Chapter 5: My brother...my BF?! o.O

119 4 0
                                    

- Jade's POV -

Nalilito talaga ako sa nangyayari. Unti unti na akong nakakapag move on kay Brix...yeah, yeah, tama kayo. He's my boyf...i mean, EX-boyfriend. It was hard for me to accept na we had to break up. Paano ba naman kasi, he LIED to me. 

Sabi niya, susunod siya sa akin dito pero naka enroll na ako't lahat lahat, wala pa rin siya. Nalaman ko na lang, he's already going out with someone new. 

Haaaaay! First day of class pa naman yun...pero nakalimutan ko yun little by little because of Lance. Akala ko pa naman, he'll help me move on. Pero ngayon, bakit ang cold niya sakin? 

I mean, parang wala lang ako sa kanya, simula nung time na sinabi niya sakin na he MISSED me...

~~

"Jade, okay ka lang? Kanina ka pa tahimik diyan ha. Nakakapanibago tuloy."

Napabalik na lang ako sa kamulatan nang sabihin ni kuya yun.

"H-ha? Uh, well. Yeah, I'm okay."

Napangiti si kuya, "Do you have anything to tell me, my little sister?"

Lakas ng instincts ng kuya ko no?

"Uhm...well...kuya, paano mo ba malalaman pag naka-move on ka na sa ex mo?"

Sumeryoso naman yung expression ng mukha niya.

"Sis, dahil pa rin ba yan kay Brix? Yung ungas na yan? Alam mo kasi, depende yan. Siguro, malalaman mong you've completely forgotten about him kapag hindi na siya big deal sayo. Tsaka kapag may napupusuan ka nang ibang lalaki."

"Huh? Napupusuan? What was that supposed to mean?" tanong ko. Sorry ha, e-engot engot pa ako eh. 

Natawa naman siya, "I mean, when you're starting to entertain other guys. Wait what? Teka! Ba't ba ganyan yang mga tanong mo?"

"Well, you see. It was a bit strange pero the past few weeks, hindi na ako masyadong na-ba-bothered with his memories and whatever."

"Talaga? Well, that's great. You don't deserve that sucker anyways."

Natawa naman ako "Kuya naman eh. And there's also this guy, though i'm not sure about this pero i feel my heart skippin' a beat when i'm with him."

"What?!" nagulat naman ako dun. OA lang kuya? OA?! 

Natawa-tawa lang ako sa reaction niya.

"Hey, young lady! Don't tell me you're entertaining suitors without my permission" sermon ni bro.

"Duh?! Sino ba nagsabing he's courting me? I don't even know if i'm his type" sabi ko naman.

Napahinga siya ng malalim. "Okay then, akala ko, you broke our deal."

"Pwede ba yun? I guess not. A deal is a deal. And you know you can count on me, kuya."

"Ayun naman pala eh. Dahil dyan, libre ko snack natin"

Ayun. Sakto! Nasa tapat kami ng Mcdo.

"Tsaka teka, pwede ba?! Ken ang itatawag mo sakin. 2 years gap is not a big deal." kumindat siya then lumabas ng car.

Haaaaaaaaaay! Ang swerte ko talaga sa kuya ko!

Aso't pusa? Kami? Hell no!!

Para nga kaming kambal eh. We have almost the same interests and dislikes. Kaya thanks po sa author for giving him to me! :)

~~

I spent the rest of the day with kuya...I mean, KEN. Pero today, mas naappreciate ko yung brother side niya. Paano ba naman kasi...

- FLASHBACK -

Sa mall...

Nakaupo ako sa may bench sa tapat ng Vans stall kasi may binili si kuya.

"Hi miss" may biglang tumabi saking lalaki.

"Get off me!" napatayo agad ako.

"Anong nangyayari dito?" sakto namang lumabas si kuya.

Hinawakan nung lalaki yung kamay ko. "Wag ka makialam, tol. Syota ko to. Halika na babes."

Tinapik ni kuya yung kamay nung guy. " Anong syota? Eh girlfriend ko to eh." saka siya umakbay sakin.

"H-ha? Ah eh..." saka dali-daling umatras sabay takbo paalis yung guy.

Sira ulo din tong kuya ko no? Anong girlfriend pinagsasabi neto?

Tumatawa-tawa lang siya.

"Girlfriend?! Kuya okay ka lang?" tumingin siya ng nakakaloko.

Tinanggal niya yung pagkaka akbay sakin. "Ayaw mo? Teka, dito ka lang at tatawagin ko yung manyakis na yun at ipapa-rape kita." sabay talikod.

"Ha?!" hinabol ko siya at hinila sa braso. "Teka uyy!!! Kuya you're sooooo mean! I'm just curious. Why of all relations na pwede mong sabihin, eh yun pa."

"Bakit? Pag sinabi ko bang tatay o kuya mo ako, tingin mo maniniwala din yun? Eh kung tutuusin masyado akong bata para sa ganun no."

"Okay fine! Sorry na." hindi siya sumagot.

"Aaaarrrrgh!!! Haaay, oo na nga! Sagot ko na isang set ng guitar strings mo.!"

Ngumiti siya.

"Madali ka naman palang kausap eh."

- END OF FLASHBACK -

Dun ko na appreciate lalo si kuya. OVER PROTECTED ako sa kanya and I LOVE IT! I feel so secured pag siya kasama ko. Sana tulad din niya yung future...boyfriend ko.

Pero may something pa rin eh. I feel....INCOMPLETE. And i know, isang tao lang ang makakasagot neto...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

... si LANCE.

Love Or InfatuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon