TOTBW CHAPTER 4

18.4K 238 10
                                    

Chapter 4

"Can we act as a real husband and wife who loves each other for the mean time, Tyrone?" I just asked while looking at him.

Nakita ko naman ang marahang pagngiti nito, at tumango "Sure." he said.

Lumundag naman ang puso ko sa sayang naramdaman ko, mas nagulat naman ako nang hawakan niya ang kaliwang kamay ko.

Napatingin naman ako sa kamay naming magkahawak, at lumipat ang tingin ko sakanya.

He just smiled "You said let's act right?" he said. Ngumiti ako dito. Yes, just an act.

"Samantha..."

Napadilat naman ako ng mga mata ko, napatingin ako sa paligid ko. Saan ang dagat? Bakit hindi na nakahawak sa kamay ko si Tyrone? Bakit nandito ako?

Napatingin naman ako sakanya na ngayo'y nakatungo sa akin na kasalukuyang nakahiga sa kama namin.

"Tumaas ang lagnat mo kanina lang. I kept on waking you up but looked like, you're dreaming about something." sabi nito.

Di agad ako nakapagsalita. I felt disappointed. Akala ko totoo na ang lahat. Akala ko magkakatotoo na ang mga hiling ko.

"I'll call your mom-" He was about to get his cellphone beside the bed but I stopped him.

"N-No! It's okay. I'm okay, Tyrone" natatarantang pagpipigil ko dito.

Confusion was evident on his face. Ibinaba nito ang paningin sa aking kamay na ngayo'y nakahawak na sa kaniyang braso, kaya dali-dali ko itong inalis at yumuko na lang.

"Okay." sagot na lamang nito. Pagkatapos ay naglakad na ito papalabas ng kwarto.

Gusto kong matulog ulit! Gusto kong mapaniginipan ulit iyon! Gusto kong maramdaman ang pagmamahal niya kahit sa panaginip ko man lang. Kahit alam kong umaakto lamang siya katulad ng usapan namin.

Hinawakan ko ang leeg at noo ko, mainit nga, pero hindi naman na masyado, e. Siguro nga ay nadala ako masyado sa panaginip ko.

Tumayo ako galing sa kama at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina kung saan nandoon ang aking asawa.

Napansin ko ang pagtingin ni Tyrone sa akin, hinintay ko ang pagsigaw nito saakin. Kakausapin ko sana siya, nguniy tila ba may nagpigil sa akin kaya binilisan ko na lamang ang paglalakad ko at hindi ko namalayang nasa likod-bahay na pala ako. Wala naman akong narinig na kahit anong pagsigaw o pagsasalita niya. I sighed.

Napahinga ako ng maluwag, mabait ang asawa ko ngayon, kasi nga may sakit ako. Sana nga palagi nalang akong may sakit. Siguro sa ideya'ng iyon, maramdaman ko ang pag-alaga niya sa akin bilang asawa ko.

Umupo ako sa gilid ng pool, magandang tambayan dito lalo na kapag may problema ka.

Parang baliw na nakatingin ako sa mga paa kong nakatampisaw sa tubig. Wala sa sariling humulma ang mapait na ngiti sa aking mga labi.

"It's cold here, Sam." narinig kong nagsalita si Tyrone sa likod ko. Nilingon ko ito at nginitian.

"Okay lang, sanay naman na ako sa malalamig e." batid ko dito.

But I really meant something more than that.

"Kahit na, may lagnat ka, 'di ba?" he said.

Please Tyrone, stop acting like you care for me. Baka aasa na naman ako na kahit sa panaginip ko, hinahawakan mo na ang mga kamay ko at inayaang tumabi sayo hanggang sa lumubog ang araw.

"Wala ka nang kailangang ipag-alala pa, magaling na ako." I just replied, naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito, "Wear this." nagulat ako sa biglaan nitong pagbigay ng jacket saakin, napatitig ako sa bagay na iyon.

Tears of the Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon