Chapter 8

34 5 0
                                    

Yelrish's Pov

Maghapon lang akong nakahiga sa kama ko. And by the way nandito ako sa condo ko. Sobra akong napagod sa paglilibot sa supermarket nayun. Jusme. Hinihintay ko nalang na dalawin ako ng kaluluwa ni antok at makatulog na ako hindi maman ako nabigo dahil bigla na lamang itong nagparamdam sakin at tuluyan na akong naka tulog.

Kinabukasan mataas na sinag ng araw ng magising ako, tinignan ko ang orasan ko kung anong oras na ba it's 7:30 am. Gosh ang haba pala nang naging tulog ko. Agad akong bumangon sa kama ko at dumiretso sa Cr para maligo't mag-ayos, pupunta kasi ako ulit sa cafe nila Chloe.

*Cafe*

"Mabuti naman at dumating kana. It's 8:15 na" nakasimangot agad na bulyaw sakin ni Chloe.

"Eh hindi ko namalayan ang oras eh napasarap yung tulog ko, 8:15 palang naman mamaya pang 9:30 yung service"

"Oo nga, pero pinaghintay mo pa rin ako"

"Sorry na. Tsaka pwede ba tama nang kakasermon mo. Halika na dadaan pa tayo sa bahay may kukunin lang ako"

Pagkalipas ng ilang minuto narating nanamin ang aming bahay. bumaba naman si chloe ng sasakyan, dumiretso agad sya sa loob ng bahay namin.

"Oh my ghad!!!!!" Sigaw ni Chloe. Ako naman itong nataranta, agad akong bumaba sa kotse at tumakbo papasok ng bahay.

What the hell!!! Anong meron? Bakit may ganito? Nanatili akong nakatitig sa floor. Sa mga Red and White roses na nakakalat dito.

Tumingin ako sa isang table malapit sa kinatatayuan namin nang may makita akong flowers na may kasamang card.

"Kanino galing?" Tanong ni Chloe.

"Kay Ridge" simpleng sagot ko. Pero pinipigilan kung mapangiti. Sino ba nmng babae ang hindi kikiligin sa ganitong klaseng set up diba

"Tsk. Ibang klase rin talaga dumiskarte itong pinsan ni Eliza" may ngiti sa mga labi ni Chloe na sinabi nya ito

"Kahit sinong babae eh mapapasagot agad ni Ridge sa ginawa nyang ito" dagdag pa ni Chloe

Inamoy ko yung bulaklak na nakuha sa table. "Simula nung araw na makilala ko si Ridge, lagi na syang pumupunta dito. Pero kahapon hindi ata sya pumunta".

"Na-miss mo ba ako?"

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nung marinig ko ang tinig na iyon bigla nalang uminit ang mga pisngi ko at nabitawan ang bulaklak na hawak ko. Shet not this time.

"Sorry busy kasi ako kahapon marami akong inasikaso kaya late nako nakauwi, pero kung alam ko lang na namiss mo ako sana kahit late na eh dumaan pa ako dito" sabi nya. Psh kung alam mo lang na sa condo ako natulog.

Tinignan ko naman si Chloe at ang gaga ngingiti ngiti pa kaya pinanglakihan ko sya ng mata.

"Maiwan ko muna kayo para naman makapag usap kayo ng masinsinan. Irish sa kotse mo nalang kita hihintayin"

Pipigilan ko na sana si Chloe pero wag nalang pala baka kasi mag muka pa akong tanga.

"Sige, susunod din agad ako"

"No, it's okey. Take you time" ngingiti ngiti pang sabi ni chloe.

Nakakagigil talaga itong si Chloe my ghad kung hindi pa sya umalis sa harap ko baka nakalbo ko na sya. Humakbang nalang ako papunta sa hagdan.

"Akala ko ba nami-miss mo ako? Bakit ayaw mo akong tignan?"

"Hoy FYI hindi kita nami-miss no ang kapal mo. Tsaka sino ba nag sabi sayo nyan?" Sigaw ko sa kanya pero kunwari lang para effective.

Nakita ko nang ngingiti ngiti itong Tukmol na ito "Eh bakit nagba-blush ka?"

"Hindi ako nagba-blush"

"Yes you are" panunukso nya pa sakin.

"No I'm not" depensa ko naman.

"Okey sabi mo eh , by the way. Nagustohan mo ba yung mga bulaklak?"

"Paano ko magugustuhan eh nagkalat kapa dito" masungit na sabi ko.

"I'm sorry. Eliza told me earlier that you love Flowers specially red and white roses that's why I decide to do this" sabi nya naman.

My ghad Eliza humanda ka talaga sakin kapag nagkita tayo kakalbuhin talaga kita kahit na bestfriend pa kita.

Pero aaminin ko sa sarili ko na nakakatouch talaga ang effort nya pero ayoko ko ipahalata sa kanya dahil baka magkaroon pa ito ng chance.

"Okey. Thank you for your efforts. Pero sana inisip mo rin itong ginawa mo, dinagdagan mo pa gawain ng kasambahay namin"

"I thought we have a good terms na. You said last day that you'll try to be nice to me"

Hindi muna ako umimik nakatitig sya sakin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Why do you keep doing this kind of things ba?" Iritadong tanong kuna.

"Para ma-prove ko sayo na seryoso ako sa panliligaw ko sayo"

Tumikhim naman ako "Your just wasting your time"

"No. Mas masasayang ang oras ko kung hindi ko mapapakita sayo how much you mean to be" umawang ang bibig ko sa sinabi nya.

"How much I mean to you? Seriously? Sa ganong kaikling panahong magkakilala tayo, I mean so much to you agad? Do you think na mapapaniwala mo ako?"

Hindi sya umimik at nanatiling nakatitig sakin at ako naman itong umiwas muli mg tingin.

Napabunga nalang ako ng hangin "Okey, But I warning you na wala kang aasahan sakin"

"Wala namang masama kung susubukan ko, Diba?"

Ang tigas nya talaga. Damn!. Pero yung mga sinasabi nya lahat iyon tumatalab sakin hindi pwede ito.

"I need to go na. May lakad pa kami ni Chloe" hindi ko na sya hinintay na sumagot at tinalikuran kuna sya. Hindi ko narin nakuha yung gamit na kukunin ko sana. Gusto ko nang makalayo kay Ridge kulang nalang siguro takbuhin ko para lang makarating agad ako sa kotse ko. Pagkarating ko sumakay agad ako ng kotse at pinaandar ito pero bago pa iyon nilingon ko muna ang main door namin at nakita ko syang nakatayo doon.


Vote and comment
-HgielesAkire💜

An Unexpected Love [ On Going ]Where stories live. Discover now