Chapter 8

299K 11.7K 2.4K
                                    

NAPASANDAL muna ako sa pader nang ilang minuto. Iniisip kong mabuti kung paano ko sasabihin kay Marlon na wala akong nautangan.


Mayamaya ay pumasok na ako. Sumalubong sa akin ang galit niyang mga tingin. "Kahapon pa kita tinatawagan, bakit hindi mo sinasagot?!"


Napayuko ako. "Sorry. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa 'yo..."


"Sasabihin na ano? Na niloloko mo lang ako? Na pinapaasa mo lang ako?"


Napapikit ako nang mariin. Parang gusto ko ng maiyak. "Hindi sa Ganoon, baby. Wala lang talaga kasi akong mautangan..."


Napamura siya.


"Pero, baby, wag kang mag-alala. May trabaho na ako. Pag-sahod ko, mag-aabot ako sa 'yo."


"Kailan pa? Kapag tapos na ang exam ni Shena? For Pete's sake, Martina! Kahapon pa namin hinihintay ang pera! Sabi mo mangungutang ka?!"


"S-sorry..." Pumiyok ako. Pinipigilan kong wag maluha. "W-wala kasi akong mautangan."


Dinampot ni Marlon ang unan at ibinato sa kung saan. "Gumawa ka naman ng paraan! Hindi ka naman kasi gumagawa, eh!"


"B-baby, gagawa ako ng paraan. P-promise, bukas mangungutang ulit ako."


Nahiga siya sa hospital bed niya at tinalikuran ako. Narinig ko ang pagsinghot niya at mahinang paghikbi. "B-bakit kasi sa akin nangyari ito?"


Napabuntong-hininga si Marlon saka malungkot na umiling.


"B-bakit pa kasi ako nalumpo? Bakit?!" Garalgal ang tinig niya. "Bakit ako pa?!"


Naglandas na ang mga luha ko. Awang-awa ako sa kanya. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya mula sa likuran. "S-sorry, baby..."


Tinabig niya ang kamay ko. "Bakit kasi ako ang nalumpo? Bakit hindi na lang ikaw?"


Nanlalambot akong lumayo sa kanya. Paglabas ko ng pinto, napahagulhol ako mag-isa.


Sana nga ay ako na lang ang nalumpo. Para sana ay hindi siya nagkaganito. Para sana ay hindi siya nagbago. Para sana ay mahal niya pa rin ako.


....


PINANINGKITAN ko ng mata si Gracia nang mapansing ko na kanina pa siya nakatitig sa akin. "Ano na naman 'yang mga tingin mo riyan, 'insan?"


"Naaawa ako sa 'yo, 'insan." Nasa canteen kami ng mga sandaling ito. "Bakit kasi kinalaban mo si Prof M? Iyan tuloy, naghihirap ka ng ganyan."


"For your transformation, hindi ako nahihirapan!"


"Anong transformation? Baka information?"


Umirap ako. "Basta iyon na iyon!"

The Wrong One (BOS: New World 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon