Chapter 1: Acquaintance

281 10 0
                                    

- Kayla's POV -

First day of class...first year college na po ako, dito sa Clarkson University. Ako nga pala si Mikayla Jade Parker, 17 years old and is currently taking up BS Communication Arts. Haaay...total loner ako ngayon...idagdag mo pa yung pagkakahiwalay ko sa bestfriend kong si Nicole.

Anyways, andito ako ngayon sa mini-cafeteria ng campus namin...and unfortunately, Ridin' Solo and theme song habang nasa sulok nang biglang....

Nagulat ako and medyo natakot ng biglang may humawak sa right shoulder ko sabay sabing " Kamusta first day? "

"Ay putris!" sabi ko sabay lingon dun sa humawak sa kin.

"Grabe naman 'to" umupo siya sa tabi ko.

Napakunot noo ko then tiningnan siya ng mabuti...

"Oh, ba't ganyan ka makatingin, ha, Kakai?" sabay ngiti.

Oo, oo siya nga to!

OMG!!!

"Ah eh..." tinignan ko uli siya then hinawakan sa mukha. "L-lo..."

"Psssh!" tinakpan niya bibig ko. "Huwag mo nang ituloy yang sasabihin mo"

Aaaaaaah! 

Tinanggal ko yung kamay niya, "Loy? Ikaw na yan?!" na eexcite na sabi ko.

Napapalo siya sa noo niya.

"Aiiish! Sabi ko wag mo nang banggitin yun eh. Oo, ako to. Tsaka bakit? Ganun na ba kalaki ang improvement ng pagka pogi ko?" saka siya kumindat.

Nagkunwari akong nasamid. "Oh my goodness! Kinilabutan naman ako dun."

Pero totoo nga, ang layo niya na sa JOLOGS kong kaibigan.

"Wow naman, parang wala tayong pinag---"

Biglang may tumawag sa kanya..." Imperial! Tara na! Magpapasa pa tayo ng forms."

Form?!

First day pa lang ng klase may ganyan na agad?

"Sige, sunod na lang ako, bro" tumango yung mga pogi...i mean, kabarkada niya siguro tapos tumalikod rin.

Yumuko naman siya then kinuha yung phone niya sa bag.

"Save mo naman number mo." nagmamadaling sabi niya

"Ah..eh.." pakipot effect?

Hahaha, joke! Kinuha ko yung phone niya then si-nave yung number ko.

"Text kita mamaya, ha" tumayo na siya habang ako, medyo natatawa pa rin dahil finally may kakilala na ko.

"Uh..si-sige" 

"Bye ganda!" sabi niya sabay takbo pasunod sa mga kasama niya.

"Ha?!" gulat na sagot ko pero deadma na.

Nilingon ko relo ko, 30 minutes before my nest class, kaya lumabas na rin ako. 2nd floor pa kasi ako eh...

~~~

Pagpasok ko sa room....ANG INGAY!!!

Hindi sanay ang lola niyo no...Hahaha. Para makapag moment ako, dun ako pumwesto sa likod...yung malapit sa aircon. Ngayon nga lang ako nakakita ng mga taong ayaw tumabi sa aircon eh kasi bakante pa yun seat, pero yung mga nasa harap, halos nag-aagawan na sila.

Anyways, since wala pa yung professor namin, allow me to share some stuff about myself at kung anong meron samin nung pogi kanina...~le smiles~

Well, siya si Lance Angelo Imperial. Loloy for short. Kababata ko...and also, my bestfriend...before? Ah basta! From pre-school to 5th grade, classmate ko siya. Kasi bestfriends yung mommy ko and mom niya...Gets niyo na siguro kung anong connect.

Pero nung 6th grade, we had to move sa Virginia, USA...Elkton, Virginia to be exact because of my dad's work. Dun ko na rin tinuloy studies ko...Pero ngayong college, balik-Pilipinas kong Mahal na ang peg ko. Pure American ang dad ko and proud Pinay si mama, tapos may isa akong kuya, Kenneth Drew, 3rd year college na siya dito rin sa C.U.

Curious kayo kung bakit ako nagtatagalog?

Well, it's because takot akong multuhin ni Dr. Jose Rizal. Hahahahahaha! Joke!

Wala lang, sadyang marunong lang ako, tsaka laging wala sa bahay si dad kaya no reason para mag english palagi.

"Okay class. So since it's our first day...orientation and introduction lang muna tayo. Let's start with you, the lovely lady at the back" narinig kong sabi nung girl na nakatayo sa harap.

o______o 

OMG!

"A-ako?!"

Love Or InfatuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon