Chapter 8: Banana Cake :{)

108 3 1
                                    

- JADE'S POV -

Pagbalik ko sa unit ni kuya, wala na si Lance. Kinulit ko siya sa pagtatanong kung ba't hinayaan niyang umalis si lance pero isa lang yung paulit ulit niyang sinasagot sakin...Natakot daw kasing ma-HOT SEAT sa akin.

Haaaay, Lance. Ano bang nangyayari sayo...?

Dahil dun, sinubukan ko siyang itext at tawagan...pero FAIL!

Ano ba talagang meron?!

~~~

After 1 week, hindi ko masyadong nakita tsaka nakasama si Lance. kasi everytime i try to look for him, laging may pumapalit. Syempre, instead naman na i-ignore ko siya, sinasamahan ko na rin. Pero sa totoo lang, nararamdaman ko sa kanya yung gusto ko maramdaman galing kay Lance...

Haaaay, Zac... thank you.

Kaso kakabit nun, may isang bagay na nagpapagulo sakin...

"Teka...totoo nga talaga kaya yun?"

"Kaya siguro hindi siya nanliligaw..."

Those are what i heard as i enter our classroom...

Lumapit ako kay Meaghan.

"Meg, what's up with them? Anong tsismis?" hehehehe. interrogation nanaman? :p

"Uhm...well...may kumakalat kasi about Zac."

Umupo ako sa tabi ni Meaghan, "Kumakalat na ano? Nakakahawang sakit? Nakakamatay? Ano?"

"H-ha?! Ahehehe...hindi. Uhm...kasi...hindi ko alam kung paniniwalaan mo ako. Kasi masyado na kayong close eh."

"Tss! Just go straight to the point, girl."

"Okay fine." she rolled her eyes, "Kasi..si Zac..."

Kinakabahan ako...

Bakit? Si Zac? Anong meron? Anong kababalaghan ang nangyayari?

"May kumakalat na issue dito na-----"

"Hi Zac!!! Hi Lance!!"

"Hello mga pogi!"

"Andyan na sila! Quiet na!!"

"Hi Xander!"

Nagsibalikan na sa normal yung mga echosera naming classmates. Pati tuloy ako, napaupo na sa pwesto ko...Haaaay, magkakalapit lang naman kami ng upuan, pero bakit hindi pa rin ako updated kay Zac?!

Natapos nanaman yung araw na wala pa rin akong idea kung anong issue yung meron kay Zac. Tapos eto namang si Lance, kung makaiwas ng tingin para namang ako si Medusa na magiging bato siya pag nagkatitigan kami. -____- Pero curious pa rin talaga ako dun sa sugat niya sa mukha.

~~~

Dahil boring sa unit ko, lumabas muna ako. Nagpaalam ako kay kuya tapos pumunta ako sa may park. Dala ko yung gitara ko, dun muna ako nagpalipasng oras. Tinugtog ko yung "Realize" ni Colbie Caillat...hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng kantang alam kong tugtugin, yun pa talaga yung inistrum ng mga daliri ko. And next thing i know, tears are already streaming down my face...

May kumakalabit sa balikat ko, "Miss, okay ka lang?"

Tumango ako...

"Jade?" umupo siya sa tabi ko.

Nilingon ko siya habang medyo nakatakip yung mukha ko.

Oh gosh!

Bakit ngayon pa?!

"Zac?!" inayos ko yung mukha ko, "Gosh! What are you doing here?"

Napangiti siya...ang gwapo!

"Napadaan lang ako...galing kina Brian. Eh ikaw? Tsaka bakit ka umiiyak?"

Hindi ko alam, Zac...

"Uhm...kasi...hindi ko din alam eh. Biglaan lang."

"Pwede ba yun? Ikaw talaga. Umiiyak ka na nga, nakukuha mo pang magbiro."

"I'm serious. I really don't know..."

"Fine. But i bet you have to go home now. Pagabi na and i don't want you to be in trouble."

Puso mo, Jade...

Easy lang...

Concerned Citizen lang siya...

"Sige, una na ako..." sabi pagkatayo after maayos yung gamit ko.

"Hindi. Let me take you home. Konsensya ko pa pag may nangyari sayo." tumayo na din siya.

Ayun, napasabay ako sa kanya pauwi.

Bakit ba kasi di pa ko ligawan neto eh. Chos!!!! >.< landi mo, Jade!

- LANCE'S POV-

Papunta sana ako kina Jade para bigyan siya ng favorite niyang Banana Cake. nag bake kasi si mama tapos naalala ko siya, kaya nagpagawa pa ako ng special. Pero nung malapit na ako sa condo unit niya, nakita ko siya sa may pinto...okay pa sana eh yun eh...kaso may iba pa akong nakita...si Zac. Napa atras ako... naghanap muna ng pwedeng taguan. Nagstay ako dun hanggang sa umalis si Zac. Nung wala na, lumapit ako sa unit ni Jade.

* tok tok *

Binuksan ni Jade.

"L-lance?!"

Ngumiti ako, "Uhm..hi...?"

"P-pasok ka muna."

"Ah, eh. Hindi na, ibibigay ko lang sana to sayo." inabot ko yung box ng cake then tumalikod na ko.

"Lance Imperial!!!!!" bigla siyang sumigaw, kaya napahinto ako.

Pagharap ko...

"Hoy Lance!!!" lumapit siya sakin

"B-bakit?" galit na ba to? o nananakot lang? hehe.

"Iniiwasan mo ba ako?!"

Oo, Jade...sorry.

"H-ha? Iniiwasan? Hindi ah...Ba't mo naman nasabi?"

"Eh mag iilang buwan na ko sa Pilipinas, hindi pa rin tayo gumagala!"

"Sorry ha. Hindi lang talaga pantay schedule natin."

Nagtaas siya ng isang kilay...

"Anong hindi pantay?! Pareho lang tayo ng course, pareho tayo ng vacant time, paano mo nasabing hindi pantay?!"

"Ah eh...B-basta." umiwas ako ng tingin.

"Lance" hinawakan niya ako sa mukha, "Pag gusto, may paraan, pag ayaw, may dahilan."

Jade, i'm sorry.

"Ah, sige Jade. Next na lang." tumalikod na ako saka nagmamadaling umalis. 

Narinig ko siyang tinawag ako pero hindi na ako lumingon.

I'm really sorry, Jade...

Love Or InfatuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon