. Hello? Nagdikit lang naman ang aming katawan. Para sa akin, big drill na iyon.
BINABASA MO ANG
The Wrong One (BOS: New World 2)
RomanceHendrix Ybarra is your college professor by day, your manager in your part-time job by night, and your gorgeous in-denial stalker 24/7! -------------------------- Hendrix Ybarra Montenegro BOS #2 Black Omega Society New World ©Jamille Fumah 2019