Chapter 4: The Avengers!

171 9 0
                                    

- Jade's POV - 

Lumipas ang ilang weeks, unti- unti na rin akong nakaka-adjust sa paligid ko. Nagkaroon na nga ako ng bestfriend eh, si Meaghan. Classmate ko rin siya. Pero kung may friend, syempre, hindi mawawala ang haters. 

Ewan ko ba! Hindi naman ako artista at totoo rin namang hindi ko kamag anak si Peter Parker / Spiderman. ~waley~ But why hate?

"Jaaaaaade! Tara muna sa labas. May kukunin lang ako sa locker ko." habang nakatayo siya sa tabi ko ng upuan ko.

"Meg, do we really have to leave now? Baka dumating bigla si prof..."

"Eh? Saglit lang naman eh. Puuuuhleeeease...." niyuyugyog niya na yung braso ko.

Biglang may sumabat na ewan kung san nanggaling...

"Sige na, sumama ka na. Para mabawasan naman tong hangin dito sa room. Puro carbon dioxide na eh" sabay tawa. 

Kung hindi ako nagkakamali, sila din yung mga palakang laging ansama makatingin sakin.

Shoot! Sumagot naman si Meg.

"Magtigil ka nga Vanessa! Kung kami, Carbon Dioxide, ano ka? Methane? O baka naman Ammonia?" at yun nga, tumawa ng mas malakas yung classmates namin na may halong kantyaw.

"Meg, tama na" pabulong na saway ko. Ayaw ko na kasing palakihin tong mga ek-ek ng mga palakang yun eh.

"Di ba mapanghi yung amoy ng ammonia? Naku patay ka, Vanessa!" sabat naman na forever pasaway na si Xander.

"Haaaaay. Kumpleto na ang Avengers! Dami mo nang super heroes, Kayla. Nasayo na ang Past Five tapos pati si Meaghan kampi rin sayo. Tell us, ano bang meron ka, ha?!" sabi uli nung Vanessa ba yun, sakin.

Tumayo naman si Zac, " Van, pwede tama na?! Nakakarindi na kayo ah!" bigla namang natahimik lahat. Yung as in lahat sila napa -> O____O

"Halika na nga, Jade. Daming epalers dito" sabi ni Meg sabay hatak sakin palabas. 

Hindi na ko umimik, in fact, nakita niya akong medyo teary eyed na "Tara muna sa mini park"

After nun, wala nang umimik. Diretso na kami dun, nagpalamig ng mood...

~~

Natapos yung araw na antahimik ng klase. Simula nung nagalit kuno si Zac, tumino na yung ibang classmates namin. Curious kayo kung bakit ang lakas ng impluwensya niya? Well...siya lang naman ang anak ng may ari ng University na ito. Kaya spoiled siya, pero sa school, ayaw niyang matrato ng ganun. Yun ang isa sa good qualities niya. He's trying to be as down to earth as he could...pero pag yan tinopak, sorry ka. Mabubusog ka sa mga pantitrip niya.

Anyways, pauwi na kami ni Meg nang biglang...

"Jade!" napalingon naman kami at may nakitang limang poging patakbo samin.

"Uwi na kayo?" tanong ni Lance

"Ayy hindiiii! Papasok pa lang, eto nga oh, pupunta na sa may gate. Obvious ba?" sagot ni Meg

Hinawakan ko naman braso niya. "Why so sarcastic, Meg?" nginitian ko si Lance. Syempre, ayokong na-gaganun si besplen. "Well, yeah. Bakit?"

"Gusto niyong manuod ng rehearsal namin?" sabi naman ni Zac

"Rehearsal?! Talaga?? Sige, sama ako!" napa-palakpak naman si Meaghan.

Love Or InfatuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon